Need your opinion
saan po ba dapat tumira ang mag asawa pagkatapos ikasal at manganak ng asawa? (kunwari wala pang sariling bahay at hindi sapat ang sweldo para mag rent ng sariling bahay or apartment) SA MAGULANG NG ASAWANG LALAKI OR SA ASAWANG BABAE?
ako opinion ko lang ha... kung wala pang kakayahan na magrent ng bahay edi mag stay muna sa parents either sayo o sa lip side. pakisamahan lang naman jan ei. pero wag ijudge agad na porket walang kakayahan magrent ang magasawa ei ndi na agad kayang buhayin ng lalaki yung pamilya nya... wala naman nagsama at nagpakasal ng instant yaman agad... walang nagumpisa na ndi mahirap... kami nga ei since naglive in kami ng lip ko dati sa kanila kami until pandemic. pero napagdesisyunan namin na dito na lang kami sa parents ko. ok naman sa parents ko magkakasundo maman sila. and besides siguro dito na nakahanap ng masayang pamilya asawa ko kaya ayw na nya na dun kami sa family nya magstay kasi yung father nya may ibang pamilya na ganun din mother nya. saka hati hati kami sa bayarin... anong masama kung dun kayo mags-stay sa parents mo kung hati hati din kayo sa gastusin.. kami nga nagrerent ng bahay kasama family ko hati hati kami sa gastusin hati sa bahay sa tubig at ilaw... kasi sa gastusin ngayon pare- pareho rin tayong ndi pa nakakaangat at dun sa iba na sobra kung ijudge ang ganung sistema na ndi makabukod agad agad... para sabihin ko sayo pare-pareho pa din kanin ang kinakain natin ndi ginto... yun lang
Đọc thêmIf wala talaga at d sapat bumukod mas ok tumira na lang nga sa parents, dun kayo sa mas komportable kayo gumalaw i think at may advantage sainyo talaga Kami nmn nag avail ng bahay pero under construction ng 2yrs. Sa husband side kami tumira dahil mas ok ung location ng bahay nila compare sa bahay namin papunta sa work, tapos wfh ung husband ko at d daw sya comfortable na maiwan sa bahay namin at dun mag work kaya dun kami sakanila.. Ok nmn mabait sakin mga inlaws ko hindi ako parang iba sakanila, never sila nag demand saken or nagka issue kahit d ako naglilinis nagluluto 😂 ni maglaba ng damit ko haha sinwerte din siguru ako sa inlaws
Đọc thêmdependi sa inyo mag asawa specially kung saan ka comfortable para iwas stress sis.. kmi kc dko na experience un, kahit kubo lang nilipatan namin noon simula manganak ako ok lang mahalaga bukod kmi, hindi rin ako nag pa alga ng baby sa mama ko or s side ng mr ko, mas ok kc matutu ka tlga d lang pgging ina pati na rin asawa. Tuwang kayu ni mr mo matutuhan ang pag aasawa specially sa pag bu buget ng Pera. Just saying 🤗.. Mahirap kc lagi nka dependi sa parents.
Đọc thêmkmi po ni hubby after ikasal saknila kmi for ilang months.. tapos ngyaya n ko sa amin bumalik kasi naiiwan lang nia ko sknila pag duty n sia s ibang lugar...so sa amin n kmi nkastay.. pero depende kasi baka madami kau senio nakakailang din un para sa mr mo. tapos ganun din if madami kau kasama saknila nkkailang din mkisama para sau.. so if kaya nmn bumukod mas better po 😊 keepsafe..
Đọc thêmKung kaya nyo mag rent, mas better. Pero pag papipiliin both, syempre mas gusto ko sa magulang ko kasi madami nkakatulong sayo mag alaga kay na hindi ka mahhiya. Although ok naman sa byenan kung mabait sila, pero hndi maiwasan na meron differences sa way ng pag aalaga sa baby. Sa huli, nasa pag uusap nyo pa rin yan ni hubby piliin nyo kung ano ang mas convinient sa inyo po.
Đọc thêmsa lalaki ka susunod dahil siya head of the family. pero if I were you.. 😅 d aq mag papakasal or sasama sa lalaking d kayang mag rent man lng Ng sariling bahay... mahirap Makitira.. sobra! and most of the time mag mumukha Kang tsimay/tsimi-aa Ng family Ng Asawa mo dahil ikaw Yung mkikisama.. ikaw pa mahihiya matulog.
Đọc thêmyes true Po.danas ko Po Yan..ks ako nkisma sa Kapatid Ng aswa ko ks nkikitra lng asawa ko at d kmi prepare dhil dko akalaing mabubuntis Po ako..sa manila Po nktra asawa ko nuan..at umwe Po ako sa zambales dhil nhihiya po ako sa kpatid nya dhil Need dn nla Ng privacy..naun nsa manila asawa ko dhil dun Po Ang work nya..hrap po mkisma ks ako Po ay may ank sa una at ung asawa ko po nuan ay binata..pro nd po nging hadlng Yun smn..
Ako kase sa nanay ko, kasi wala na ang tatay ko at solo akong anak, pag doon po kami sa side ng asawa ko, kawawa naman si Nanay ko walang kasama sa bahay. Saka kahit saan okay kami, dahil. mabait din ang byenan ko, gusto din nila kami doon, saka di rin nila ko pinagagawa pag nandoon ako. Nagkukusa nalang ako, nakakahiya naman kase. Ayon lang.
Đọc thêmi think kung saan po hindi pakialamera ang mga byenan.. haha.. kmi po sa parents ko kc may issue si byenan.. bumukod n dn kmi dati pero dhil sa emergency need nmin bumalik sa parents ko pra alagaan sila.. until now ksama nmin parents ko.. ok dn nman kay husband.. ☺️
Kung saan po magiging masaya at komportable kayo, at the same time di rin po hassle sa iba. Maganda din na pareho niyong desisyon, after maayos na usapan. Gawa din po kayo timeline/goal kung kelan po kayo bubukod, at kung ano ang contribution sa bahay.
mas better kung sa asawa mo, kasi masyado nang nakakahiya pag sa parents pa ng babae, hiningi na kasi ng lalaki abg responsibilidad na buhayin an babae sa kanyang mga magulang
Maganda po ung point ninyo momsh
your friendly mommy