X OVERDUE X

Sa totoo lang, di po nakakatulong ang mga comment nyo na overdue na, siguradong nakapoop na si baby, pa cs ka na, etc sa mga mommy na nakarating o lumampas sa edd nila ng hindi pa nanganganak. Sa pagkakaalam ko po, ang EDD ay guide lang at hindi porke binigyan tayo ng date ay dapat before or on that date ay aanak na tayo. Nakakapressure po at nakaka stress sa totoo lang. Nakakalimutan natin na si Baby ay may sariling isip sa loob ng katawan natin. Siguro hindi pa right time para lumabas sya, kaya wag natin pilitin. Hayaan natin na mag grow, basta alagaan natin, mag exercise, kumain ng tama at laging imonitor ang movement nya. Makipag coordinate lagi kay OB at maghanda ng plan kung may di inaasahan na mangyari. At syempre samahan lagi ng dasal, na mailabas natin siya ng healty, safe at alive. Isa lang tayo ng goal dito. Wag nating gawing race, wala pong finish line. Wag mag unahan.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

tama mii, ako lagpas na sa EDD ko, my mga naririnig pero dedma nalang at tiwala nmn ako sa ob ko na hndi kme pababayaan ni baby 😊

Thành viên VIP

true, dahil lalabas at lalabas naman si baby. tamang tulog nga lang ako nun then bigla na humilab tyan ko.

Louder maaamsh!!!