Sa tingin nyo ba, pang may kaya lang ang gender reveal party? Kailangan ba talaga sya?
Gusto ng husband ko. Gagastos daw pero may mga regalo naman. Pero ang rason ko yung pang gaatos sa party ako nalang bibili ng mga gusto ko. Lol.
Pag po kaya wag po pilitin at wag na wag din mangutang. Di bale ng walang mga ganyan at least hindi baon sa utang at safe na madeliver ang bata.
Hindi naman kelangan sis. If gusto nyo pwede nyo pa din naman gawin in a simple way. Hindi kelangang all out or bongga tapos after nun nganga.
If kaya nyo gastusan habang buntis ka pwede naman. Pero sakin practicality na lang. While having dinner na lang kasama ang family. 😊
Hindi naman pang may kaya lang pero kadalasan yung mga may kaya ang nagpapa-party. when can be creative naman sa gender reveal e.
Hindi naman po kailangan. Dati wala naman ganun. Better pa din use the money for more important things tulad ng panganganakn
Nasa inyong magpartner yan kung gusto nyo. Sa case kasi namin, ayaw naman namin so walang gender reveal party naganap.
Hnd naman neccesary yan sis..depende sa budget niong mag asawa..tska pde naman simplehan lang kung gsto mo tlaga..🙂
Para sa akin hindi sya kailangan. Masaya siguro kung yun ung 'trip' ng couple pero parang nice to have lang sya.
Hindi sya pang mayaman lang . Depende lang sa trip ng nagbubuntis at hubby yan . Di naman sya need na need .