Bakit ka nagustuhan ng asawa mo?

Do you remember the reason why? Napag-usapan n'yo na ba ito?

Bakit ka nagustuhan ng asawa mo?
107 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ewan ko ehh... gusto nya yung good side and accepted naman ang bad side... 4 years best friend though simula pa nung maging magclassmate kami ng college crush ko na sya at gusto nya manligaw sakin kaso wala talaga akong tiwala sa lalaki base on personal experiences at sa family na din... tapos pinatunayan nya naman na mapagkakatiwalaan ko sya kaya after maging magbestfriend naging kami until now with 2 kids na (a 3 yrs old and a 12 days old baby) and about to get married this oct 5 ... still inlove, contented and happy 😍😍💖💖💖

Đọc thêm

Ewan ko nga ba? di naman ako kagandahan, chubby pa, at single mother before. Pero talagang kapag pinag pray mo kay Lord na bigyan nawa ng makakasama sa buhay na tanggap ako kahit ano itsura or nakaraan ko talagang faith lang sa Kanya at ibinigay naman Nya. In fairness, binata at konti kagwapuhan pa ibinigay sa akin hehehe... very responsible at super love ako. Kaya never lose hope mga mamsh ....Now happily married na po.

Đọc thêm
2y trước

diko alam bkit? hiwalay ako sa asawa at my 2 anak at ang kalive in ko ngaun binata ...d nmn ako sa kgandahan pro ewan bkit nia ako nagustuhan

sabiii nya chinat nya ko datii kasi nagandahan sya sakin sa coffee shop 1st attempt na nag try sya mag chat . d ako nag reply eh 2nd attempt okay na. tsaka bored ako Hahahha ang ingay ko daw kasii tsaka galing mamorma,and isa pa meju maangas kasi face ko cguru gnun . sya kasii ganun din kaya nag click kami shat is life pero nung nging mag asawa kami. responsable talaga ever syaa ❣️ busog sa pag mamahal, financially stable nman.. basta happy lang

Đọc thêm

nag start kami sa barkada crush ko lang sya nun buo na barkada nila bagong extra lang ako hahaha Kasi na broken kaya isinali Ako ng mga pamangkin ko eh hahahaha napaka tahimik nya Kasi sabay lang sya sa trip ng lahat tapos nag tuksuhan na nga barkada hahaha nag start sa nag chat na sya tita pa nga tawag nya sakin nun hahaha pero ngaun Mami na nakakatuwa lang pag Yung crush mo tapos crush back ka din naging kami tapos ngaun mag kaka baby na kami 😍💕

Đọc thêm

2010 naging kami, my highschool sweetheart ☺ Nag ask ako sa kanya if ano nagustuhan niya sakin kasi suplado yon, halos lahat ng nagpapapansin sa kanya di niya daw bet 😅 Malayo palang akala mo may kaaway na kasi ang sungit ng mukha. Sabi lang niya ewan basta gusto lang daw niya ako 😂 He's not a romantic type of guy when it comes to words pero bawing-bawi sa actions. Alagang-alaga ka talaga, lalo na't mgkkababy na kami ni hubby soon 🥰

Đọc thêm

before kasi ex nya pinerahan lang sya kaya siguro nagustuhan ako kasi never ako nanghingi ng pera sa kanya which is napaka rare daw sa filipina na mga nameet nya before . hahaha pero mahirap lang talaga ako ,at simpleng babae na hindi kagandahan , hindi nasagi sa utak ko na perahan sya kasi pagmamahal at loyalty hanap ko sa lalaki hindi pera . ,plus points na lang siguro na napprovide nya mga needs talaga namin sa bahay like foods,etc.

Đọc thêm

Everytime na tinatanong ko siya bakit niya ako nagustuhan or ano nagustuhan niya sakin,ang palagi niya lang sinasagot e "Ewan ko nga e, walang reason kung bakit ikaw. Siguro kusa ka lang binigay sakin ng Panginoon. Siguro akin ka talaga". Ganun na lang din iniisip ko kasi hindi kami naging mag girlfriend/boyfriend. Kachat ko lang siya noon. Torpe nga siya e. And pareho kaming dalawa nagtatanong paano kami naging mag partner HAHAHAHAHA

Đọc thêm

Kase maganda daw ako saka mabait. hahaha joke. Ewan ko kung bakit, sabi nia ang sungit ko daw sa chat, pag hindi daw siya magtatanong hindi ako magcchat tapos yung reply ko very short lockdown kase kami nagkakilala 3months pa bago kami nagkita. Pero sinabi na nia na liligawan nia ako pagkatapos ng lockdown kase ayaw nia sa chat. Nung first meeting namin sabi nia masarap daw akong ksama at parang matagal na kaming magkakilala.

Đọc thêm

Hnd ko alam. Bsta ang alam ko ang Dyos ang ngbigay sakin ng taong mkkasama ko sa buhay. 19yrs agwat ng edad namin mrmi hnd pgkaka sundo pero kpag sya mali nag sosorry agad sya. Hnd ko sya mahal pero dahil sa pinakita nya na mbuti syng tao at responsable, malinis sa bahay at maalaga. Kya kht hnd ko gusto noon, mahal ko na ngayon. Bsta lage lng mg pray na tamang tao ang mpunta sau at hnd ako bnigo ng Dyos.

Đọc thêm

Classmate ko siya sa college. He said hindi niya alam. Basta nararamdaman na lang daw niya na he like me and want to pursue me, no matter what. I'm a snob and he's an introvert, shy type person. Basta napakasungit ko sa kanya ever since tapos napakapapansin niya saken and ang kulit kulit then eventually, na fall na din ako sa kanya. And now, magkakababy na kami by January 2023!

Đọc thêm