Do you still remember...

Kailan mo unang nakitang umiyak ang asawa mo?

Do you still remember...
105 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Last year, noong nafufrustrate siya na papaniwalain ako na hindi na daw siya magloloko, btw, he cheated on me habang buntis ako sa panganay namin. Though never naman sila nagkita talaga personally ng babae at thru chat lang ang naging ugnayan nila because of online games, still I consider it cheating lalo na at nakapagpadala na siya ng pera doon. At kahit alam niyang alam ko ang lahat ng ginawa njya, still ipinagpatukoy niya pa rin. Alam niyang nababasa ko lahat ng exchange of messages nila nung babae, hinayaan niya pa rin. It was a big insult sa akin. Naospital pa ako ng dalawang beses habang buntis and gave birth prematurely dala na rin siguro ng stress. Went through that pero hindi pa rin nastop ang ugnayan nila nung babae, nanganak na akot lahat, sila pa rin, until I decided na umuwi na muna ng probinsiya while on leave. At nung bumalik na nga ako, akala niya, parang walang nangyari, akala niya babalik na kami sa dati. Doon na akonnag start manumbat ng lahat ng mga pinagdaanan ko. Ako lahat ang gumastos sa panganganak ko, simula check up hanggang manganak. We're married pero ang pinagtatrabahuhan niya, halos sa pamilya niya napupunta, I never complained about it. My trabaho ako. Pero nitong pagkatapos ng ginawa niya, inobliga ko na siya. Nasa magulang ko ang anak namin. Kulang na lang sairin ko ang buong sweldo niya kasi nagawa niyang magpadala sa babae niya kahot never siyang nagbigay sa akin nung buntis ako at manganganak. Umiyak siya noong pinipilit niyang ibalik sa dati pero hindi ko maramdaman sa sarili ko iyong sincerity, until now, it's been a year pero sariwa pa sa akin ang lahat, we're together pero hindi na gaya ng dati. Iyong mga luha niya pakiramdam ko hindi totoo kasi nagawa niya akong lokohin sa panahong kailangan ko siya, i suffered emotional breakdown and became suicidal. Cheating was new to me then, it was unexpected of him pero nagawa niya. At habang nakaratay ako sa ospital, fighting for our child, ipinagpapatuloy niya pa rin. Nagawa pa akong awayin kahit alam na bawal akong mastress because my Ob told me na dapat bed rest na lang tlaga ako noon hanggang manganak. Kaya ang iyak ng asawa ko, it was a crocodile tears for me.

Đọc thêm
3y trước

Hi mommies, we're doing fine na. We're trying to make things work for our family. We both do our best to be the best parents and learning to compromise. Everything won't be the same pero what's more important is our family. It was the worst experience but it was the best lesson for me, learning that too much love could really kill, not necessarily physical but emotionally. I still have break down episodes, those times still haunting me but I have my parents on my back and my children who motivates me to go on and move forward. Learning to forgive is better to stay mad for everyone. Life is still beautiful.

Hindi naman sa iyak pero papunta na don. Nitong week lng kasi kapapanganak ko. lnutusan ko syang bumili ng gamot ni baby dahil sa may lagnat pero inabot sya ng 3 hours bago nakauwi. Galit na galit ako sa kanya that time but then nagexplain sya kung ano ngyari. Rinig ko ang pagaralgal at panginginig sa boses nya habang nagsasalita. Ang ngyari pla ay nahuli sya ng traffic enforcer gawa ng walang helmet at maiimpound sana ang motor nya. Umiiyak nlng din ako habang nagkkwento syang pinakiusapan nlng nya ung nanghuli sa kanya na ganito ang sabi “Sensya na sir, may lagnat kasi anak ko at kapapanganak lng ng asawa ko, wala na din kami pangkain sir”. Halos madurog ang puso ko pagkarinig ko sa kwento nyang ganito dahil sa totoo lng nasaid din ang savings namin. Buti nlng at mabait ang nanghuli sa kanya at ginawan ng paraan. Sorry sya ng sorry samin ni baby at pinatawad ko naman sya agad.

Đọc thêm
3y trước

Ganyan din nangyari sa tatay ko sakin nung baby ako, 😢 kwento sakin ng nanay ko. na confined ako nyun sa malayong hospital sa lugar namin, baby pa din talaga ako nyun. muntik na din syang mahuli kasi bawal na dun tricycle nya. Kaya alam ko ang sakripiyo at pagkamahal sakin ng tatay ko hanggang ngayon malaki nako at ako naman ngayon ang my anak na.

Thành viên VIP

mag-jowa pa kami nun. We were on a vacation, (a 2hr drive away from our city). We just want to relax and chill. then suddenly his Mother texted him to go home lang muna kasi si mother in law and his niece lang ang nasa house and takot sila baka pasukin ng ibang tao (lalo na nasa downtown area lang sila, along the road ang house). My husband was torn apart if to stay with me or uuwi siya (mag jowa palang kami niyan). I was extremely sad, frustrated, mad lahat ng pangit na emotions, kasi BABE TIME 😊 While I was nagtatampo, paglingon ko sa kanta, he was CRYIIIING 🤣🥺 i find it cute ❤️🤣 So, di naman ako masamang jowa, so i wiped his tears and told him to go home nalang 🤣😊 And ending NAG SOLO ako sa suppose to be OUR vacation. 🤣🤣🤣

Đọc thêm

First: When our LDR stage began. Nagiyakan kami a night before his flight and noong hinatid ko na siya sa airport. Second: On our wedding day. When I walked down the aisle and when he said his vow. Third: When we were at the hospital because I needed to emergency cs due to my preeclampsia. When I delivered my baby, mas lalo siyang umiyak. He felt relief na baby and I are both okay. Mababaw luha ng asawa ko. But those three are the ones na talagang nakita ko siyang hagulgol. Ramdam ko yung sincerity and love sa bawat pagiyak niya. He never cried because of anger or anything, he just cried out of love, care and happiness.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Actually Nanliligaw pa lang Si Mister saken, Nakita ko na siya Umiyak. Dahil Gawa Ng Nag alala siya ng sobra sa Pamangkin niya, Aminado siya na Pagod Na Siya sa Kaka OT niya at Sumasideline pa siya tuwing day off niya. Para lang May maitulong siya sa 2months pa lang na Pamangkin niya eh May tubo na , Para lang makahinga 😔Umiyak Siya sakin Nung napansin ko na lagi na siya Tahimik Tas parang ang lalim ng iniisip. Biniro ko siya Pero Bigla lang siya Sumandal saken Tas Umiiyak na pala 🤦 Nung time na yun. Dun ko lang siya nakitang mahina.

Đọc thêm
3y trước

Ang vivid ng imagination ko dito mumsh! Parang ramdam ko ung emotions ng asawa mo

nung sinabi nya na kailangan nya mag-abroad at di daw muna nya ko papakasalan. Sabi ko Hindi Rin kami magkakatuluyan pag di kami nagpakasal kase aalis din ako, uunahin namin career. 32 na ako noon, so namili sya sa pangarap Ng family nya at sa pangarap naming dalawa. iyakan kami. naghiwalay kami na Walang nabuonh decision. after a week nag propose na sya Ng kasal. ngaun 2 na baby namin. Hindi sya nahihiyang umiyak Kung kailangan, Sabi ko sa kanya, Hindi nya lang ako asawa, totoong kaibigan nya din ako.

Đọc thêm

first time ko lang din nakitang umiiyak asawa ko. nung 3days old palang baby namin nung feb 16, habang waiting kami para maadmit si baby sa hospital kasi biglaan pangyayari yun. sobrang sakit sakin na makita baby ko, iyak nako ng iyak. tas sya umiiyak na din nyun. sorry di ko talaga maikwento talaga dahil sobrang sariwa pa din sakin sa lahat sa nangyari samin ng baby ko. Pero sa awa naman po, okay na po si baby ngayon. 16days napo sya ngayon.

Đọc thêm

Nung nakikipaghiwalay na ako sa kanya kase nahuli ko na nman sya na may communication pa din sila ng ex nya. He cried kase I was really furious and dead serious sa pakikipaghiwalay to the point na nakaimpake na ako (that time wala pa kaming anak). Yung itsura nya? Mukha syang guilty sa ginawa nya. And napagalitan pa sya ng mga in laws ko since sinabi ko din sa kanila na isosoli ko na sa kanila ang anak nila.

Đọc thêm

Nakita ko syang umiyak talaga nung nirerecall nya yung time na sobrang naghihirap daw sila ng pamilya nya noong bata pa sya. Kailangan daw nya magsinungaling sa naniningil ng kuryente. Bata pa sya pero hiyang hiya daw sya sa ginawa nya. Kaya nung tumanda silang magkakapatid nagpursigi talaga sila para umangat ang kalidad ng buhay nila. Ngayon mga abogado at doktor na sila. Kaya nakakaproud talaga. 😊

Đọc thêm

last month ung halos gusto na nya magpakamatay.dahil ung inaasahan nya na mababalik na nasa sa dati ung days of work nya nawala dahil sa paepal na manager nya .super depressed sya dahil nasanay sya na may naipprovide sya sa family nya tas ngaun wala na .awang awa aq nun sa asawa ko gusto ko ndin nun umiyak pero kelangan ko tapangan para d sya lalo madepress 😞

Đọc thêm