Normal Delivery @38 Weeks

Reign Tyler May 8, 2020 1:33pm 2.800grams Normal Delivery 6am palang nakaramdam ako na Para akong nadudumi pero wala naman lumalabas. Unti Unti rin sumasakit Yung pelvic part ko pero wala pa sa isip ko na naglalabor ako. Pinakiramdaman ko muna sarili ko. Tapos every 2mins Yung sakit niya. Mawawala tapos biglang suntok Yung sakit. Mga 9am nagsabi na ko na parang naglalabor na ko Kaya nagpahatid kami sa brgy papuntang lying in clinic. Pag dating namin dun, Lalo pa siyang sumasakit pero may interval pa rin na mga 2mins. Naghintay pa ko muna ng halos 1hour sa midwife bago ako macheck. Hirap na rin ako maglakad, paika ika na sa sobrang sakit. Nung nag IE ako ng midwife, 5-6cm na raw. Need pa iobserve ng ilang oras Para mag fully delate na Yung cervix. 11:30am binigyan ako ng evening primrose intake ko daw Yung 2 tablets tapos pinakain muna ako. Mga 12:30nn hindi ko na talaga maintindihan Yung sakit. Tinawag na ko ng midwife para ma IE. Pinag diaper ako kaya di ako sure na pumutok na Pala panubigan ko. Nung chineck na nila, nasa bukana na ulo ni baby. Kahit hindi pa ko pinapaere, di ko na mapigilan sa sobrang sakit. Pinahinga ako ng malalim after nun baby's out by 1:33pm. Akala ko tapos na, pero mas masakit pa Yung tahi sa pwerta ko kesa sa labor. Masyado na pwersa yung pag ere Kaya napunit daw yung pwerta Kaya kailangan tahiin. Tinahi siya na parang walang anesthesia. As in parang wala talaga. Nahirapan sila kunin yung inunan kasi sobra sensitive ng balat ko. Finally natapos rin lahat. 1 and a half day lang kami sa clinic at nakauwi rin agad. Worth it naman yung hirap kung makikita mo yung pinaghirapan mo ng maayos at safe❤️ Sa mga FTM, trust Lang Kay God di niya kayo pababayaan? Thank you sa TAP dami kong nakuhang impormasyon dito na nakatulong sakin ng malaki.

Normal Delivery @38 Weeks
51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congrats po' ang bilis lng lumabas ni baby hehe sana all ganyan ako halos 16hrs labor ko sa 1st baby ko tas CS dn pala ako hanngang 7cm lng cervix ko from 3pm to 1am di na umabot ng 10cm

Congratz Momshie nakaraos ka n ... Ano ginawa mo para mapadali delivery.... Super kabado ako FTM ...

Congrats momshie.. Sana ganyan din ako manganak.. First time mom ka momshie??

Kamusta po pakiramdam nyo ngayon sa tahi? ako masakit parin e. hirap kumilos

5y trước

Medyo masakit pa rin. Gamitan ko Lang daw ng feminine wash with guava Para mabilis magheal.

Congrats mamsh ! Kudos for being brave :) palakas Kayo ni baby 😘

Congrats, Sana ganyan Lang din ako kabilis manganak sis. God bless

Congrats... welcome to the new world baby.. godbless...😊

Magkano po bayad pag sa lying in ka na nganak salamat po sa sagot

5y trước

Dun po sa pinag anakan ko, 12k normal. If less philhealth nasa 3k Lang po.

Congrats mommy. 💕💕 Nakaraos na din kayo ni baby.

Congrats po cute naman pareahas tayo baby boy 😊