Pregnancy test
Question mommies, how many days delayed ang period nyo bago kayo nag PT and nagkaron kayo ng accurate result? TIA
12weeks😅 and dahil hnd ako makapaniwalang buntis ako kht pinagpipilitan na ni partner bumili akong pt tpos positive, pero hnd padn ako kumbinsido dahil wala pang check up 😅 kaya umabot ako ng 6PT 😅 hanggang nakita ko na ultrasound ni baby"AY! BUNTIS NGA AKO !"
Nag-PT ako 3 days before period using cheap strips, faint line lang. On the same day, bumili ako Clearblue & First Response (just to be sure). Kasing linaw ng test line yung control line. On Clearblue digital, pregnant yung nag-appear sa screen 😊
mag 2 months pero alam ko na sa sarili ko na buntis ako since regular period ko at may mga sintomas ako like morning sickness at maya maya gutom, hindi naman kasi ako ganun pag magkakaron pero first time mum here hehe. 15 weeks na kami ni baby.
Sa case ko 3mos. Saka lng ako nag pt itregular menstruation ko kya prang normal nlng sakin n three months ala akong period pero my naobserve kc ko n changes sakin kya ng pt ako which is positive nga.
NagPT ako nung 2 days akong delayed.. Tapos faint lang yung line.. Mag 6 days na kong delayed nung nagPT ako ulit.. Dun ko nakita super linaw nung dalawang lines😊
Actually po 2 weeks kanaping delay dun pwede napo malaman yung result sa pt, ako 3months ako nag take dahil dipaready sa result pero alam kona buntis nako
7days delayed nag PT hindi malinaw result.. Nakailang PT din.. Di convince si OB kaya pinag Serum HCG nya ako don na confirm na 9weeks preggy na pala ako.
1week delayed po inantay ko kc regular namn po ako, just to be sure at confirmed positive nga nd na ako nagvtry ulit mg pt kc ramdam ko namn buntis ako .
Sa 1st baby ko 3 weeks, ngayong preggy ako sa 2nd baby, 1 week delayed pa lang nag pt nako tapos ayun both lines malinaw na malinaw.
5 days delayed tapos nag PT na ako.. pero bago pa ako mag PT alam ko may kakaiba na sa akin.. confirmation na lang ang PT ☺