Prenatal Check up
Question lang po, ano kaya ang madalas gagawin kapag 1st time prenatal check up? Di pa po kasi ako nagpapacheck. TIA ☺️
depende po kung ilang weeks na kayong buntis 😊 kapag mejo malaki na (7-9 weeks) chinicheck po nila ang heartbeat at pwesto kung hindi ba ectopic ang pagbubuntis.. pagktapos po nyan ay irerefer ka ng OB na magpa labtest para macheck ang bloodtype, blood sugar, urine etc..
Itatanong muna mga basic questions like kung regular ka, last menstruation mo then Kung kelan ka nag pt etc.. Tpos mag transv na to check Kung may sac and embryo, and heartbeat na si baby. Then saka lng mag reseta si ob ng mga prenatal meds mo. 😊
Sa case ko po, niresetahan lang ng mga vitamins tapos bingyan ng referral for ultrasound after 2 weeks. Maaga po kasi nadetect yung pregnancy kaya yun muna. Masyado pa daw maliit kung ultrasound agad, baka di pa makita.
8 weeks na ako nung first check up ko eh. kaya may trans v ako tapos vitamins at pampakapit. tapos binigyan ng request for lab tests na ipapakita sa ob yung result after two weeks.