16 Các câu trả lời
Nakuuu, sabi sakin sa ospital bago kami ma-discharge pagkapanganak ko, wag na daw pulbuhan si baby, di naman na daw yun kelangan saka may effect din ata sa respiratory system nya. 9 months na baby ko di ko pa rin pinupulbuhan. Ayun, amoy batang kalsada na agad 🤣
Kung pwede maiwasan below 12mos mommy lalo na kung may history kayo ng asthma.. Nakakahika kasi ang powder talaga.. If ever safe ang Talc free powder ng Tiny Buds at Unilove pareho yan maganda mii.
sa totoo lang never kong pinagamit ng baby powder anak ko. 26months na sya. Kahit sabihin pa na Talc Free still for me hindi pdin good for their lungs.
Nope, baby ko hindi ko pinupulbuhan up until now na mag-two years old na sya. may irritation kasi sa kanila laho kapag nalalanghap, babahing agad.
Mas maganda po na hindi gamitan ng baby powder ang ganyan kaliit na bata. Hindi po kasi maganda sa respiratory system ng bata.:)
yes mommy pwede na but make sure na all natural ingredients and talc-free gamit ko like tiny buds newborn rice baby powder😇
mommy wag mo na po lagyan ng powder c baby , masama po kasi sa respiratory nila pag nasisinghot .
si baby ko po kasi hindi na ko nag powder sabi din po kasi ng pedia at sa mga nababasa ko na articles.lalo na po kung girl wag na lalagyan sa private part. pag po kasi nasinghot ng mga baby sa respiratory nila masama po. mabango naman po mga baby natin kahit walang powder🥰
mommy kahit sa down part lang ni baby tska sa puwet pra fresh nmn saktong lagay lng ng powder,
Yung Pedia ni baby, binabawal niya. 1 yr nansya gumamit ng baby powder kahit cologne.
rice baby powder all naturals talc free and unscented .. 👩🏻🍼
Anonymous