26 Các câu trả lời
Same. 16 weeks and 3 days na ako today. Nararamdaman ko na rin kaunti mga galaw ni baby😍 sarap sa feeling hehe pero nakakagulat minsan haha. Bigla kasi may gagalaw nalang feeling ko sipa nya yun na marami hahaha. Nag Posterior placenta na ako ngayon based sa Ultrasound ko nung July 25. Last month kasi naka anterior placenta ako.
normal po hahaha napapasana ol na lang ako kasi ung nasa tyan ko di masyadong active 😅 sabi naman ng OB normal naman daw na hindi active ang baby basta after ko kumain or sa gabi may movement sya pero kasi sa part ko as a mom nakakapraning sya.
sana all ramdam aagd, haha ako 17 weeks pintig lang naramdaman ko kaya nagworry din ako, pero thanks god kahapon check up ko gumamit si ob ko ng doppler normal naman hb ni baby at sa going 5months ko pa daw sya mararamdaman kasi maliit daw tyan ko haha
same momsh 16weeks and 5days ako. May araw na super kulit, may araw naman na behave lang siya. Every movement niya nararamdaman ko and kahapon lang nakita ko mismo yung bakat ng sipa niya sa tyan ko hahaha nakakatuwa
yes 17 weeks naman ako, kgbi 8pm to 10pm may kaaway si baby sa tyan ko 😂 pntugtugan ko na ng lullabye aba parang who u ako naglalaro sya hahaha kanin dinoppler ko nagpahabol pa 😂
normal po yan mi, sana nga po ganyan din yung akin kaso hindi siya masyado nag lilikot sa umaga sa gabi lang madalang pa yung galaw niya 5months pregnant na po ako going 6 months
may pintig pintig na po sya ng mga 5months at pag 6months po nagalaw na si baby
ako po 15 weeks pitik pitik Palang ngayon na 18 weeks na ko sobrang active sa tummy ko hapon at gabi .Di nga Lang makatulog Ng maayos sa Gabi Kasi sobrang likot 🤣
Yes mi maswerte pa nga pag ganyan. 12wks nag umpisa ung pitik pitik ko. Ngayon at 15wks parang may lumalangoy na sa tyan ko, lalo pag nagpapahinga na sa gabi 🥰
sana ol. 16weeks and 4 days ako pero wala pako nararamdaman movements ni baby. Pano po ba malaman if si baby ung nagalaw? first time mom din po ako
tingin ko po momshie normal lang, 22 weeks pregnant po ako at malikot n nga si baby lalo na sa gabi hirap aq mkatulog 😁1st time mom here po😀
Sirc Sirc