Butlig sa kamay, sobrang kati :(

Hi po! Bakit nagkakaroon o paano mawala ang butlig sa kamay? Sobrang kati po kase ng mga palad ng kamay ko. May butlig butlig sa kamay ko. Hindi ko po alam kung saan galing. Ano po kaya magandang gamot para mwala ito? Thank you in advance..

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang butlig ay maaaring isang kondisyon ng balat na kilala bilang “dyshidrosis”. Ito’y sanhi ng malilit at fluid-filled blisters o paltos na nabubuo sa palad, kamay, at gilid ng mga daliri. Kung saan, mayroon ding mga pagkakataon na nagiging apektado ang ilalim ng mga paa ng isang tao. Madalas ito sa mga indibidwal na may isa pang anyo ng eczema. Lumalabas din na mayroong posibilidad na ito ay tumatakbo sa pamilya — kung saan nagmumungkahi ito ng genetic component.

Đọc thêm

Bakit nagkakaroon ng butlig sa kamay o dyshidrosis? Hindi sigurado ang eksaktong dahilan ng dyshidrosis. Subalit, maaari itong iugnay sa sakit ng balat na tinatawag na “atopic dermatitis (eczema). Maging sa mga allergic condition, gaya ng hay fever.

Try niyo itong remedies sa mga nagtatanong: Pag-moisturize ng regular. Paggamit ng mild cleansers at maligamgam na tubig para hugasan ang kamay. Pagpapatuyo ng maayos sa kamay na basa. Pagsusuot ng gloves kung kinakailangan.

Đọc thêm

May allergy po kayo, ganyan din ako kasi kapag sobrang tapang ng sabon nag dadry kamay ko pag maglalaba, then if may makain ako na bawal sakin nagtitrigger sya. I have eczema po. Inom kalang ng alerta para mawala kati

Allergy siguro yan ganyan kamay ko tapos talampakan ko makati sa palad ko lang meron tapos kamay wala naman sa ibang part d naman ako nganganak lalaki ako hahaha..

Ganyan Din sa akin ang kati pati talampakan ko. Nag start nangyati ang mga kamay ko ko noon uminom ako prenatal vitamins ko. Preggy kasi ako mga mag 3 months na.

ako din! Paano mawala ang butlig sa kamay? Moms, ano kaya itong butlig butlig sa kamay ko. Sobrang kati niya at dumadami pa. May tubig sa kamay at paa.

pag nag lalaba aq ganyan ako.. sobrang kati tpos namumula pa.. lotion lng pag sobrang kati binababad ko sa tubig na mejo mainit tpos may asin kunti..

ganiyan din ako 1 week after kong manganak, wala akong ginawa hinayaan ko lang siya mawala, tiniis ko yung kati pero kinakamot ko minsan.

4y trước

Ilang days bago nawala

sakin pinahiran ko ng BL cream. effective naman siya hehe sobrang dami ko ring butlig non sa kamay tapos sobrang kati pa