Bf mom

Hello po sa mga nag papadede jaan may tanong lng po sana ako dahil isang buwan na po akong nag papadede, pero fresh pdin yung sugat ko sa nipple at parang mas lalong lumalala dahil pakirot na po ng pakirot hanggang sa may likod ko na, sobra na po akong nanghihina kapag pnapa dede ko dahil wala naman akong magawa kundi ipa dede dahil sabi ayon lang dw po ung mkkapag pagaling. Sana po matulungan nyo ako, sobrang laking tulong po ang opinyon ninyo kung ano dapat kung gawin. Tia mga mommy.. ❤☹️ Ps: may line nadin po na pula sa may gilid ng dede ko hndi ko po alam dahilan pag knakapa ko ang sakit konektado po sa nipple. :(

Bf mom
19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lang yan mommy lalo na if first time mo, same like mine halos maiyak iyak n ako sa sobrang sakit pero nilalaban ko ang sakit isipin mo nlng na nka survive kna ng 1month sa sakit tiisin mo nlng pra rin naman sa baby mo yn.. si baby lang rin mkakapagpagaling ng mga sugat mo mommy at kpag nlampasan mo yan masasabi mo worth it ang sakit fulfilling... warm compress remedy if feeling mo namamaga ba dede mo at alternate ang pagpapasusu.. Sana mka help syo. Stay safe!

Đọc thêm
5y trước

Mine yours. That is my opinion based on my experience at fyi po sa private hospital ako nanganak I was not teach how to latch my baby properly..

Thành viên VIP

Proper latch momsh, dpat po hindi s nipple lang nadede c lo mo dapat po cover po pati areola part ng breast. Dapat mukang fish ang nguso ni baby pag nadede.. Hot compress, massage din po den try mo po mag hand express ng milk pag naf'feel mo ng puno ang breast. Join k dn po s breastfeeding pinay group s fb madami k pong matututunan re breastfeeding.

Đọc thêm
5y trước

Welcome momsh. God bless s bf journey. Kaya yan 🤗🤗🤗

Thành viên VIP

Mommy baka wrong latch si baby? Nacheck mo po ba kung may lip tie or tongue tie si baby kasi minsan yan din nagiging dahilan bakit wrong latch sila. Nung 1st time kasi namin ni LO 1month din masaket pag dumedede sya pero hndi ganyan ang itsura. Sguro wrong latch tlga mommy ang dahilan nyan.

Ako po pinapahiran ko ng milk ko tapos air dry lang. Tapos po chinecheck ko lang po yung paglalatch nya, hindi masakit kapag maganda maglatch si baby, yung tipong sakop na ng buong mouth ni baby yung areola. Join ka sa fb group ng Breastfeeding Pinays. Marami ako nalalaman dun bout BF.

Mawawala din po yan mas malala nga po ang sakin jan nag pa dede ako halos buong nipple may sugat laway lang po ng anak niyo po makaka galing jan pag tumagal po kayo sa pag papa dede tiis lang po ganyan po talaga pag hihirap ng isang ina 😊

Parang nag nana? Dry ba? Kung oo, lagyan mo ng virgin coconut oil. Tapos, mag warm compress ka din sa area na masakit, delikado yan baka mapano ka rin momshie. Try mo kung matatawagan mo yung OB mo kung masesend mo din sa kanya yun pic.

Đọc thêm

Nagkaganyan din sa akin nong first 2 mos ang lo ko. Nong nagpacheck up ako sa ob sabi ipadede lang daw pero kc sobrang sakit twing nagpapadede na nagraradiate hanggang likod. Tiniis ko hanggang sa nawala yung bara

Baka po mali po ang latching ni baby kaya masakit pa din po syang dumede hanggang ngayon. Try nyo po i-reposition si baby or search po kayo ng proper latching ng baby at mga positions na pwede po sa inyo at kay baby.

5y trước

ako gnyan ako sis. hindi na mkadede skin si baby .hindi nya..masubo yung..nipple ko..bumibitaw,sya. kya gnagawa ko...nagpump na lng muna ako...

Nag ganyan din yung akin kase yung utong ko lang dinedede nya dapat pala kasama yung areola ba yun at medyo nakaangat ang ulo ni baby pag dede ayun never na ulit sya nagsugat tiis lang talaga

Please teach your baby on how to latch properly. Natuturuan po sila. Watch youtube, please. Never nagsugat dede ko never din ako nasaktan sa breastfeeding... proper latch lang yan.