24 Các câu trả lời
Hello po! Thank you sa mga advice ninyo mommies, I really really appreciate it. :) Anyways, di po di naman everytime na galit ako ay sasaktan ko sya. (di ko po sya kinakausap. Yun ag madalas kong gawin pag nagtatampo ko) Dumadating lang ako sa point na parang umaabuso sya sa kabila mg pagtitimpi na ginagawa ko. Naliwanagan naman po ako sa mga gentle advice ninyo. At sa medyo harsh dyan magcomment 😊 Alam ko madami pa kaming dapat matutunan since two years palang kami ni mister and we have a daughter. We also agreed noon na di mag aaway sa harap ng anak namin and good thing, di talaga nangyayari yun. :) Kaausapin ko na lang ang mister ko about dun kung nasasaktan ko sya. I will try more to control my anger. Hopefully, di na maulit yun since everytime po na nagtatalo kami ay nagkakaroon kami ng self reflection then mag uusap ng maayos at magkakaroon ng agreement para kung may nagawa man na di maganda ay maayos. Salamat po sa inyong lahat.
Sis, kahit sinong tao na masaktan physically may tendency na gumanti, buti sya nakakapagtimpi sayo isipin mong kahit lalaki sya eh nasasaktan din yun. Hindi tama yung ganyang attitude kasi baka ayan din maging reason para msaktan ka rin nya sa susunod dahil napuno na sya sayo. Kahit galit ka di excuse na mananakit ka and please wag gagamitin ang pagiging babae as an excuse para mang-abuse ng asawang lalaki dahil once respeto na sa partner ang nawala, mahirap na yan ibalik. Kapag ginagawa mo rin yun parang inaapakan mo yung ego ng asawa mo. Lucky you kasi iniintindi ka nya. Try to control your temper sis. May hangganan din ang pasensya ng mga lalaki. 😊
No po mommy. There's no acceptable excuse for abuse. Ako po personally, I am clinically diagnosed with major depressive disorder and manic depressive disorder. There comes a time lalo na when I'm in my mania phase na pag galit ako may urge akong manakit pero nacocontrol ko dahil iniisip ko rin na kawawa naman ang asawa ko kung masasaktan ko. So ginagawa ko dinadivert ko ang attention ko. Kung galit ka po, pwede po munang kalmahin ang sarili dahil hindi po tayo dapat masanay na kapag galit tayo is kelangan natin manakit ng iba.
You're provoking your husband to hurt you! Kaya nya hinahawakan kamay mo kahit pa magkapasa ka. Hindi maituturing na pananakit yun dahil pinipigilan nya lang sarili nya kahit gigil sya sa ugali mong nanununtok! It's your fault! Tigilan mo yang ganyang pag-uugali! Tumalak ka all you want pero makipag sakitan eh iba yun.. Baka pag ikaw nasaktan nyan kawawa ka.. iba pa rin ang lalaki pag sila nanakit.. as the saying goes "Don't do to others what you don't want others do to you!" Respect is the key! 😑📌
Hindi.. umaalis ako or tumatahimik pag galit para iwas bangayan. Kakausapin ko lng pag ok n ko ska kaya ko n kontrolin sarili ko. Pag Ang babae Po b nananakit ayos Lang? pro pag lalaki nanakit masama tignan? Regardless Po kahit Sino nauna.. Hindi Po ok manakit kahit anong gender pa. Kung gusto niyo Po igalang k Ng husband mo,igalang mo din Po siya..
Baka naoffend yung hubby mo na sinasaktan mo siya. Nawawala pagkalalake niya kaya mejo nanggigil siya sayo.. Advice lang sis. Wag ganun. Di magandang makita yun ng mga tao. Mas lalo na ng anak niyo. Lalake yan. May man pride. Wag mong sagasaan.. Unless batugan at palamunin.. Dun mo supalpalin..
Nope .. Mali rin manakit ng Mister , Di porke Babae tayo eh ganun na trato natin sakanila, Mali rin I-under natin sila.. Pag sinasaktan mo ang partner mo or Di ka lang magtiwala sa kanya , Mas tinutulak mo lang siyang gawin yung mga bagay na Ayaw mong gawin niya sayo .. Getching 😊
Pag puno na talaga ako, Yung parang ginawa Kuna lahat pero wa effect parin. Pero once ko Lang Yun ginawa sa kanya. Medj Mabungaga na ako pero naguusap Naman kami ng mahinahon. Na KONSENSYA din ako nung sinaktan ko siya :( mas maganda parin Yung masinsinang paguusap.
Masama po manakit mapa babae kaman o lalaki,,, sakin kapag subra ung galit ko pinapaalis ko muna asawa ko pra lumamig mga ulo namin, ayaw ko muna syang mkita, lumalabas lng sya ng bahay peo hnd umaalis,, tapos susuyuin n ko n buksan kuna pinto...
Ako pag nagagalit tahimik lng ako kaya alam din ng mister ko un na hindi nya ako pwede kausapin until na humupa na galit ko.baligtad ako maingay ako pag hindi galit.thanks God more than 17 years na kami ni minsan walang sakitang nangyari ❤❤❤❤
Anonymous