Laging umiiyak pag nililiguan si baby

Hi po mommies. Yung baby ko po 3months na at hanggang ngayon lagi po syang naiyak pag nililiguan kaya dalawa po kami laging nagpapaligo. Hawak ko sya tapos yung isa sya nagliligo. Kahit po punas lang kasi madalas punas lang po sya sa gabi naiyak po. Parang takot sa tubig. Ano po kaya pwede namin gawin or iintroduce sknya para unti unti na maovercome nya po yung ‘takot’ nya sa tubig. Or baka may mga mommies na may kagaya sa baby ko paadvice naman po please. Thank you po.

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mi, Im so happy to share this because I just unlocked it ngayong mag 3mosnl lang din si lo. ginagawa ko nilalagyan ko na ng water ung bath tub nya. sakto lang na nakalubog yung part ng katawan nya Pero di ung kasama ung ulo ha kasi naka angat naman yung sa parang foam na hinihigan nya. maligamgan na water din po iyon tapos nagpprepare pa ako ng isa pang warm water pang linis nya na talaga pang finish po. bale pag sinabunan ko sya yng water sa tub kinakanay kamay ko lang sa kanya tapos kinakantahan kantahan ko para mashift attention nya. pero di pa rin nya maiwasan na di umiyak kapag ilalapag pa lang sya sa tub kasi nagugulat sya sa new temp atsaka pinaka ayaw pa rin nya is ung bubuhusan na at ssabunan ulo nya. Try mo mi kahit mga 3days, sa una kasi talaga maninibago siya

Đọc thêm

ganyan baby ko since newborn until 3months. ayaw nya mabasa na ewan iyak sya ng uyak kaya ang bath time di enjoyable for her. 2 pa kami laging magpaligo nun kaya hirap talaga since oareho kaming working nurse magasawa salitan lang ng duty at bantay kay baby. naging love lang nya ang water nung 4months sya hanggang sa nagtatampisaw na sya now going 9months.. wala kaming ginawang espesyal nun. talagang hinayaan lang namin, mabilisang ligo lang while playing at singing songs sa kanya about bath time, tapos inuuna naming basain yung paa nya, dahan dahan saka.yung ulo at katawan.. make sure na bago maligo ay di gutom o inaantok at good mood din si baby (usually sa umaga yan afyer paaraw or dede good mood yan) makikita mo naman if nasa good mood ang baby mo.

Đọc thêm

baka ayaw ni baby yung position niya mie while naliligo?. ganyan kasi napansin namin ni lip sa baby namin.Ftm ako and nung newborn pa siya umiiyak siya pag patihaya yung paghawak sa kanta while naliligo gusto niya yung padapa style o patalikod style.. tapos make sure na sa loob ng bahay nililigo mi kasi may hangin sa labas maginaw at nilalagyan din namin ng hot water yung tubig ni baby na maging sakto lang yung temp yung di mainit at di malamig..now sanay na sanay na si baby sa ligo,even sa gabi pinupunasan ko siya ng warm towel kasi malamig dito sa bukid..di siya umiiyak mie. sanay na sanay na siya .make sure lang din na di siya inaantok at di gutom pag ginawa moto mie.

Đọc thêm

Ganyan din si baby ko, mommy! Nung 1 week to 2 weeks pa lang sya very calm lang sya paliguan, di iyakin. Tapos after 2 weeks nagwawala talaga si baby to the extent na namumula pa ang mukha at nagingitim sa kakaiyak kaya nagsstop po si mama na paliguan si baby. Ngayon po ang naging technique namin, pinupunas punasan na po namin sya habang tulog para po pag as in ligo time na less exposure na po sya or less babad sa water. Sa gabi naman po punas lang din kami warm water. Sisimulan po namin sa pagcchange ng diaper, punas sa paa then patuyo agad, tas punas sa kamay then patuyo, tas katawan and mukha naman po. So far po sa mukha na lang humihikbi si baby kumpara dati.

Đọc thêm

I'm not sure if applicable sa inyo but I remember before, kapag papaliguan ko si baby, I make sure na hindi sya gutom at nakaburp sya bago ko paliguan. Kasi minsan, gusto pala nya magburp pero hindi nya mailabas hangin dahil nakahiga sya during bath time. Use a thermometer para accurate yung water temp--not too hot and not too cold ☺️ Nagti-timer din ako na 3-5mins lng bath time nya. Also, nagpapatugtog ako ng music at naglagay ako ng kung anu-anong pasabit sa bath area nya para may distraction/ entertainment sya habang naliligo ☺️

Đọc thêm
Influencer của TAP

Ang ginagawa ko po sa LO ko is saka ko siya papaliguan kapag gising na po siya at least 15 mins para di siya mabigla na maliligo na siya tapos tinitimpla ko yung init ng panligo niya. Naobserve ko na mas calm siya kapag maligamgam yung water yung close to mainit na. Pwede mo mami ilubog yung siko niyo po dun sa water to check if okay na yung init. Check niyo din mami if baka may iba siyang iniinda kaya takot sa water baka mahapdi yung bath soap niya. Need lang talaga natin mag trial and error sa mga anak natin mommy hehe. Kaya natin toooo

Đọc thêm

Iyakin din baby ko kapag maliligo pero nung 1month old lang. Always make sure na warm yung water at relax si baby (wag paliguan kapag gutom or sleepy) bigyan mo po ng laruan to divert attention or lagyan ng towel yung tiyan niya. Check mo rin baka mahangin yung environment? Nung una sa kwarto ko lang pinapaliguan si baby ngayon 4months sa bathroom na medyo may hangin pumapasok eh

Đọc thêm
Thành viên VIP

sanayin niyo po siya maramdaman water sa katawan niya ,then gently pour water sa ulo or kahit punas punas wag agad sa mukha nagugulat sila. pag lumaki yan hindi na aalis ng cr pag ligo time na nila

ganyan din baby ko hanggang 3 mos parang kinakatay pag nililiguan grabe yung iyak nya pero nung nag 4 mos na nawala na. hanggang ngaung 9 mos na sya gustong gusto na maligo.

di po kaya masyado malamig diretso buhos po ba agad ginagawa nyo? kamay kamay lang Muna po para di po siya nagugulat, baka po nagugulat si baby na bigla siyang maliligo

2y trước

try mo mi medyo dagdagan mo init ng tubig pero ung tama lang sa balat ni baby, feeling ko Kasi natatakot siya or laruin mo Muna sa tab mami kausapin mo Muna siya