17 Các câu trả lời

Ang tamang pag-ire daw po according sa OB ay yung pag nafi-feel mo po sa anus (pwet) mo yung pressure, so parang naglalabas ka po ng poop pero sa cervix/vagina lalabas yung iniire mo. Huwag ka mahiya Mommy kahit ma-poop ka, sanay na sanay na sila doon. Huwag mo din po iangat yung leeg/batok area kapag umiire, dapat daw po kasama pati likod para ma-push talaga si baby. God be with you!

Yung pag ire po sa tyan dapat ang push parang nadudumi lang. Hindi po dapat sa lalamunan dahil pwedeng mapwersa ang lalamunan. Then iire ka pag humihilab or sumasakit. Iguguide ka naman nila. 😊 Dapat din fully dilated ka na bago umire kasi pwedeng mamaga ang dadaanan at mas mahirapan ka kapag di pa fully dilated eh umire ka na.

Sabi Lang Sakin during delivery ko is Tae Lang daw so ganun Lang po ginawa ko☺️. 1st baby ko Yun Kaya naamaze ako Kasi parang tumatae Lang talaga na sobrang laki Kaya kailangan Ng mahabang hininga pag iire. Cheer up momsh sundin mo Lang Yung sasabihin sayo ng magpapaanak sayo

kailangan mo maging malakas wag mong iisipin dimo kayang umiri kasi nakasalalay sa pagiri mo ang buhay ni baby the more na niipit siya the more na mahihirapan siya kaya dapat pag humilab tyan mo iiri mo tingin sa tyan at wag maglalabas ng hangin sa bunganga..

hilahin mo yung hita mo tapos isipin mo tumatae ka lng tapos derederecho naman ilalabas ng katawan mo yan. magtiwala ka lang sa katawan mo kasi alam nya kung ano yung gagawin para ilabas yan. trust your body ;)

sa first baby kopo ganyan ako pero kalaunan naman habang naglelabor matututunan mo iiri kalang po na parang nadudumi ka ☺️

haha, same po..feb. din,first time mom naeexcite ako na kinakabhan kasi di ko alam kung paano umire😅

yes sis,fighting lang

ang pag ire sis yung parang dumudumi ka lang ng matigas.Yun daw po ang pinakamagandang pag-ire.

ako po 2nd baby Feb dn po duedate qu .. kinakabahan dn pero kakayanin ..

Matututunan mo din umire kapag talagang manganganak kana

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan