Postpartum ?
hello po mga mommies.ilang months po ba bago maging totally healed yung tahi po (normal delivery)? super sakit pa rin po kasi pagnagbabawas ako (ang malala lagi pa ako constipated) ? 2 months na po si lo ko. any tips po para di masakit mag cr? thank you po
Nung sa First baby ko po ganyan din ,tinuruan lang ako na, magpakulo lang ng dahon ng bayabas (paglalanggas) everytime na magwiwi ka. iyon panghugas mo, then everymorning and night ilagay mo sa arinola ung pinakuluan mo dagdagan mo konting water yung kayang init lang tapos iyon upuan mo. Para mabilis gumaling ung sugat at the same time hindi kapa papasukin ng hangin. o yung tinatawag na benat para sa mga bagong anak. ☺
Đọc thêmsa 1st baby ko 2weeks lang ok na yung tahi ko. ngayon 1month na nakakapa ko pa din yung suture na ginamit. hindi pa din natutuyo huhu kaya minsan mahapdi lalo na pag naka upo ako para magpa breastfed
Sakin po wala pang 2 months parang healed na. Hindi na din masakit pag na poop ako eh. Pero bleeding naman ako bigla ulit ngayon. Ginagawa ko dati iwas sa mga foods na nakaka pangpatigas ng poop eh
mga 3 months po syaka po nagheal na tlaga unh tahi ko syaka nabawasan na pagsakit ng poop ko nun mga 4 months kc lagi ako umiinom ng yakult para sakin kc napapalambot nya poop ko eh...
1 week lang sakin e. peeo ung spotting ko, until 3 months. tapos ung constipated naman, sabi sakin magtali daw banda sa tyan para di pasukin ng hangin. but best to consult po sa OB.
Hello Mommy. I suggest po mag take ka ng maraming liquids, water most especially. Try mo din muna ang soft diet. You can even take tea or fruits and veggies na rich in fiber.
pag hirap ka dumumi.. bili ka nalng ng faktu suppository .. malaking tulong sya... sa gabi mo sya gamitin.. more than 1 week ko na syang gamit after ko manganak...
hugasan mo lang ng dahon sa bayabas.. pakoluan mo ito at yan ang ihugas mo sa tahi.. 2days lang ang tahi ko Healed na agad cya..
magpapaya k lagi sis pra malambot at dka hirap mayat maya k kain non.. one month ako non bago magaling n mgaling na
3 weeks lang sa akin momsh nagheal yung tahi ko po..gamit ko lang po yung betadine na feminine wash..