Constipation at 3rd Trimester
Hello po mga mommies! How do you deal with constipation po? Yung tipong gustong gusto mo na i poop lahat kaso natatakot ka dahil baka pati si baby ma ire mo din. Regular naman po ako kumakain gulay. Pero constipated pa din. Pinipilit nyo ba magka poop or nag po poop lg hanggang sa makaya?
Same here kahit may pinapainom na sakin gamot si OB hirap parin ako magpoop. Nireseta niya sakin Senokot. Oatmeal na kinakain ko, umiinom na ko Pineapple Juice na rich in fiber pero minsan hirap parin talaga. Tiyaga tiyaga lang sa Cr. And more more water na lang ginagawa ko.
cranberry juice po iniinom ko nung pagtungtung ko lang sa 3rd trimester natatakot kase ako kung pineapple juice bkaa biglang humilab txan ko(sabi nila pampa open cervix daw kase ang pineapple) .. pero kung malapit namn na kayo manganak pwede pineapple juice. .
Ako po I drink warm water every morning yung wala pang breakfast. Then less po sa rice. High in fiber lang mga kinakain ko pati sa tinapay. then yakult po. Pero niresetahan din po ako ng OB ko ng dulculax kasi halos naabot ng 1 week ang pagkaconstipated ko.
Same tayo momshie pero ang ginawa ko kina umagahan ko kinain ang PAPAYA na hinog super effective eh try mo din mom☺
naku inom inom ng tubig kaht mabondat ka na.. iiihi mo din naman yan. then oatmeal and fruits momsh
Try c-lium fiber sis at night then grabe pag nag poop ka the next day may kusa sila lumabas 😅
Check mo vitamins mo momshy specially yung may iron, nakakaconstipate din yun
papaya at peras lang momsh kainin m lalo sa gabi.. tapos drink more water po
hello mommy. ako po noon more on water saka prune juice po.
Hi mama! More on water ka nalang. 🙂