cS delivery
Hello po mga mie. Pag malaki po ba ang tyan possible maCS kahit normal naman po lahat and kaya naman po sana inormal?? Yung OB po kasi dito sa public hospital namin pinapakaba ako na baka maCS daw po ako dahil malaki tyan ko.
Makikita naman yun mi kung kasya si baby sa sipit sipitan mo.. Saka sobra laki ba tyan mo sa dapat na size lang? Baka too much amniotic fluid ka (Polyhydramnios) kaya sinasabi sayo ni Ob mo posibilidad na ma CS kasi minsan pag masyado madami panubigan di din agad nakakababa si baby pag in labor na.. Sinasabi lang sayo ang posibilidad.. Kaya prep ka na din.. At pwede ka naman maglabor and Kung during labor mo mataas pa rin si baby yun pwede na emergency CS.. Pray ka lang mi
Đọc thêmma-CS ka if masyadong malaki si baby at maliit ang dadaanan nya. 2nd if cord coil sya at hindi cephalic ang position. 3rd if HB ka kasi delikado ang High Blood sa mga buntis at sa baby. Depende sa sitwasyon, merong OB na kahit kayang inormal gusto CS ka dahil syempre mas malaki ang bayad dun. Dito samin may OB na ganun eh halos lahat ng pasyente nya CS.
Đọc thêmBaka naman po tubig lang yung iba dyan at hindi naman bata. Yung iba po kasi kaya malaki tyan kasi madami ung amniotic fluid pero ung size po ng bata e sakto lang Tsaka po pag kaya naman yan ng sipit sipitan nyo lalabas yung bata. Pag matagal lumabas ibig sabihin po may problema sa loob or maliit ang sipit sipitan
Đọc thêmako 4 months pa lang ako nagpa check up sabi ng OB ko CS ako dina po ako nagpa second opinion feb 10 po sked ng CS ko wag isipin ang gastos ang isipin ang kaligtasan natin at ang baby isa pa sa private hospital din ako manganganak and this is my first baby
Depende po yan sa laki ni baby na makikita via ultrasound. Doon po mag babase si OB kung kakayanin bang i normal o hindi. Natanong ko din kasi sa OB ko to noon. First baby niyo po ba ito mommy?
hi mie, malaki din po tyan ko 3.4 ang timbang ni baby pero normal naman po ako , kakapanganak ko lang po kahapon kinaya po! kaya kakayanin yan mie! wag lang po isipin na hindi kaya ☺️☺️
Depende mamsh kasi nung ako normal din lahat ng result ko kaso pagdating ng 40weeks ... Na CS pa din ako kasi si baby ayaw bumaba .. pero maliit lang po tyan ko nun
May ganun talagang hospital and Ob kahit kaya naman inormal iccs nila. dipo ba kayo nagtry nagpqcheck up sa lying in sis?
ah ganun po ba. Wala tayo magagawa pag nag desisyon ang ob. ilang weeks kana po ba?
Malaki Tyan or Malaki Baby?? If Malaki Baby & di nyo talaga kakayanin, CS po talaga ending nyan
Maraming salamat po sa mga sagot po ninyo mga mommies 😍😍 Hopefully makaraos na din po
Excited to become a mum