8 Các câu trả lời
every month nagbabago ang baby. nagbago ang tulog, ang feeding, nababgo ang katawan nila pati internal na katawan. meron nababago ang poops, kapag breastfeed wag magworry kung hindi araw araw nagpupoops, kasi nagbabago ang digestive organ nila, every two hours magifising tlga dahil gutom or need lng ng comfort. ang breast ay comfort zone ng mga baby kaya kapag pinapadede mo sya ay makakatulog sya. tapos kapag tinanggal mo dede mo magigising. normal yon. sa gabi mahaba na ang 4hours na hindi nya pagdede. momshie normal po yon. Tip ko po ay magset ka ng routine pwede kang manood sa youtube madaming routines don ng 1 month old na baby. mkakakuha ka ng tips. Wag mag overthink po. if my pwedeng tumulong sayo wag kang mahiya na makisuyo. ok lng umiyak ang baby momshie para makahinga ka kahit saglit. Kaya mo po yan 😊 makakaadjust din kayo
May nasalihan na kayo breastfeeding groups sa fb, momsh? Kapag po kasi mixfed si baby nakakahina yan ng supply lalo. Try pumping while feeding. It doesn't mean din na kung ano nai-pump mo yun lang ang gatas mo, means yung lang talaga napump mo. Doesn't mean din gutom lagi si baby minsan hele mo lang maging okay na, lalo na pag breastfeeding at newborn pa si lo, gusto lang yan naka latch lagi sa breast mo (kaya wala masyado akong magawang trabaho nito noon, kasi yun talaga cons ng bfeeding babies). Lalo't may growth spurt si baby, 30mins gising or an hour hanapin dede mo. Kaya I decided na exclusive bfeeding si lo para di kami mahirapan, pagka madaling araw may latching parin yan so we co-sleep para pag nagising dede lang katapat :)
Salamat po sa pag explain. Hirap po nitong first time parents po everyday is a learning experience.
nkakahina din po ng breastmilk ang stress. mind over body mo. kung iisipin mo na mahina ang milk supply mo hihina tlga yan. Padedehin mo lng po si baby para maempty nya ang breast mo at mag reproduce ulit. hindi po nkakaempty ng breast ang pumping kaya mas ok ang direct latch. pinakamalakas ang breast milk sa madaling araw or gabi kasi nkakatulog ka nakakapag regenerate ang katawan mo. Ang gatas din sa gabi ay my kasamang pampaantok sa baby. kaya mas ok kung mag direct latch ka sa gabi. para magdaretcho na ang tulog ni baby. 3months po mas ok na baby mo. Momshie wag ka po munang magpakastress sa gawaing bahay. Time management and knowing the priorities po.
pwede ka pong magjoin sa group na breastfeeding pinays sa fb
Kung may output po c baby di po mahina supply nyo. Hihina po ang milk production kapag tinapatan ng fm. Di na magproduce katawan ntin ng milk kc dependent na sa fm. Lo ko din po umaga di halos natutulog tapos fussy khit nadede. Di ko inisip n nkukulangan sya kc dami nman poops at wiwi. Mag side lying position po kau pag gbi para mkatulog din po kayo at c baby
Sige mamsh try ko po yan. Thank you 😊
ganyan din baby ko sis nung 1month siya. bottle siya sa umaga tapos breastmilk naman sa gabi. hanggang sa ayaw na niya sa bote and then ako nalang ung nag adjust, hindi kona pinilit sa bote kasi naaawa nako iyak ng iyak eh. ang ginawa ko pinadede ko lang siya ng pinadede sakin hanggang sa lumakas nalang ung milk ko.
Sana nga po lumakas na tlga ung BM ko tulad sayo. 🙏
Baka nagka meron po ng nipple confusion si baby kaya ayaw na dumede sa bottle, you can use mga nipple like na feeding bottles po. Tyagaan lang momsh tayo and Pray. 👶🙏
Baka nga po nipplè confusion kasi kahit BM ko n ung nasa bottle pahirapan pa din sya padedeen. 😓
Pano nyo po nasabing mahina? Wala ba syang ihi, poop, pawis?
Momi tama c baby n tanggihan nya ang bote. Di na masyadong nagpopoops ang baby starting 6-8weeks kc inaabsorb ng katawan ang nutrients kaya wala masyadong waste. Baka growth spurt lng po kaya naiyak. Continue ur bf journey para kay baby yan lalo n this pandemic:)
Eve D. Del Mundo