Hello po meet our newest blessing Baby Gavin:
Edd: Dec. 18, 2019
Dob: Nov. 22, 2019
7 hours labor pero sa dulo na-CS pa din..
Hi Mommies share ko lang po ang napakahirap pero super worth it experience sa panganganak ko sa aking baby..
While I'm on my 8th month of pregnancy na detect ng Ob ko na tumaas bigla ang dugo ko.. from normal range ng 120/70 tumaas bigla ng 140/100 since nun uminom na ako ng maintenance medicines para sa hb.. pinaturukan na din ako ng steriods para madevelop fully ung lungs ni baby since malaki ung chance na manganak ng maaga kapag hb ka.. pray pa din kami na makapag-nsd pero hindi biro dahil week 35 day 3 pa lang ay may signs na ko ng labor upon checkup kay Ob ay 1 cm na ko agad.. pinakiusapan ko si baby na at least 36 weeks sana umabot kami.. thanks God umabot naman 35weeks day 6 ay bigla na lang akong nagkadischarge ng maraming dugo.. rush kami sa er pagdating sa er 3cm na ko pero pinauwi din dahil mild contractions pa lang nararamdaman ko.. week 36 day 1 umaga bumalik ako kay Ob upon checking 4 cm na so binigyan na ng papers for admission sa er sinabihan din ako na maglakad-lakad kasi para makatulong sa contractions.. pero hapon na ko nagpa-admit kasi hinintay ko pa si hubby na makauwi galing work.. 5 pm na-admit na at dinala sa labor room ininduce na ako since mild contractions pa din amg mararamdaman ko.. nag-effect naman ung induce dumalas contractions pero 4 cm pa din.. 12:30 am kinausap na ni Ob si hubby na walang nangyayari sa paglalabor ko maaaring nakaikot kay baby ung umbilical cord nya kaya ayaw bumaba.. nung time na un pilipit na ko sa sakit last ie sakin 4 cm pa din.. bigla tumaas dugo ko nag 180/100 agad so need turukan ng magnesium sulfate para hindi magkombulsyon.. 1 turok sa swero tapos tig-1 sa magkabilang pige.. grabe ung turok nanghina ako bigla umiyak na ko at hindi ko na kaya sinabi ko kay hubby na ipa-cs na ko.. 1:22am baby's out thank you Lord hindi nyo kami pinabayaan.. ??
Dayreen Caye S. Bernardo