138 Các câu trả lời

may experience ako sa puregold sa priority lane. tinarayan ako nung cashier. sabi pa sakin, "ma'am may kasama kang senior?" taas kilay siya. sabi ko, wala. tinuro niya signage ng priority lane, senior, pwd at pregnant. Sabi ko, marunong ako magbasa. Wala akong kasama senior, baby meron nasa tiyan ko. Nanahimik siya. Pero nakasimangot. Malaki na din tiyan ko nun pero malaki suot kong damit kaya hindi halata. Kung papalag pa siya isasampal ko sa kanya yung pic ng ultrasound sa cp ko. Joke haha

Nakakainis lalo pag iihi sa cr. Sa mall kasi ako nagttrabaho, ang protocol bawal kami umihi sa customers' cr, may designated cr para sa mga tenant kaso 3cubicles lang at lagi pang blockbuster ang pila. tsaka as if namang ginto ang ihi ng customer para ibukod pa kmi ng cr. Mula ng nabuntis ako sa customers' cr nako umiihi kasi mas malapit ako don. Lagi din ako tinatanong ng bantay don kung buntis ako kahit ilang beses ko na sinabing oo, sarap sampalin ng ultrasound sa mukha. 😂

Nangyari sakin yan sa bus jasper pauwi ng cavite umupo ako sa priority lane 3months na tiyan ko nun. Tapos sabi ng kondukter bawal po jan then sabi ko buntis ako kuya 3months then sabi nya hindj naman halata, sabi ko kuya alam mo ba kung gaano kaliit ang baby pag 3months? Kailangan ba malapakwan na bago nyo paupuin dito? Tapos pinagtanggol ako ng katabi kong ale, sabi nya oo nga kuya maliit or malaki buntis sya at dapat nasa priority seat sya.. Tapos wala na nagawa si konduktor hahahaha! 😅

Hm.. actually pwede naman talaga priority ka e. Pero may mga nakakaasar na guard and ibang mga umaastang mayabang kesyo daw maliit pa tyan di pwede. Naisip ko so kapag lumolobo na yung malaki na talaga dun palang pwede ganon? Ako kase non nasa 2nd trimester nako mag 3rd na nga ako non e. Ngayon nag park ako sa priority pang buntis ang laki na ng tummy ko sabi ba naman saken ng guard sa parking lot bawal daw ako don kase dipa malaki tyan ko grr! Nakakainis lang haha

VIP Member

Nung 2months pa lang ako pumila kami sa priority lane sa grocery sa robinson otis kasama asawa ko meron dalawang senior sa likuran namin nagpaparinig na baka pwd yung kasama ko daw o kaya senior daw asawa ko hahaha sa sobrang inis ng asawa ko nilabas yung transv ko hahahah tapos yung cashier nagtanong din pinakita namin pahiya tuloy sila, galit na galit asawa ko kinausap yung manager sa robinson otis hahahaha pwede naman sila magtanong bakit nagpaparinig pa.

haaha same tayo 5mons di ako nagpipriority lane kahit sa cr kasi ang liit ng tiyan ko parang busog or prang bilbil lng tlaga siya nahihiya ako kc baka mamaya pag nag priority lane ako sabihin sakin ng ibang tao na pumila ako ng maayos, or baka isipin nila na nagjojoke lng ako sa pregnancy keme ko pero nung halata na siya 6 months onwards tinetake advantage ko na ung priority lane lalo na sa cr na may bayad hahaha pag buntis kasi libre lng eh😂

ako nga 7weeks plng bumili ako gatas ko. dami tao sa supermarket pati priority lane puno. ginawa ko lumbas ako may mga cashier sa lbas ng supermarket ngpunta ako sa cs nila, sabi ko pwede ba dun mgbayad at hirap n ko (turo sa mga single cashier ng liquior,food, premium milk for baby). aun sinmahan ako cs ngbayad ako sa liquor area nila.. mgsabi lng tyo mga mommy. pinpapakinggna din nmn po huwag po mhiya mgsabi. 😊

Naalala ko pinahiya ako ng isang enforcer sa Makati. Tatawid sana ako sa tawiran ng priority. Parang sinasabi pa niya na di ako marunong magbasa dahil nga pang-priority lang daw. No choice sa underpass ako tumawid pa Rustans. Pila ka lang mommy sa priority lane, kapag nag-doubt sila na buntis ka, sabihin mo di naman lahat ng babae malaki magbuntis, at di naman porket buntis eh malaki agad ang tiyan.

VIP Member

madalas din ako mapaalis sa priority lane or kahit sa priority seats sa bus. minsan pa nga un mga senior pa magpapaalis sakin kesyo bata pa naman daw ako kahit sinabi ko na buntis ako. pag minsan di ako nakakatimpi sumasagot ako na sana lagyan nila kung ilang buwang buntis lang un pwede sa mga priority lanes at seats sabay bumababa nalang ako ng bus or lumilipat ng cashier sa mga supermarkets. 😂

Ako nga mga sis once bumili ako ng meds ko sa mercury 7mos nako nun kaso di ganun kahalata baby bump ko priority number ung kinuha ko sabi ba nmn nung guard na nagbabantay "senior ka po?" haha mejo shunga ung guard na nagtanong sabi ko tuloy "ay bawal po ba buntis dito?" natahimik tuloy c manong guard.. Ok lng sana kung cnbi nyang disabled eeh haha kaso pinagkamalan ba naman akong senior haha

Pwede yan sis pag di sila naniwala isampal mo ang mothers book mo galing sa OB mo. Karapatan mo yan sis hwag ka mahiya. Ako pagka alam ko buntis ako nag priority lane na ako. Masilan pa nman sa 1st trimester hihilohin at suka agad kaya ginamit ko na yan. Nagtataray ako pag di sila naniniwala. Laking tulong kaya ng priority lane lalo na pag may bank transaction ako.

Câu hỏi phổ biến