Kaunting breast milk
Hello po. Kakapanganak ko lang po last March 7. Nahihirapan po ako kasi kaunti lang bmilk ko. Pag mag pump po ako both dede na ay parang 3-5 tbsp all in all lang po yung nakukuha ko. Napapaiyak na lang ako kasi may time na wala talaga nalabas. Ano po ba effective na pampadami ng bmilk? Napepressure na ako sa in-laws ko at sa iba kasi parang kasalanan ko na kaunti lang nalabas. Puro may sabaw na po kinakain ko, nainom na ako ng m2 pero ganun pa rin 😢
Nakapanganak ako ng March 9, and sa case ko tulo ng tulo na ang breastmilk ko ngayon, as in nalulunod na si baby minsan kada latch nya at nagcacatch na ko lagi gamit yung breast shells., no pumping, sabi ng ob ko at pedia ng baby ko nung nasa hospital ako, wag daw gamitan ng pump agad kasi ang breastmilk for 1st 1-4days ginawa talaga syang konti kasi ang stomach ng newborn na 1-4days ay kasing laki lang ng kalamansi... minsan akala natin wala silang nadedede, naffrustrate ang nanay, nagcacause ng mas mahinang supply.. pag pinump mo agad tapos di tama ang pressure ng pump na ginamit (nilagay mo agad sa high pressure kasi thinking e pag malakas ang pressure, mas marami lalabas) lalong mawawala yung supply., yan din po sabi sakin nung lactation consultant na nagdemo sakin nun bago ako madischarge. ganyan ako sa 1st 2days ko, talagang nagopen up ako sa pedia ni baby at sa ob ko, kaya nirefer ako sa lactation consultant. feeling ko nun di nakakadede si baby ko, parangbdi nasasatisfy. pero nung nagstart ako magmonitor ng ihi at dumi nya, meron so meaning daw nun e meron syang nadedede talaga. si pedia ni baby ko ayaw magformula or mixed feeding kasi hanggat di nya nakikita yung 1week na tyagaan ko magbreastfeed.. wag kang mastress sis.. swear, negative na thinking at stress, nakakawala talaga. kahit anong inom mo ng mga pampagatas, kain etc walang silbi yun kung di tama ang latching at yung mindset mo, negative lagi nadedetect ng katawan. yan bilin sakin njng lactation consultant. as of now, 6 days na baby ko, and sobrang dami na ng milk ko, wala akong tinitake na capsules, basta gatas lang ako at tubig, sabaw, tapos tulog hanggat kaya ko pag tulog ni baby itutulog at ipapahinga ko at nasa isip ko "marami akong gatas para kay baby"
Đọc thêmCongrats po sa newborn niyo Mommy. Normal lang po na konti ang pinoproduce ng body natin na milk kapag newborn. Pero mas kokonti po yan kapag hindi pinapa-latch si baby on a regular basis or kapag nag foformula po or nag bobote. The best na pampadami po ng milk ay unlilatch talaga. Normal lang din na madalas umiyak ang newborn dahil naninibago pa sila sa environment, na dati nasa loob lang sila ng katawan natin. Kaya hindi rin naman ibig sabihin na gutom pa siya pagkatapos natin magpa-suso. Wag po tayong mag papa-affect sa ibang tao kasi mas lalo lang kayong masstress to produce more milk at the best ang gatas ng ina for our babies. To make sure na may nakukuha si baby, icheck po ang wiwi, dumi at pawis. Output po iyon na may nakukuha si baby sa atin.
Đọc thêmShare ko mga natutunan ko as First time Mom -direct latch is the key talaga -natural lang kaunti pa lang milk mo dahil sobrang liit pa ng stomach ni baby para sa madaming gatas kasing liit palang ng calamansi -kaya laging gutom si baby dahil mas mabilis maabsorb ng katawan ng baby ang breast milk - naka depende ang supply ng milk mo sa demand ni baby mo - kung hindi talaga makakuha ng milk gamit ang pump, malamang kailangan mo ng tamang flange size or di talaga kaya breastfriend ng pump mo -follow a routine if ippush mo mag pump do the magic 8 i search mo nalang how. - Ignore your inlaws at other people ikaw nanay ikaw masusunod breastmilk padin ang pinaka BEST milk
Đọc thêmMii. Kasing laki palang po ng calamansi ang tyan ni baby. Hindi po niya need ng sobrang daming gatas. Also, iba po ang output natin sa pump at actual breastfeeding. Wag po kayo mastress sa pag pump kasi nakakabawas din po ng output yung stress. Mag pa unli latch ka lang po kay baby. Mas effective po yun kesa sa mga gamot or sabaw sabaw. Di po talaga ganun kadami sa umpisa. If normal naman po yung pag pupu and wiwi ni baby, ibig sabihin enough po yung nakukuha niya sayo.
Đọc thêmmomsh, wag ka mastress lalo kokonti bm mo.. okay lng po yan na kaunti pa.lng bm mo kasi ang newborn daw kasing laki lng calamansi ang tummy padirect latch ka lng kay baby habang lumalaki si baby mas lumalaki demand nya sa bm mo at dadami rn yang bm mo tiwala lng po. ang pagpump daw po ay after 6weeks pagkapanganak dahil maaga ka po nagpump may possibility na magover supply ka po pag katagalan based sa mga experience ng mga nabasa ko po.
Đọc thêmGanyan na ganyan din po ako nung una to the point na naiyak na din ako kasi feeling ko hindi ako good mom kasi di ko mabigay kay baby yung milk. Then I decided to do mixed feeding. Unli latch kay baby kahit feeling mo wala nakukuha unli latch lang. Now once a day na lang nagfoformula milk si baby kasi sobrang lakas na ng milk ko. I take Natalac din po tsaka itong choco drink https://s.lazada.com.ph/s.6OPwt
Đọc thêmWag mo intindihin yang inlaws mo. Intindihin mo si baby kakapanganak mo palang maliit pang ang tiyan niyan kaya konti lumalabas diyan kasi yan palang nag kayang intake ng anak mo. Bayaan mo sila. Lalakas din yan . Kumain ka ng marami at mag palakas ka yun ang importante
same mi. kapanganak din nung march 2. nakakaiyak kase nagugutom na anak ko. ayaw ko din sana iformula pero kesa sa magutom. kaya nagmimix muna ako tapos isa pa na maliit nipples ko kaya hindi nya malatch ng maayos and maliit din kase si baby . 💔
uminom ka rin po ng katas ng malunggay, kung di mo po matiis ang lasa ay haluan mo po ng honey para masarap. ganan dn po ako nung mga unang week, nag tiyaga lang po asawa ko na mapainom ako ng maraming katas ng malunggay tuwing nakain. effective po.
maglaga po muna kayo ng dahon ng malunggay. mga 1wk sgro ok na yan. malulunod na sa gatas ang baby niyo. 😅
Unli latch mo lang mamsh. Ako 4 days bago lumabas gatas. M2 once a day, malunggay capsule twice a day at milo thrice a day. More water and sabaw. As long as nagdedede si baby jan lalabas yang milk mo.