33 Các câu trả lời

Hi mamsh, same same lang rin tayo ng experience. Pero ang ginawa ko lang noon mamsh nilalaro ko muna siya sa lap ko tapos dinadawdaw ko yung kamay niya sa water tapos pag nawili na siya iuupo ko na siya sa tub niya tapos una kong babasain yung talampak niya habang naglalaro kami ng mga rubber ducks niya at kung ano ano hanggang sa pataas na ng pataas yung nabubuhusan ko sakanya. Ganun lang ng ganun ginagawa ko hanggang sa masanay na siya kaya ang ending iyakan naman pag tapos ng bath time kasi ayaw na umahon sa tubig 😅

Sa baby ko po happy tuwing bath time. Gumagamit po kami ng net noon. Inalis na po namin yung net nung 4 months na. Sa tingin ko po magkasama kasi kami ni hubby magpaligo kaya gustong gusto niya. Excited din po kami tuwing ligo time kaya po siguro excited din siya. Kinakausap din po namin siya tuwing bath time at nakikipaglaro kaya hindi siya bored. Pinupuri din po siya palagi ng wow ang bango bango after ligo. In short, make bath time an exciting activity po siguro. Suggestion ko lang po. Wear smiles all the time

hi momsh! baka nilalamig po sya. nakaaircon po ba kayo before maligo si baby? try nyo po muna patayin aircon ng matgal before sya maligo. saka dapat maligamgam po yung water. o kaya try nyo po alternate paliguan. para hanapin nya yung water hehe. ligo ngayon bukas punas lang sya. ganun ksi gingawa namin sa LO ko tas sa gabi pinupunasan ko lang siya. tska natutuwa LO ko kapag dalawa kami nagppaligo ng hubby ko saknya. daddy's girl kasi e. hehe. masasanay din po yan momsh! :)

Yes po naka aircon po kami pinapatay ko din po before ma ligo kasi baka lamigin pagka balik sa room.

VIP Member

Ako mamsh habang pinapaliguan ko si baby nilalaro ko sya. Gustong gusto kasi nila makita expressions natin, lalo na pag nakangiti tayo. kaya kapag pinapaliguan ko sya, ginagawa kong OA expressions ko para lang matawa sya haha. Tapos always ko sya sinasabihan ng "Wow, very good" "Good girl" habang naliligo. Kaya ayun, pag ligo time ang happy nya. Kapag sinabi kong liligo na kami, tuwang tuwa sya.

smile ka lang lagi, kantahan mo or kwentuhan mo po pag pinaliliguan mo siya. ako po I use a cute tabo na parang shower para di bigla kapag binubuhusan si baby. make bath time a relaxing activity. kapag umiiyak dati baby ko, after bath binabalot ko po siya sa towel and then hug and kiss. ngayon ang problema ko, ayaw niya na matapos ang ligo 😅

same tayo mommy pag bihisan time nman umiiyak kaya pag bihisan may nursery rhymes na akong naka play

si baby ko po enjoy sya maligo sa araw. and then sa gabi ang wash nya is half bath. balakang pababa warm water po kami, sa lababo ko yun ginagawa after nun higa na sya then towel with warm water po ang ginagamit ko, para lang po hindi sya gaanong lamigin dahil nakahubad po sya. maybe kahit po warm ang water, iba pa rin po yung temp ng environment.

kaka6 months lang po ng baby ko and hindi po sya umiiyak ever since na paliguan ko sya.

ang baby nmin ever since pag liguan hindi nman umiiyak mas naging exited ka mag wash pag naririnig niya yung nursery rhymes na i wash wash wash my head by LBB kaya hinuhubaran ko palang xa ng damit alam na niya wash time na kahit sa hapon ganun pa din xa excited maligo sana maka tulong she's 4months 6days

VIP Member

hello momshie try nyo po bigyan ng distraction ang baby like toys na pede basain or isabay sa paliligo. Make it more fun for the baby and always give a sense of comfort whenever mag start na maging makulit or matakot si baby sa bath time.

Yung baby ko mag 4 mos na rin lagi parin umiiyak kahit na maligamgam naman yung tubig lalo pang bubulahaw nang iyak pag nabasa na buhok at muka😅 kaya mabilisang ligo palagi 😂 kahit na pupunasan ko pang sya sa gabi umiiyak padin 😂

If uou haven't tried Mommy try mo po na gawin bonding time nyo yung pagligo. Bathe with him po baka sakali magwork.. parang playtime nya din with you 💕 extra challenge talaga ang mga bagay bagay minsan eh. goodluck momsh

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan