68 Các câu trả lời
hala kawawa naman si baby.. grabe naman yung rashes nya.. Drapolene po sobrang effective po yan.. mula sa first baby ko yan po gamit ko until now sa pang apat ko ngayon na 2 months nag stock ako.. pricey lang po sya pero the best po yan mabilis mawala rashes..
Water lang po pang linis kay baby🙈 wag po gumamit ng wipes , Pede rin Binasa na Bulak . Wag po hayaan na mababad sa diaper . Sa ganyang case po, Iritado na si baby niyan , dame na rashes eh. Wag mo muna diaperan mamshie . Lampinan mo muna.
use drapolene. tapos wag na muna mag diaper si baby sa maghapon para matuyo tuyo rashes nya tsagaan na lang muna ng lampin isapin sa pwetan ni baby. every poop at palit ng diaper nya hugasan po water, cotton at gamit nya baby bath.
Use drapolene mommy, and wag nyo po masyado ibabad sa diaper. Mas better na i'undies or lampin nyo muna sya para makasingaw. pag lilinisin, water lng po wag wipes. If kaya nman ng budget, buy nalang din po kayo ng cloth diaper.
fungal infection po yata iyan, ipacheck nyo po para mabigyan ng cream usually pag di nakukuha sa diaper cream, fungal infection yun. Make sure na papalitan nyo po agad ng diaper kapag puno na, or baka di lang hiyang sa diaper
Ano po kayang magiging epekto nung BL cream sa bby ko kc buntis po ako 2month ngayun ko lang po nalaman na bawal pala Dami ko po kc mga bilog bilog s amuka na parang bunganga Araw tas Makati😔ano po Kaya pwd kun gawen😔
warm water lang muna mommy. wag mo po muna sya idiaper. ilampin mo po muna sya sa umaga . idiaper mo nalang po muna sya sa gabi. tapos palit ka din po brand ng diaper. wag mo din syang gamitan ng wipes.
Pahiran mo ng Vaseline then wag mo muna siyang pagamitin ng diaper kung pwde mag la lampin lng muna siya kase da more na gumagamit siya ng diaper lalo naiiritate yung rushes ni baby
calmoseptine. at kung cause nyan ay diaper. better magpalit kana ng brand. kasi kahit anong pahid mo ng gamot kung dimo naman tatanggalin yung cause, ganun pa din mangyayari jan
Calmoseptine cream and water only lang po pang linis natin wag ng gamitan ng wipes, wag na muna din gamitin ang diaper, need ng air ang rashes so mag lampin na lang muna mommy.