13 Các câu trả lời
sa bahay parin, kwento lang ako mga mamsh share ko lang yung napagdaanan ko haha 🙂 nung okay na okay na okay pa kame ng daddy ng baby ko binalak nya na doon ako sa condo nya tumira kasama nya kaso nabigla lang ata sya sa sinabi nya daming lusot mga sissy habang tumatagal feeling ko may babae kase biglang sabi nya bakit laki na daw ng baby ko sa loob ng tyan ko mag 3mos na baby ko sa tyan ko ang 3mos daw eh munggo lang haha wtf galing diba sya lang naka do ko at wala ng iba kase nagtiwala at nagpadala ako sa mga sinabi nya mga pinangako nya at alam nya sa una yon kaya ayon naging panget yung naranasan ko noon and now alam na ni daddy at mommy. bukod don sa nalaman na nila daddy na maiiwan ako sa condo ng daddy ng baby ko dahil busy sa resto nya at wala namang kami hindi nila hinayaan na magsasama kame sa iisang bubong at nalaman kase nila na hindi naging maganda yung naging estado ko non nung di pako naaamin halos kawawa ako nagmamakaawa ako naghihirap ako ipunin yung baon ko araw araw 300 makapagpacheck up at vitamins lang dahil isang beses lang nagpadala daddy nya pang check up, vitamins na kapos pa at lab test then wala na kase akala pineperahan ko lang like wtf may resibo na lahat lahat tapos ayon nung nalaman na ng daddy at mommy ko nagalit sila sinabi ko naman na don sa daddy ng baby ko na pag meron ako at kaya ko di ko para ipagsiksikan sarili ko sa kanya at pag nalaman parents ko di na ako aasa sa kanya kase kayang kaya ako buhayin kahit wala sya tapos hanggang sa nagkaroon na ng set up sila dad with my tito and tita's na president ng women desk kase malaki daw kaso nung daddy ng baby ko pag di pinanagutan siguro nakaramdam na pupuntahan sya sa sta cruz biglang naging maayos pakikitungo nya saken, naawa saken at di kinaya nila daddy yung mga pinagdaanan ko na halos uuwi ako ng bahay ng gutom, pagod sa kakagawa ng system for thesis, school works, atbp. yun pala nagiipon ako for next check up ko and vitamins kaya napagisipan nila daddy na dito nalang daw ako kasama nila, aalagaan at poprotektahan daw nila ako at si baby ♥️ magulang at magulang paren talaga ang kasama mo at tutulong sayo hanggang dulo magkaroon ka man ng pamilya
At first bago ko palang sabihin niready ko na sarili ko na dun tumira sa bf ko kaso turned out na pinagstay lang ako ni mamy sa bahay at dun sya sa bf ko galit. And for me mas better na dito padin ako nakatira kase my mother gives me what i needed and know what i feel. Medyo upset lang din kase galit sya sa bf ko and ayaw nya dito sya sa bahay kaya before quarantine hanggang tapat lang ng bahay kame nagkikita di tulad dati na nakakapasok sya sa bahay and nagkekwentuhan pa sila dati ng mother ko. Kaya yung bf ko iniintindi nalang mom ko kase nasira nga naman kase tiwala for now medyo umookay naman na kase mg bf still supports me to what i needed din.
Saamin kasi, may pamamanhikan parin kahit nabuntis na nung namanhikan sila. Tapos yung parents ko ipinapauwi na nila ako sa bahay ng magiging asawa ko, so inuwi nila ako. Then, bumalik parin ako sa bahay hanggang after ko manganak. There's no place like home. ❤ Super happy naman ang Mama at daddy ko kasi pinili ko parin muna mag-stay sa piling nila while I'm young kasi matutulungan pa nila ako sa developments ko to raise a child.
At first sa bhy pdin nmn aq nkatira. Tps minsn don aq mttulog sa bhy nla. Hanggng sa knausp nya na aq na don nlng na aq tumira sa bhy nla. Kya don nq tumura b4 ps lumabas baby ko nun..
Sa ngayong buntis ako sa boyfriend ko muna tapos kapag nanganak na ako dun daw ako kila mama kasi papatapusin ako ng senior high. btw 17 yrs old palang ako pa 18 na this july ❤️
Ako sa bahay namin. Hindi pumapayag mama ko na tumira sa partner, ko kasi mas gusto niyang namomonitor nya pag bubuntis ko. 😊😊
Bumukod kami, mahirap kasi talaga may kasamang iba sa bahay. Privacy niyo nadin yun and mas matututo kayo pag kayo lang.
Kasama ko family ko. Mas gsto ng mama ko maalagaan ako ng maayos kesa mapabayaan ako sa ibang bahay.
Sa bahay pa din po namin pero after ko daw manganak sa bahay na ng partner ko
Sa mama ko. Ayaw pa kami pagsamahin hanggat di graduate.