Pano un mga momsh, mali ako sa pag papadede kay baby? Halos 1 buwan ko din sya npapadede ng mali. Napapadede ko sya ng nakahiga tas wlang unan. Ang ginagawa lang namin eh nkatagilid buong katawan pag dumede. Pero napapaburp naman sya after, may mga times lang na hindi pag mahimbing na tulog nya or pag sobrang antok na namin. Huhuhu. Mga momsh, sa tingin nyo po ba nagkaron na ng kumplikasyon si baby? Huhuhuhu sana wala po. First time ko lang po kasi eh tapos wla na yung mama ko kaya wla na masyado nag gagabay sa amin. Nag bababasa lang ako ng experiences through this app, sa mga articles, searching online tska ung ilang naaalala ko na ginagawa ni mama ko kasi meron nako 2 pamangkin kaya kahit paano may alam ako konti sa pag aalaga sa bata. Hays nag wworry tuloy ako sa baby ko huhu. Hindi ako nag iingat. Kasi may mga nababasa ako na pag tulog na daw wag na padighayin. Meron din na pag pinapadede ng nkahiga eh itagilid buong katawan. Tska pag kakaalam ko kasi pag newborn hindi ginagamitan ng unan para di maflat ung ulo. Hays sna mga momsh wlang masamang mangyari kay baby.
Pero ngayon po nag ppractice na kami na lagi syang may unan, lagi napapaburp din.
1st time mom