sinasaktan ng partner
Pano po pag buntis po kayo tapos sinasaktan kayo ng partner niyo hahayaan niyo pa po ba mabuo pamilya niyo o iiwan nyo na lang po? 36 weeks na kong buntis pero pinag hihinalaan ako ng partner ko na nag papagalaw ako sa iba at sinasaktan niya din ako. Please kausapin niyo po ako
Mommy, una sa lahat, I feel so sorry dahil pinagdadaanan mo ang ganyan. Wala akong experience na sinaktan ng partner, pero sana pakinggan mo ako bilang babaeng nagmahal rin, at bilang isa ring ina. Pregnant or not, hindi dapat sinasaktan ng lalake ang babae. Una, wala tayong laban sa pisikal na lakas ng lalake. Pangalawa, bakit may space ang pananakit sa relationship niyo?! Hindi ba in a relationship kayo dahil nagmamahalan at nagrerespetuhan kayo? Isipin mo ito mommy ha -- papano kung paglabas ng baby mo at medyo lumaki na, sasaktan niya rin kapag nagkamali? Or worse, wala lang, feel niya lang saktan. Ganung tatay ba ang gusto mo para sa anak mo? Ganung environment ba ang gusto mong kalakihan ng anak mo -- 'yung walang tiwala at respeto? 'Yung anytime takot kayong sasaktan kayo?! Isipin mo ang kapakanan ninyong mag-ina, mommy. Maaring 'yung pananakit niya sa'yo ngayon ay hindi malala, pero papano kapag ikinamatay mo 'yan? Sino ang maiiwan sa anak mo? Magdasal ka, mag isip isip at hiling kong maliwanagan ka sa dapat mong gawin. Tingin ko alam mo naman ang sagot sa tanong mo, pero nahihirapan ka lang magdesisyon / mag umpisa. May mga pagbabago na masakit sa umpisa, pero very much worth it in the long run. I think leaving your partner is a great change, and your child is very much worth it. "What you tolerate is what will continue." Kung hindi mo irerespeto at pahahalagahan ang sarili mo at anak mo, hindi rin kayo irerespeto ng iba.
Đọc thêmMay basehan ba lip mo para akusahan ka nyang nagpapagalaw sa iba? Kung ano man ang mas malalim pang dahilan kung bakit nasasaktan ka nya alam kong alam mo na mali manakit ng babae lalo nat buntis ka pa. Wag mo syang sanayin na sinasaktan ka for sure nung nililigawan ka nyan halos di ka nyan padapuan sa lamok. Kausapin mo ng masinsinan kung pano nyo aayusin yung relasyon nyo. Kung hindi makausap ng maayos hingi ka na ng tulong sa mga magulang nyo o kamag anak na pwedeng mamagitan para magkaayos kayo. Pag hindi pa din nandyan ang brgy at dswd at mas lalong andyan si Tulfo. Marami kang pwedeng lapitan momsh hindi ka nag iisa. Kung nagwoworry ka na lumaki na walang tatay ang anak mo, mas okay na maging single mom kesa magtiis ka sa buong pamilya na nagkakasakitan kayo at lumaki ang anak mo na nakikitang sinasaktan ka. Focus on your baby momsh and be strong. God is always with you.
Đọc thêmHindi tama na sinasaktan ka. Kailangan mong matuto tumayo sa sarili lalo na para sa baby mo. Magprepare din ng plano mentally, physically lalo na financially dahil kung nakadepend kayo sa partner niyo medyo mahihirapan kang iwanan siya. Kailangan mo din isipin kung yan ang gusto mong environment para sa anak mo, na nakikitang nagkakasakitan ang parents. Kung girl ang baby niyo, baka maisip niya na ok lang sinasaktan ang babae. Pag lalaki baby niyo baka future ganyan din gawin niya sa partner niya dahil yan ang nakikita nila sa bahay. Which is hindi tama. Mahirap man iwan kahit marami magadvise iwanan ang partner mo dahil wala siyang respeto sayo. pero kailangan mo din magisip lalo na para sa baby niyo. Hanggang kailan mo hahayaan ang ganyan, maybe one day baka may mangyari sa iyo, would you have peace of mind na mapupunta kay partner ang baby?
Đọc thêmDi ko hinahayaan saktan ako ng partner ko. Kasi alam niya na lalaban ako. Sa laking babae ko na to papayag ako saktan niya. No! Saka kahit di ko siya kayang labanan physically, di ko hahayaan na saktan niya ko ng ganun ganun lang. Pipiliin ko na lang layasan siya at palakihin mag isa anak ko kesa naman magsama kami tapos saktan lang niya ko. Ngayon pa na buntis ka sinasaktan ka na niya paano na lang kapag di ka na buntis? Be strong! Tandaan niyo girls wag kayo masyado dumepende sa mga asawa niyo o partner niyo. Di natin deserve na pagbuhatan nila ng kamay.
Đọc thêmDati sinaktan ako ng asawa ko dinuduro2 nya ulo ko ng kmay nya umiiyak lng ako at akoy buntis pa umiiyak lng ako.pero ng last namin na away 4months ata tyan ko yun lumaban ako tinaob ko yung center table nmin sala na salamin yun napatulala xa at lahat ng nakapatong sa lamesa tinapon ko sa kanya...kaya mula noon d na kmi nag away kasi alam nya na papatulan ko talaga siya.kasi sabi ko ng nag away kmi huwag na huwag mo akong pagbuhatan ng kamy kasi malali na tayo na nagkita tayo..kaya yun d nya na inulit...labanan mo ksi kung iiyak ka lng masanay yan
Đọc thêmKung mahal ka niya , ikokonsider nya yong welfare mo at ng baby mo. Nagagawa ka nga nyang saktan kahit buntis ka , panu pa kea pag hindi? Pinaghihinalaan ka nya , so panu pag lumabas at sabihin nyang hindi kanya? Ikaw lang naman makakapagdecide para sa sarili mo momsh , pero kung mahal mo sarili mo at baby mo momsh mas makakabuti na iwan mo nalang siya. Anong klasing pamilya ba gusto mong kamulatan ng baby mo momsh. I’ll pray for you and your baby momsh.
Đọc thêm💔💔😭iwan mo na sis..Hindi lahat Ng pagtitiis ay mkabubuti. wag mo hayaan na lumala pa Ang gnagawa sayo. paano nlng Kung my anak na kayo at ganyan parin ung gnagawa ng Asawa mo? hahayaan mo ba na Makita nila ung gnagawa sayo? mas higit silang nasasaktan. alam Kong mahirap magpalaki Ng anak mag Isa. pro mas mahirap lumaki Ang anak na kasama Ang ganyang klaseng ama.😔 magpakatatag ka Lang palagi mummy..♥️
Đọc thêmWhat do u think sis ang dapat mong gawin? Alam mo na ang tama at mali.. Bilang babae, dapat maging matatag at matapang ka.. You have the right to take an action. Lalo pa preggy ka ngyon tapos sinasaktan ka nya.. Huwag mo hayaan yang ginagawa sayo.. Punta ka ng barangay, report mo yang pananakit sayo at kng iiwanan mo sya huwag mo kalimutan na mag demand ng support para sa anak nyo..
Đọc thêmKung sa tingin mo susustentuhan ka niyang lalake na yan. Hindi. Hindi pamilya trato sayo niyan. Ayaw lang mag sustento kaya kung ano ano inimbento lalo na malapit ka na manganak. Ano yan, ngayon nya lang na feel ang hinala niya?! At ikaw, pag basahan na trato sayo umalis ka na. Pero kung sanay ka ng ginaganyan ka at tingin mo yan dapat trato ng mag partner eh bahala ka.
Đọc thêmKapag ba sinabi ng mommies dito na iwanan mo, gagawin mo ba? May friend akong ganyan eh sinasaktan ng asawa, nagpunta sakin may mga pasa, iyak ng iyak so sinabihan ko na hiwalayan na tlaga. oo daw di nya na talaga babalikan. Binigyan ko pa ng pera para makabalik sya sa nanay nya. Ayun sa kinakasama pa rin bumalik.😂 Momsh, wag mo palakihin ang anak mo sa ganyang environment.
Đọc thêm
Got my smart and handsome Filbert ♡