fake or not?

Pano po malaman kung fake o hindi yung cetaphil based sa picture? May nagbebenta po kasi saken sa fb 190 lang yung baby lotion tas 180 lang yung baby wash

fake or not?
273 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas okay kung sa legit store ka bumili like baby company/mercury / supermarket. Di bale na mahal sure ka naman na orginal kesa bumili ka ng mura fake naman, pwede pang magcause ng pagkasira ng skin ng baby mo. Maging wais 😉

Fake po pag mura lang ksi ang halaga po tlga mga gnyan is mahal po tlga pero. Meron nmn iba baby na d maarte ang skin ma fake man or hindi dpende nrin sa baby yan khit ganu kamahal bilin mo sabon. Mommy kng d nya hiyang wla din po

para maka sure Po kau dun Po kau bumili sa Mercury drug, Watson , ganun .. kc pg online Lang mhrap n at baby natin Yun gagamit.. mbuti Ng mapamahal kesa sa mura nga d Tau sure kng safe Ang skin Ni baby

Dati po my nagbbenta samen ng bagsak presyo ng sunsilk nakalagay dn sa bottle. Pag gamit namin Puro tubig na hinaluan ng 1 sachet ng shampoo (if you get what i mean) so malabnaw. Nabwisit lng ako.

Yung cetaphil po na original walang balot po na cellophane, tsaka mabibili mo lang any drugstores or direct company ng product, yung akin para kay baby binibili ko lang sa watsons

Mas mabuti bumili na lng kau sa pharmacy.. Mahal nga lng pero safe nman.. Ksa mura dadalawa pa tayo.. Cethapil user po aqoh kai baby.. Pinag bilhan ko lang ay ROSE PHARMACY at SM MALL..

Naalala ko dati bumili ako sa divisoria nang dove, 700+ yung price pero sa divisoria 150 lang. bumili ako nang dalawa pag gamit ko hindi bumubula saka yung amoy at consistensy malayo sa dove.

Marami na pong fake ngayon na Cetaphil. Magduda na po kayo pag masyadong mura. Better sa mga drugstores, malls o groceries nalang po bumili para di masaalang alang health ni baby 🙂

Thành viên VIP

Naku fake yan. Yung pinsan ko nadale din ng ganyan. Parang may ibang halo na kaya nasayang lang yung mga pinamili niya. Dapat hindi ka magentertain nang ganyan, para sa baby pa naman.

mommy sa grocery/mall lang po tyo bumili, madami po fake nyan..kung Shoppee/Lazada nman, dun lang po sa official store nila bumili online...mahirap n po kc sensitive skin ni baby