modus taxi driver

Palagi kami nagtataxi kapag pupunta kami sa ate ko kasi kasama si baby may dala dala pa kami hassle po kasi kapag jeep dahil sa mga dala namin palagi asawa ko nagbabayad kaya hindi ko alam bayad sa taxi dito sa bahay hanggang dun kila ate ko pero alam ko nag range lang sya ng 100-250 kasama na traffic dyan. Pero kanina 2 lang kami ni baby super init pa kaso wala kami masyado dala isang bag lang dahil mainit papuntang sakayan ng jeep kaya nagpatawag nalang kami sa guard ng taxi.. Modus po nila. Kakausapin ka nila tapos kapag nawala tingin mo sa metro babaguhin nila kasi kanina sumakay ako siningil ako 350 mga momsh dahil iyak ng iyak baby ko nagbayad agad ako wala po traffic yun dahil linggo hindi nga po kami huminto dahil sa traffic as in super bilis lang po ng byahe tapos nag sink in na sa utak ko nung nagkukwentuhan na kami mag asawa na binayad ko sa taxi 350 ayun nagulat sya kasi madalas 180 lang bayad nya kapag linggo galing kami kila ate. 180 mga momsh tapos siningil sakin 350 tapos naalala ko tinanong nya ko kung ilang beses na ko sumakay ng taxi sabi ko madalas. Dun kay kuyang taxi driver maganda pa naman pananamit mo pero mapanglamang ka ng kapwa mo..abuloy ko nalang sayo yan!!

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nako.. Sana natandaan nyo po ang plate number para pedeng ireport.

5y trước

Salamat po momsh.