Bestfriend
Palabas lang ng sama ng loob mga momsh. Medyo mahaba ito. Meron akong bestfriend. Almost 10 years na kami. Aware naman ako sa attitude na super palamura, mapanakit, palasigaw. Kaya lang di ko na ma-take yung ugali nyang yun lalo pag dating sa anak ko. Ninang sya ng baby ko, ninong naman din nya yung kanyang jowa. Mahal na mahal nila baby ko na para bang anak na din nila. Halos everyday nahahawakan,nalalaro at nakakausap nila baby ko. Which is okay sakin dahil nakaka-kilos ako pag hawak nila si baby. 3 mos old palang si baby at alam naman natin na di pa siya nakakaintindi. At ang nakakainis ay eto. Kapag hawak sya ng bestfriend ko, kung ano-ano sinasabi niya. Nung halos weeks pa lang si baby, madalas nya sabihing "putang-inang batang to, nakaka-gigil" with matching pagsinghot singhot at halik, na talagang kinaiinisan ko dahil sa pagmumura nga niya sa baby ko. Edi sinabihan ko sya.Sagot nya lang sakin eh di pa naman daw nakakaintindi si lo.Edi pinalampas ko,dedma. Tapos minsan nagkukwento sya sakin na kesho kung ano anong katarantaduhan daw tinuturo ng jowa nya sa anak ko, kagaya ng "baby say fuck" edi pinalampas ko naman kasi di naman lagi ginagawa eh. Kaso recently, kapag karga ng mag jowa yung anak ko naririnig ko bestfriend ko sinasabi na "Baby say ninong, gago" o di naman kaya tarantado,bobo. Edi sinabihan ko sya pabiro.Kako pag lumaking tarantado yan,alam na kanino natuto. Tinawanan nya lang. Kahapon di ko na talaga natiis yung inis ko sakanya. Narinig ko nanaman sya na sinabing "baby say gago" eh that time narinig ng asawa ko pero dedma lang sya(mabait kasi masyado yun eh) Edi sinagot ko sya. Sabi ko "kami ngang magulang nyan di tinuturan ng ganyan yan eh" tapos kinuha ko anak ko. Inis na inis ako sakanya. Kinakausap ko pa din sya pero pag pinapansin nya anak ko,iniiwas ko. Inis inis talaga ako. Kaninang umaga pag gising nya gusto nyang kunin si baby dahil lalaruin nilang mag jowa pero di ko binigay. Sinabi ko lang na may topak. Tapos di ko pinapahawak. As a mom, gusto ko lumaki ng maayos, may respeto sa nakakatanda, mabait at may values ang anak ko. Kaya nga kahit ngayon di pa siya nakaka-intindi sinasabi ko lagi na "baby bad yan ha. Don't do that" para hanggang pag laki nya, alam nya yun. Tapos pag ibang tao ganun ang ituturo? Bestfriend ko pa?At Godparents pa ng anak ko. Kaya nabubwisit talaga ako. Kung makapag sabi sya sakin na "baka pag-laki mo baby sumagot sagot at gagu-gaguhin mo si ninang ah" na hindi naman malabong mangyari kung ganyan ang ituturo nya. Sabi ko nga sa asawa ko "siguro pag nagka-anak na siya ganyan din ang ituturo nya" Nakakainis talaga. Madalas nya pa lamug-lamugin at singhot-singhutin ang anak ko dahil sa gigil nya to the point na umiiyak na yung anak ko sa inis. Eh di ko nga pinapa-halikan masyado sa asawa ko yung anak namin eh, tapos sya ganun gagawin nya? Bestfriend pa din naman kami. Pero pag dating sa anak ko, ayoko ng gago. Di bale na ako murahin at gaguhin, wag lang anak ko. Ngayon di ko na pinapahawak baby ko sakanya. Mahirap na, baka hanggang lumaki anak ko, masanay sakanya at gayahin mga sinasabi nya. This month ay balak na naming lumipat ng bahay(kay parents kami nakatira aon) ayaw nya lumayo kami ng baby ko sakanya dahil mahal nya nga ang anak ko at syempre bestfriend nya ko.Pero lalo lang ako nagkaron ng dahilan para ilayo baby ko sakanya kahit matalik ko pa syang kaibigan. At kung talagang mahal nya yung anak ko. Hindi nya gagawin at sasabihin ang mga bagay na maaaring paglaki ng anak ko ay matutunan nya. Hindi reason yung kesho "di pa naman nakaka-intindi yan kasi baby pa yan" o kaya "pag laki nya, syempre di na ganyan ituturo ko" like duh!! Kilala ko kaya buong pagkatao nya, di nawawala mura sakanya pag nagsasalita, pati nga nanay at tatay nya nilalabanan nya eh. Oo alam ko may attitude siya. Pero wag nya ipakita o iparinig sa anak ko yung attitude nya. Kayo ba mga mommy? Maiinis at ganyan din ba ang gagawin nyo kung kayo nasa sitwasyon ko?