Mapagsumbat na asawa

Pakiramdam ko sinusumbatan ako ng partner ko sa mga nagagawa nya para saamin ng anak nya na parang di nya responsibility o obligation yung ginagawa nya, never ko naman sya sinumbatan kahit sa totoo lang parang sarap na nga ng buhay nya hindi ko sya pinapressure magtrabaho at magbayad ng mga bills. Gusto ko rin manumbat pero alam kong walang patutunguhan, mag aaway lang kami. Gumagalaw naman sya sa bahay pero pag gusto nya lang at ayaw nyang nauutusan, kailangan gagawin nya kusa. kasi pakiramdam nya ata gusto ko lang sya utusan. WFH ako, tas di ko pa sya maasahan sa baby namin, ako parin full time, pag iniiwan ko sakanya saglit kapag may calls ako maririnig ko iiyak at naglalaro lang sya sa cp. Tapos ngayon biniro ko lang kasi nga may mens ako sobrang bigat ng katawan ko at kakapahinga ko lang from asikaso tas sabi ko ikaw naman magpaligo kay baby, never mo pa sya napaliguan since birth (in a pabiro way) tapos sabi nya, bat ikaw naipagmaneho mo na ba yan? di mo pa nga naipagmananeho yan eh,nainis ako sa sagot nya na parang sinusumbat nya pati pag ddrive nya. kaya sabi ko "ay ganun? bakit marunong ba ko mag drive? ikaw, di ka ba marunong maligo?" tapos sagot nalang nya "oo" di ko maiwasang makaramdam ng disappointment. na parang ano ba tong lalakeng to. hays nakaka frustrate at stress.

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I’ve been there lahat ng masasakit na salita natanggap ko lahat naisumbat sakin ultimo pre natal vits na binibili nya sakin nung pinagbubuntis ko pa si baby naisumbat nya sakin kasi di ko daw sya tinutulungan kasi batugan ako at ayaw ko daw mag work (hindi ako pwede mag work kasi naging maselan pag bubuntis ko nung 1st trimester) pinaintindi ko sakanya lahat nakipag communicate ako ng ayos sakanya and eventually naintindihan nya at naging ok ang lahat. Try mo mommy ipaintindi sakanya yung situation mo if walang pagbabago much better focus ka nalang kay baby kasi kung iintindihin mo pa sya masstress ka lang lalo plus sabayan pa ng pagod mo sa work hindi magiging maganda outcome non sa health mo physically and mentally. Baling mo nalang atensyon mo kay baby mii laban lang 💗

Đọc thêm

mom Gawin mo magresign ka at full-time mom kung Dimo na kaya Ang stress. always take care of your self if he can feed both of you naman. Kailangan natin maging matatag dahil pag Tayo nagkasakit sa over fatigue kawawa si baby pag ganyan Ang daddy nya. Sikapin mo na kayanin lahat since full-time mom. at magdemand ka ng good salary kung good Ang behavior mo as a mom and wife.

Đọc thêm
4t trước

oo nga po mi eh, kung pwede lang na ganun, gusto ko nalang talaga mag full time mom para maka focus sa anak ko. ang problem po kasi wala naman syang work, basic necessities namin ako talaga nag pprovide. kumbaga ako ang main source of income tas sya pa sideline sideline. ako nammroblema kapag may bayarin na bills at magkakatapusan na huhu. pakiramdam ko nga na oover fatigue na ko, ang dami kong nararamdaman sa katawan ko huhu.

minsan kailangang mag away pra malaman kung ano ung problema ng bawat isa. i mean kung my kinaiinisan ka or my dika gstong ngyayari kailangan mo mg salita. hndi na uso ngayon ung tatahimik pra di mg away. dhil mas lalong lalala. asawa mo n yan kya dpt alm nya ung hinaing mo or ung side mo. sumbatan mo din kung kailangan pra nmn mlaman nya na nhihirapan ka din.

Đọc thêm
4t trước

Hi Momsh, totoo yan.... minsan gusto ko tlaga ilabas lahat ng sama ng loob ko at makipag away, pero ilang beses ko na sinubukan. di ko alam pero nababaliktad nya ko, ang lakas nya mang guilt trip. tapos nagwawala pa sya naninira ng gamit, yung tipong di nya kayang controllin yung galit nya kapag nag aaway kami. Tapos ang sakit pa nya mag salita :( may times na naiisip ko na talaga na hiwalayan ko nalang to. pero iniisip ko yung anak namin, mabuti naman kasi syang ama. kaya lang nakakasawa at nakakapagod na yung ganito.

Thành viên VIP

mami don't mind him! iwasan po natin ang stress lalo na't may baby pa tayong aalagaan at alam natin kapag nagkasakit tayo, walang ibang aasahan mag alaga sa mga babies natin

4t trước

Thanks mi! ayun nga po mi eh, nagpapakatatag nalang talaga ako para kay baby. hindi ko naman kasi maaasahan tong partner ko, konting kibot may reklamo o sumbat kala mo sya lang nahihirapan at napapagod. huhu