Pengeng advice po.

Hi mga mamsh. Magpapatulong lang sana ako or should i say na magpapaadvice po kung anong gagawin ko. So ito na po may live in partner po kasi ako na mas inuuna una yong laro kaysa makipag usap samin o sakin alam niyo na po yon kung anong laro yang ML na po yan. Nag aaway kami lagi dyan sa ML na yan. Kasi mas nabibigyan pa nya ng oras yon tapos pag galit ako galit narin sya kinukulit ko kasi pag naglalaro sya tumatawag ako. Kasi naiinis na ako kahit naman po siguro kayo maiinis din . Kaya yan lang dahilan ng pag aaway namin tapos di nya na ako kakausapin. Parang mas mahal nya pa ML nya kaysa samin ng anak nya. kaya iniiyak ko nalang kasi wala din naman akong mapagsabihan kung diko sya kausapin o ichat di rin sya magcchat. ? Naiinggit nalang ako sa iba na ang sweet sweet ng mga partner nila sakanila pati sa baby. Alam niyo po yung feeling na ganon para kayong walang kwenta. ? gusto ko na nga lang di nalang sya kakausapin? kailan nya kaya maisip na kami naman priority nya.

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ganyan din ang asawa ko pero hinahayaan ko lang sya maglaro. Gamer din kasi ako kaya di ko sya inaabala kasi ayaw ko din na gawin nya sa akin yun pag ako naman ang maglalaro tapos minsan magkasama kami sa game. Bonding na din. Pero we make sure na kahit ganun eh may time pa din kami sa isa't isa lalo na padating na si baby. Siguro dapat po kausapin mo lang po sya ng mahinahon. Di po siguro kayo nagkakaintindihan. Dapat po mag meet kayo halfway. Bigyan ka nya ng time then bigyan mo din sya ng time para sa paglalaro hindi yung buong oras eh puro laro nalang sya. Hanap ka din po ng ibang mapaglilibangan para kapag naglalaro sya eh di ka malungkot o mabored. Pwede din naman na magpaturo ka sakanya maglaro para nakakapag bonding kayo kahit papano. Adjust lang po talaga sa gusto ng isa't isa para walang gulo ☺️

Đọc thêm

Hubby ko mahilig sa ragnarok, ako naman sa mL.. Pag magkasama kami paminsan, oras namin sa sariling laro namin, pero paminsan, kinukulit ko sia na sumabay naman sia sa pglalaro ko ng mL, ayoko kasi ilaro ang game nia so game ko nalang namin inaatupag. Pero since Ldr kame, sinabihan ko talaga na pagsapit ng 8pm pataas, once nakauwi nako from work and ttawag nako, DAPAT talaga niang iwan ang ragnarok and sakin ibbgay ang time nia. May 2times na di nia un ginawa and inuna ang laro nia and soooobrang world war ang nangyari, kaya nadala na sia after non. I-Set mo lang ung rules and foundations nio ng partner nio mommy. Be firm po talaga. Bigyan mo ng oras na dapat kayo ang unahin nia. Pag lablab time, lablab time talaga mommy. Sabihan mo talaga sia.

Đọc thêm
5y trước

Salamat po.

Ganyan din lip ko. ML player. Ako din naman kaso mas adik siya kesa sakin. Nung di pa ko preggy lagi kami naglalaro. Halos gabi gabi yan. Aabutan pa kami ng madaling araw. Pero simula nung nabuntis ako bihira na ko maglaro. Nagsawa siguro. Tapos ngayon kapag kasama niya mga tropa niya or kalaro niya ayaw na ayaw paistorbo. Kulang na lang idikit ko yung cellphone niya sa kamay niya eh. Kaya si ako nagalit ng sobra one time. Di ko kinausap, hinayaan ko lang siya. Hanggang sa siya na mismo yung makaramdam at tumigil maglaro. Kaya naman ngayon kapag gusto niya maglaro magpapaalam muna siya sakin o kaya aayain ako.

Đọc thêm

Immature pa po ang LIp ninyo. Sad naman iyon dahil may anak na kayo. Ipakita niyo na lang best niyo as a mother and partner baka pag narealize niya mahiya siya. May work po ba siya? Sa ngayon, need niyo pag usapan ng masinsinan ito. Huwag pagalit na iapproach siya para mas effective ang usap niyo ;)

5y trước

Opo may work sya. hindi naman sya nag kulang sa sustento sa anak nya yun lang talagang ML po. Lagi ko syang kinakausap ng masinsinan pero parang wala lang din. siguro nga po immature pa sya. 😔 iniintindi ko naman sya lagi na lagi syang busy dahil sa trabaho nya kaso yung gabi mo nalang sya makakausap kasi yon nalang oras namin sakanya napupunta pa sa ml. Nakakaiyak nalang minsan kasi paulit ulit nya nalang ginagawa😔 nakakasawa narin po

ganyan din po hubby ko, gingawa ko iniiwan ko sya kwarto at manunuod ako sa sala or mag ccp ako, minsan kinukulit ko sya tulad kinikiliti or kinakgat ko sya way ko pag lambing at ako nmn pansinin nia..May time nga po d ko sya kinakausap at pag gnun alam nia galit ako kaya mag sosorry sya

5y trước

Thankyou😊

Give him a LOT of space, mommy. Don't contact him and don't respond at all for a long period of time. Hayaan mo siyang magsawa kakalaro. Ewan ko nalang kung di siya maumay sa kakalaro. Minsan need mo din magmatigas para matauhan mga ganyang lalaki.

I feel you po ganyan din sya parang Wala Naman pakialam. Online pero di magmessage man lamg