Gestational sac lang daw
Paki basa po nung screen shot ko hirap ulitin mag type po eh😅


It's normal lang naman po, ganyan din ako nung first ultrasound ko trans V din, akala ko mga nasa 10weeks na 'ko pero 4weeks palang pala. Wala din nakitang embryo sa ultrasound sakin, gestational sac palang wala din yolk sac. No bleeding din. Pinabalik ako after 2 to 3weeks ayun may embryo na. Normal lang naman talaga na wala pa munang embryo pag very early pregnancy... magtaka ka na lang pag nasa 10 weeks ka na talaga pero no embryo pa din. Ako din binilang ko LMP ko gumamit pa 'ko ng period/ovulation tracker app, kala ko tama ako pero 'di pala. Kaya chill ka lang mommy. Kahit naman mga OB hindi nila nappredict mismo LMP/Ovulation natin pati due date, kaya nga lagi lang "estimated" due date tawag nila. Wala kang makikitang OB na magsasabi ng sure exact due date. 😅 Lastly, based on studies ang baby bump nagsshow pag nasa 14-16 weeks ka na pataas mommy. Wala pa talagang umbok yan kahit 10 weeks palang. Baka bloated ka lang.
Đọc thêm
Nurturer of 1 rambunctious prince