8 Các câu trả lời
Read nyo po ito mommy, sana makatulong 🙂 Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? Oh eto, ayaw ko na ng formal na post about dito para mas maintindihan ng mga maamshies natin. 🥰 🍼 Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. 🍼 Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. 🍼 HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang mature milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. 🍼 Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin 😂 Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? 🍼 After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build your milk stash, you can start pumping ng mas maaga. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! 😏💪🏻 🍼 Pwede kang magtake ng mga lactation aids or supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. 🍼 MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. Always remember these: REMOVE MILK TO MAKE MORE MILK. MORE DEMAND, MORE SUPPLY. NURSE FREQUENTLY. PUMP REGULARLY. ♥️ #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH CTTO
Unli latch po mommy ,🤗 ako dati sa baby ko straight magdamag ,as in yung pahinga ko lang kapag ibababa ko sya ksi ngalay na likod ko .. tapos padede na ulit kasi wala din ako gatas nung paglabas ni baby , awang awa na ko sa kanya nun kasi feeling ko wala talaga sya nakukuha na milk . pero nd ko sinukuan , tyaga ko sya kahit ansakit na ng magkabilang nipple ko , pagkatapos ng magdamag na un anggang tanghali pa ulit wala ,tapos unti unti na nagkakaron inum lang ng inum ng tubig ,den pagdating ko sa bahay ,nilagang malunggay naman ,and yung mga may sabaw na pagkain 😇😊Hanggang ngayun 3 mos.na si baby nasasamid na sya minsan sa breastmilk ko😂😂
meron tlga mga mommy na sagana sa milk. i have flat boobz kala ng marami i wont produce milk. but im still breaatfeeding my 10 month old baby :) mixfed .. kc mahina ang supply since manganak aq. ive tried mega malunggay / natalac my supply is d same. still thankful tho kahit mahina meron p din :) drink plenty of warm water .. soup with malunggay. i bought malunggay powder to add sa foods ni baby and sa water ko :) fed is best :) bm or fm mahalaga baby is full 😁
makakatulong po magboost ng supply lalo if full dose ( mega malunggay recommends 2-3 capsules per day)pero ang pinakamagandang paraam para mastimulate ang milk is to unli latch. mag skin -to skin din po kayo ni baby. good luck mommy. 🤱🤱🤱
Malunggay capsule helps mommy pero di sya pwedeng maging assurance na magkaka breastmilk ka talaga. The best thing you can do po is unli latch, stay hydrated and motivated sa breastfeeding journey mo. Best of luck mommy! 💛
bsta padedehin mu lng poh sibaby at lalaks dn yan..
unli latch is the key mommy.
unli latch mamsh.