sorry sa rant

Pag nafifeel ko ba yung pintig pintig ni baby, is it an assurance na okay si baby? I just had my check up yesterday and frustrated ako kasi wala man lang ginawa yung OB ko to check the fetal heart rate or anything. Tinanong nya lang ako kung nafifeel ko na daw ba si baby. I had my last ultrasound 4weeks ago and then time for monthly check up yesterday. Feeling ko sobrang rip off na nagbayad ako ng 1k as consultation fee tapos wala man lang akong nakuha sa check up. Magpapalit ako ng OB kasi I don't feel like I'm taken care of. 20 weeks preggy here.

43 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Depende po kasi sa hospital kung san kayo nagpapa check.normally, umaabot ng ganyan consultation fee pag kilalang hospital clinic ng ob.. Na try ko sa makati med dati, 1200 nga consultation ng ob dun.hehe change ob nlng kayo momsh, mas mura pag may sarili clinic ob mo

Thành viên VIP

Sobrang mahal mamsh ng check up. Sa OB ko is 300 lang. Tas every month prenatal with ultrasound na since sono din c OB. Lahat chinecheck nya heartbeat ni baby, BP, size.. Better change your OB. Mas maganda if sono din c OB pra with ultrasound na every prenatal.

Mahal nman po ng OB nyo. Pwede nman po magchange ng OB if you're not satisfied with the service. Samin po, every month ultrasound, BP, weight, size and heartbeat ni baby, tsaka lahat ng questions namin sinasagot ni OB tas 600 binabayad namin.

Nagchange din ako ng OB mamsh. Ganyan din previous OB ko tapos mahal ng fee, 1k din. Ngayon ok na ok na iyong OB ko. Sobrang maalaga, check bp, heartbeat ni baby, timbang. Tapos 400 lang fee. Tapos minsan wala ng bayad, my freebies pa.

5y trước

Looking for a new OB pa ako ngayon momsh. At hospital na din kasi hindi namin afford yung hospital na yun.

Sakin pag check up, ayun check ng bp and timbang, papakinggan heartbeat ni baby thru doppler then advise and prescribe ng vits o gamot. Ganun. 300 lang po sknya. Ang pricey ni ob. Pano nalang pag maging weekly na yung checkup.

Lipat kana nga po ng ibang OB. Kasi ang OB ko kada check up di nya pinapabayaan hindi icheck heartbeat ni baby kasi importante daw yun, and ang mahal ng bayad ng OB mo po kasi sa OB ko 200 lang singil nya pwera mga gamot.

Ang mahal po sa 1k fee tpos d nman inaayos pag ccheckup sayo at baby mo. Hanap ka po ng OB na sonologist at the same time. Sakin ksi gnun, 300 lng fee nya, lagi nya check si baby via utz nang walang additional charge.

Sakin po every check up ko pinakakinggan namin ng ob ko ang heart beat ni baby ko.. Masyadong mahal ang 1k consultation fee sis para sa wala lang. Baka nga dapat lang na magpalit ka na lang ng OB mo..

250 lang pacheckup ko sa ob ko.. Minomotor nia lahat laki at bigat ng baby ,heart rate ,tinitignan nia din ang baga.. Pinapakita nia kung gaano kalikot si baby☺️ Ang hirap kapag ganian ang ob sis.

Usually pnpkinggan sa doppler pwde n by 20 weeks. Tapos bgay reseta ganun lang.. pricey nga ob m sis ah skn 350 lang per consultation lalo na pag third tri na twice a month nko.