Pa-vent out lang.
Pa-vent out lang mga ka-TAP. Recently nag- away kami ng asawa ko dahil naalala ko na sa June 20 na ang Father's Day. Sabi niya "sana pwede ring mag-exempt sa trabaho" kesyo exempted daw ako noong Mother's Day. Sana all ko "sana all exempted." "Bakit exempted ka naman talaga nung mother's day eh?" Sabi ko naman "exempted pala na magbabantay pa rin ng bata?" Hanggang sa umabot na kami sabihin niyang hindi naman daw trabaho ang nagbabantay ng bata. Banat ko naman "parenting is a 24/7 job." Para sa kanya hindi naman daw yun trabaho. Hanggang sa nabadtrip na siya. Kesyo lagi na lang daw issue. Until di kami nag uusap ng 1 ½ days. Sa kanya kailangan lahat ng sasabihin mo pabor sa kanya. Lahat ng gagawin mo pabor sa kanya. Kaya ngayon ang gagawin ko di na lang talaga mag sasalita. Di na rin magbabasa o manonood ng about relationships o parenting kesyo para sa kanya di ko rin naman daw ina-apply. Eh siya naman din ganun din naman. He's trying to reach out daw. Tamang reach out ba yung "Hoy Irish! Lapit ka nga dito?" @(
-#! Tapos kunwari hawak hawakan ka sa tagiliran. Tse!
Full time mom of a very pretty princess