37 Các câu trả lời
Hello mhie. All your feelings are valid. Emotional talaga tayong mga buntis. We cannot control the hormonal changes we’re experiencing during this time. Lalong mahirap kapag maselan magbuntis, kasama pa ‘yung anxiety kung okay ba si baby sa loob ng tiyan mo. Minsan, we feel lonely and alone during this journey that’s why we’re sharing our thoughts and feelings to others. Ngayon alam mo na mhie na there are certain people around you who wouldn’t give comfort, support or understand you, mahirap man pigilin kasi family mo sila, but do not share everything to them. Filter it out. Kasi they are not helpful. Stress can cause miscarriage too so we must be careful. Ang buntis pa naman natatandaan lahat. If you have this feelings or thoughts na gusto mong i-share, talk to your partner and other people na sure kang maiintindihan ka. If wala, share mo rito sa app. Tayo tayo na lang nagkakaintidihan. Haha. If wala ka sa mood magshare here, try to pray. If wala diyan sa choices, talk to your baby. Tandaan mo, mas mabuti ng si baby ang kausap mo kesa ibang tao na stressful sa’yo. Dagdag problema pa sila 😅 Nothing is more important than your well being. Kapag okay si mommy, okay ang baby natin. So always choose kung anong makakabuti sa’tin emotionally, mentally and physically. Kaya natin to 💗
Ako usual ko naririnig yung ganyan sa ibang tao, nasa 1st tri palang ako ngayon pero naka 3 ultrasound nako at 10 balik sa ob dahil sa frequent spotting at minsan minor bleeding, madalas ako sabihan ng ibang tao o malalayong kamag anak na normal lang daw makaranas ng ganun, na sayang naman pampacheckup kasi di naman dapat ikaworry yun, pero grateful ako kasi bago pako magexplain pamilya ko na yung sumasapo sakin. maliban sa asawa ko sila yung unang nagtatanggol sakin kahit di ako magsalita may pumoprotekta samin. Lagi nalang nilang sinasabi sa mga yun na, nakatipid nga sila nameligro naman buhay nila. minsan bibiruin pa nila, na may pera sila pampacheck up di naman sainyo hinihingi. that way pinaparamdam nila sakin na diko need mastress sa sinasabi ng iba. Mamsh sana makahanap ka or kahit yung asawa mo lang na kaya ka protektahan sa mga stress na ganyan. kausapin mo sya, yung kayo lang. masinsinan at maayos at mahinahon. paintindi mo na di mo naman ginustong maging ganyan yung flow ng pregnancy stages mo. I pray for you mamsh and kay baby, maging matatag ka di lang para sayo kundi para sakanya din. love love mamsh. ☺️
Ako nga po na FTM kung anu ano nasasabi saken sumunod ko na kapatid na di pa naranasang magbuntis. Nauna siyang nag asawa pero nung ako yung nag asawa at kinasal agad na biniyaan ng baby. Kesyo ang arte ko daw, ang selan ko, ang damot ko. Maselan po kasi ko magbuntis, nagkablood clot at spotting ako. Tapos laki pa ng pinayat ko dahil almost 4months akong nagsusuka. Kaya sobrang nag iingat ako. Ayoko sa maingay at magulong environment, dito kasi sa bahay ang ingay lalu may mga pamangkin at madami po kaming nakatira pero may sarili naman po akong room kaya lagi lang ako sa kwarto ko, LDR kasi kami ni hubby. Anong magagawa niya na kung parang nag iba talaga ugali ko ngayong buntis due to pregnancy hormones. Di na nga siya nakakatulong sa pagbubuntis ko andami pa nasasabi. Minsan nakakalungkot lang kung sino pa kapamilya sila pa nagbibigay ng sama ng loob sa atin lalu na sa ganitong sitwasyon.
May mga tao po kasi na traditional at hindi aware sa mga pregnancy cases na ngayon. akala nila madali lang magbuntis lalo na pag maselan. Mahirap po hindi pansinin mga sinasabe nila pero mas mahirap po pag pati si baby naapektuhan na dahil sa kanila. Isipin mo nalang po ung safety nyo ni baby at kausapin ung mga taong nakaka intindi sayo. i learned it a hard way nung nastress po ko sa work at environment ko which causes ng early labor at nawala po ung baby namin. kaya ngayon kahit naiinis ako sa iba, deadma at blocked nlng. bsta someone that takes away my peace ekis agad. kasi if evee may mangyre sa inyo for sure isa din sila may sasabihin 😒😒😒 keep fighting po mommy!
Hugs mi, 27 weeks na kami ni baby. Last time, nag compile na ko ng mga ultrasounds and results. Since 1st trimester bed rest, kasi nagka subchorionic hemorrhage ako. Every 2 weeks ang balik sa ob kaya nadami nadin plus, na confine din kami last may kasi dumudugo din yung placenta. Never be apologetic if you want to do what is best for your baby. Your baby, your rules ika nga nila. If sila ayaw nila gumastos pang pa check sa mga baby nila that's on them, every pregnancy is unique. Kesa naman tipidin natin mga sarili natin, money can be earned. Lives cannot be taken back
ganyan din naman po ako nung buntis ako masyado ako sensitive, mapagtaasan lang ako ng boses ng asawa ko iiyak na agad ako, hindi lang masunod gusto ko iiyak na ako, pag hindi ako napapansin or feeling ko binabalewala ako naiyak din ako,, dala po siguro ng hormones at dahil din sa pagbubuntis, pero i suggest po na bawas bawasan nalang siguro kase makakaapekto sa baby, naramdaman din nila yung nararamdaman natin.. kaya wag na po masyado stress okay.. . ilang weeks nalang makikita mo na baby mo be strong po at pray for the safe delivery.. god bless you 💗
normal sa buntis maging emotional kahit sa maliit na bagay kaya dapat mas lalo kang iintindihin hindi rin biro ung maging maselan hindi naman natin ginustong nagbubuntis ang laging may laboratory test na request ng doctor. para rin sa sanggol na nasa tyan natin yun. so para sakin wag mo nalang papansinin ang mga side comment nila sayo hindi kase sila lalo makakatulong sa kalagayan mo. ako para malabanan ang pagiging emotional ko mas nag iisip ako nung memories na masasaya or aaliwin mo ung sarili mo sa ibang bagay para dika masstress😁
17 palng po ako at kakapanganak kopa lang po nang nagkasagotan kami ng mama ko dahil ansakit nya mag salita pati side ng mama ko asawa ko lage nila pinag iinitan kahit wala namang ginagawa. mga toxic masyado diman nila inisip na depress ako stress pagod haytsss buti pa side ng papa ko eh sinasabi nilang wag daw ako umiyak hindi ko kase sinasabi sakanila na ganito ganyan yung problema ko tas binibigyan rin nila ako ng pang gatas ng anak ko! may pamilya talagang dika kayang intindihin masyadong makasarili!
Valid naman yung nararamdaman mo Mii. Sa totoo lang na sensitive ang feelings natin habang nagbubuntis. Mas iniisip kasi natin ang kalagayan ni baby. Ako nga gusto ko every month magpaultrasound kasi naranasan ko pagbalik ko for the ultrasound wala na pala heartbeat si baby kaya nagka miscarriage ako. Kaya itong pangatlong pinagbubuntis ko at unang baby ko bantay sarado ako at monitor talaga kahit hindi need ni OB nagpapaultrasound ako. Now I'm 36weeks na at magaan sa loob na ok si baby.
Feeling ko di niya na gets yung text or chat mo, wala ka naman sinabing sa ultrasound makikita yung status ng sugar mo eh, hay nako reading comprehension kamo, anyways valid yang nararamdaman mo mhie lalo na kung ganiyan ang kausap mo🙄, dagdag mo pa yung hormones and stress na nararamdaman mo talagang di mo maiiwasan maging emotional. Praying sa safety mo and nang baby mo😘 sundin mo lang kung ano yung sinasabi ng doctors para sainyo din ng baby mo yan❣️❣️❣️