20 Các câu trả lời
Depende po yata sa church kasi nung nag-inquire kami required nila all white. Pero nung umattend kami ng binyag ng anak ng friend namin hindi naman plain white yung suot ng bata. Navy blue yung pants niya then printed white tops. 2 years old yung bininyagan.
Depende po sa religion. Samin Kasi born again christian walang kaso yanng ipapasuot mo Kay baby, pero sa Catholic all white po talaga. Better na sumunod na lang po tayo sa bilin Ng church natin :)
I think mas okay po pag all white. Ipasuot mo nalang yang pink sa reception para magamit parin po. Suggestion lang
Ok lng naman po.. Un baby ko po noon nakapink tlga sya at nakahairband lng..wala naman po sinabi ung priest..
I think mas ok Kung white as sign of purity kc inaalay mo siya sa Diyos..then meron p rin Po Yung pabilao..
KC ako nuon pink pinasuot ko nagalit ang pari.,porke babae pink ba daw agad...Kaya white nalng purity
White po momsh kasi may symbol yon bihisan nyo nlng po ng ganyan after binyag saglit lng naman yon.
Now a days.. require na ng church plain white.. ask mo na din yung simbahan kung pwede.
nong binyag ng LO ko di sya naka all white di naman kami sinita ni mon senior
Mas ok po kung lahat puti saka yung sombrero pwede namang puting panyo.