20 Các câu trả lời
Hi. Baka puppp rashes na yan mga mumsh. nagkaganyan ako mga 38 weeks ng pregnant ako. sobrang lala ng sakin to the point na nagsusugat sugat na sa sobrang kati. nagpaderma na ako lahat walang nangyare. yung iba nawawala pagkapanganak. sa case ko nun mga 2 to 3 month pagkapanganak ko tsaka na nawala ang kati. wag kakamutin kasi lalala at dadami. inom ng tubig. wag maliligo ng mainit kasi lalong matritrigger. ginamot ko nun sakin yelo lang para mawala pangangati. mayat maya yelo talaga. mukang matagal tagal pa pagdadanan mo bago mawala yan. sana gumaling agad. kasi 5 months ka palang. usually nawawala ang ganyan pagkapanganak.
sakin advice ni ob dove na sensitive kulay green tpos wag daw muna mag lotion iwasan kumain ng manok itlog at maliliit na isda. grabe ang dami skin nya buong katawan ang ginagawa ko sa tuwing kakati mainit na tubig haluaan ko lng malamig sa plastic na baso saka ko ilapat sa balat ko para lng di ko makamut
Better kung magpapa check up talaga kayo mommy para marule out yung cause talaga ng allergy mo. Para mabigyan ka din po ng soap and ointment na para talaga sa ganyan. Mahirap kasi mag self medicate lalo na po pregnant ka kaya better talaga na lahat ng iaapply mo is approved talaga ng OB mo.
Same tayo mommy. Pero di naman ganyan yung akin kasi more pahid ako ng kalamansi or apple cider bago maligo. Tapos 3-4 times ang ligo ko a day para malessen yung kati. Ganyan ata kapag baby boy yung anak. Maselan yung balat.
nagkaganyan din ako sa paa ko sobrang kati, pinayagan naman ako ng ob mag citerizine kaya mejo na lessen pangangati, napansin ko pag kamakain ako ng malalansa tsaka naglalabasan yan.
meron pong ibang nagabubuntis na nilalabasan talaga ng ganyan sa buong pagbubuntis nila at nawawala pagka pagkapanganak. pacheck nyo po muna baka may ganun kayong condition.
ganyan din sakin, parang tigyawat sya buong katawan ko , cethapil sabon ko at may binigay na ointment jaso kamahal mawawala din daw sabi ng ob ko 6 weeks after manganak
Nagkaganyan din ako while 6 to 7 months Pina derma ko then bibigyan ka reseta pampahid Yung sabon ko Cetaphil Lang. Thanks God 8months n ako going 9 Wala n ako rashes.
yan reseta sakin ni ob kahapon tapos sulfur soap ang gamitin mo. kasi meron dn ako at sobra kati. ngaun ok na hnd na sya sobrang kati at mapula.
Calmoseptine po yang ointment na nasa picture. Zinc oxide calamine
Sulfur soap sis try mo, Saka ointment. Or pa advice ka sa OB mo or sa clinic ano pwede gamitin mo. Yung angkop sayo kasi may allergy ka e.
janice edloy