Ask ko lng po mga mommy's
Ok Lang po ba na folic lng ininom Kong vit since first month going 5months na po ako now mga mi nag sasave po kasi ako kaya Hindi pa po ako nakaka pag pa check up, salamat po!

Hello! MD here. as a doctor yung mommy na walang check-up po ang kinalulungkot ko sa lahat. madmi po kasing important sa 1st trimester lalo na po yung CRL sa 1st tri ultrasound. dapat dn po magpalabs agad like yung mga HIV, VDRL, RPR at Hbsag kasi yung mga infection po na yan napapasa sa baby. para sana po maready at hndi kawawa si baby. UTI dn po sna naiiwasan ntn kasi yan ang top 1 cause ng miscarriage and other infections. also, mga vits na need like Calcium para po maiwasan ang gestational hypertension at ibng sakit sa ugat. mga needed na bakuna sana dn natuturok na. si baby po kasi ang kawawa kapag walang check-up. Pwede po kayo sa health centers magpacheck-up or sa mga midwives sa lying-in para mas makamura.
Đọc thêmImportante po na makainom kayo ng ibang vitamins at makapag pacheck up para natitignan ang kalagayan mo at ni baby. Paano po yung may gestational diabetes o gestational hypertension o kung may UTI po po pala kayo? Delikado po iyon sa iyo at ni baby. Kung nagsasave po kayo pwede naman po magpacheck up sa center o public hospital. Kailangan din po may record kayo sa ospital kung manganganak ka na.
Đọc thêmbili ka po obimin plus at calcium plus yan po ang mga kailangan natin na vitamins bukod sa folic acid tama din po ang sabi nila magpa check-up ka din po sa health center namimigay po sila libreng bitamina
yup may iron din po yan obimin plus.. yan lang iniinom ko ngaun..
Hi po, kudos sayo mommy dahil pinag iipunan na ang pag dating ni baby.. pero better po pa checkup ikaw may mga mura naman po jan like lying in and center.. para atleast mabigyan pa ng ibang vit. For baby ☺️
pa check up ka po muna sa hospital baka may uti ka o kung ano,pero kung wala nmn po ok lang nmn folic kasi sakin, after q mag inom nung gamot sa uti puro folic na kaht may binigay sila saking calcium
need po magpacheck up sis lalo na 5mos. kana di lang po folic acid ang iinumin mo .
Mi po 5 months na 4 na klase vitamins iniinom ko huhuh halos 1,500 a month din gastos lahat
May mga ibang vitamins pa po aside sa folic pang 2 to 4 months lang po tinetake iyan .
kahit sa center man lang di ka nakapag pacheck up? I believe may free vitamins don..
Hala mommy kawawa si baby nyan