Nung buntis kayo, naiiyak din ba kayo at nalulungkot na walang dahilan?
yes emotional feelings ng isang buntis kasi ng lalabas ng mga hormone ang katawan mawawala din yan kalaunan kain ka na lang ng Chocolate kasi nakakapag palabas yan ng happy hormones
Yessss, naranasan ko yan. Bigla bigla na lang ako maiiyak, kawawa nga hubby ko kasi iniisip niya anong nagawa niya kasi pag ano ayoko siya kausapin tas iiyak na lang ako bigla. Hehe
yes malungkutin po like me preggy always naiyak kahit sometimes nakapanuod lng sa fb nakakalungkot or quotes na nakakalungkot iiyak na agad sobrang madamdamin pa po
Yesss.. akala tuloy ng hubby ko kung napano aq...sabi ko di ko alam bat nalulungkot aq kaya tuloy ang ginagawa nya sinasama nya aq sa mga lakad nya para daw malibang aq.
Oo. Sensitive ako.. Umabot sa punto na sobrang inis ako ksi d ako maintndhan ng hubby ko.. Nasabihan ko sya ng f***.. Haha.at sya pa ang pnag sorry ko.. Mtinde ung kaartehan ko..
hahaha natatawa nalang ako kase napaka Oa lang iiyak ka kakaselos ng wala naman dahilan? 🤣 Buti nalang nandyan mr ko nakakaintindi sa sitwasyon ko. 😅
Sumobra ata pagiging emotional ko nung time na naglilihi ako oati kaldero niyayakap ko habang umiiyak dahil ayaw ko ng ulam nmin. 😂 Mukang normal p din nmn ako until now.
yung ayaw ko yung ulam , bigla akong nalungkot at umiyak..kung anu anu na yung pumasok sa isip ko. tapos nung nakain q gusto ko na food..masaya na ko ulit hahaha
Opo sobra. Minsan nga hagulgol pa😅 di mapigilan. Pero buti nangyari yan wala si hubby. Tas napaakaiyakin minsan wala naman rason. Hug na lang kay hubby nakakarelax din.
oo. iniiyakan ko partner ko kapag may naiisip akong nakakalungkot tapos ttanungin niya ko bakit sasagot ko wala. emotional tlga pag buntis.