Lynelyn Pareja Marasigan profile icon
BạcBạc

Lynelyn Pareja Marasigan, Philippines

Contributor

Giới thiệu Lynelyn Pareja Marasigan

Mummy of 2 adventurous little heart throb

Bài đăng(8)
Trả lời(30)
Bài viết(0)

Sharing is caring

#Ctto PAANO MAPAPARAMI ANG BREASTMILK? Karaniwang problema ng ilang breastfeeding moms ang pagpaparami ng gatas sa unang linggo matapos nilang manganak. Ang dahilan nila ay parang hindi nabubusog si baby dahil sa iyak ito ng iyak pagkasilang. Bakit nga ba umiiyak ng umiiyak si baby paglabas? Sa loob ng 9 na buwan, nasa loob si baby ng sinapupunan kaya naman paglabas niya sa outside world ay talagang maninibago siya. Bukod doon, nanggaling siya sa isang warm na environment at pagkasilang ay bigla siyang mapupunta sa isang malamig na lugar. Natural lang na umiyak siya ng umiyak dahil sa transition mula sa sinapupunan hanggang sa bagong mundo niya. Ang pag-iyak ay pwedeng dahil sa gutom siya, may dumi siya, giniginaw o naiinitan siya, o kaya naman ay gusto lang maramdaman ang yakap ng kanyang ina. Paano malalaman na may nasususo siya? Malalaman na mayroon siyang nakukuhang breastmilk (colostrum to be specific) sa pamamagitan ng output tulad ng ihi at dumi. Kaya kung mapapansin mo, ipinapalista sa hospital kung ilang beses umihi at dumumi ang bata bago kayo pauwiin. Tandaan na sa unang tatlong araw, kakaunti palang ang gatas na mapo-produce ng suso, sakto lang para sa maliit na tiyan (sinlaki ng calamansi) ni baby. Sa ikaapat o ikalimang araw, doon palang lalabas ang tinatawag na transitional milk o yung gatas na inaasahan nating tumutulo o sumisirit. Paano kung talagang kaunti lang ang gatas na lumalabas? Ang breastfeeding ay nakabase sa law of supply and demand. Ibig sabihin, mas sumususo si baby, mas dumadami ang gatas. Kapag sa unang tatlong araw ay nagbigay kaagad ng formula, ang tendency nun ay hihina ang gatas dahil hindi sumususo si baby sa’yo. Ano ang pwedeng gawin para lumakas ang gatas? 1. Itigil ang pagbibigay ng formula – Kagaya ng nabanggit, nakakapagpahina ng gatas ang pagbibigay ng formula sa sanggol. Bukod sa hihina ang supply, pwede ring magkaroon ng nipple confusion si baby. Nipple confusion ang tawag kapag ayaw nang sumuso ni baby kay mommy dahil nasanay na siya sa nipple ng feeding bottle. 2. Pasusuhin ng pasusuhin si baby hangga’t gusto niya (Unlilatch or Breastfeed on Demand) – Kagaya ng unang nabanggit, nakabase sa law of supply and demand ang breastfeeding. Okay lang na pasusuhin ng pasusuhin si baby. Hindi siya mao-overfeed dahil kontrolado niya ang paghakab niya. Ang recommended na pagsuso ay every 2 to 3 hours o 8 to 12 times a day at Unlilatch. 3. Mag-pump o mag-hand express- Kapag hindi nauubos nang maayos ni baby ang gatas sa suso, makakatulong ang pag-pump o pag-hand express. Ang maayos na pag-“empty” sa suso ay nakakatulong para dumami ang gatas at para maiwasan ang plugged/clogged ducts o baradong daluyan ng gatas. 4. Mag power pump – Makakatulong ang pagsasagawa nito para sa mga pumping mommies. Magpump ng 20 minutes, pahinga ng 10 minutes, pump ng 10 minutes, pahinga ng 10 minutes, pump ng 10 minutes. Kailangan ng consistent interval kapag nagpupump para ma-maintain ang supply, yun ay every 2 or 3 hours. Para sa working moms, mayroong lactation break na 40 minutes maliban pa sa regular breaks ng kumpanya. 5. Subukan ang Galactagogues o Breastmilk Boosters – Isa sa mga pinakakilalang galactagogue ay ang malunggay. Pwedeng maglaga ng dahon ng malunggay at inumin yun o kaya naman ay magluto ng masabaw na ulam at lagyan ng malunggay. Kabilang din sa galactagogues ang tahong, halaan/tulya, buko, luya, lactation cookies, M2 tea, at Natalac capsule. Tandaan na stimulation ang susi sa pagkakaroon ng gatas. Kahit na kumain ka ng kumain ng galactagogues, kung hindi ka magpapasuso, hihina ang gatas mo. 6. Stay Hydrated – Uminom ng at least 8 glasses ng tubig kada araw. Kapag nagpapasuso ka, mas madalas kang mauuhaw. Uminom kapag nauuhaw dahil kailangang palitan ang liquid na nawawala sa iyong katawan. 7. Kumain nang Tama – Kahit na hindi totoong nasususo ang gutom, kailangan mo pa ring kumain ng wasto para sa kalusugan mo. Kapag overly malnourished ang isang ina, pwede nitong maapektuhan ang gatas niya. 8. Iwasang uminom ng mga gamot na hindi compatible sa breastfeeding – Mayroong mga gamot na nakakapagpahina ng gatas. Siguruhing i-check sa e-lactancia.org ang generic name o active ingredients ng gamot bago inumin. Kapag nakitang Low Risk Probable o High Risk Probable ang isang gamot, magtanong ng alternatibo sa doktor. 9. Umiwas sa stress – Nakakapagpahina ng gatas ang stress kaya hangga’t maaari ay umiwas sa stress o mag-aral ng stress management. 10. Umiwas sa paninigarilyo at sa pag-inom ng alak – Ang paninigarilyo ay delikado para sa’yo at para sa kalusugan ng anak mo kaya hangga’t maaari ay iwasan ito. Ang labis na paninigarilyo ay nakakapagpahina ng gatas gayundin ang labis na pag-inom ng alak. 11. Magpa-lactation massage – Malaki ang maitutulong ng lactation massage para matanggal ang mga namuong gatas sa suso. Makipag-ugnayan sa Breastfeeding Pinays para makahanap ng pwedeng mag-massage malapit sa inyong lugar. 12. Magtiwala sa katawan at sa gatas mo – Believe in the power of your breastmilk. Ginintuan ‘yan at isang espesyal na biyaya galing sa Panginoon. Kung tutuusin ay hindi mamomroblema sa supply ang isang ina kung sa umpisa palang ay alam na niya na hindi dahilan ang pag-iyak ni baby para isiping kulang ang gatas niya. Subalit, kagaya ng ibang nanay na dumaan din sa pagiging first-time mom, mayroon talagang mga bagay na hindi pa natin agad malalaman. Kung isa ka sa mga nanay na namomroblema sa supply, subukan mong gawin ang mga tips na nabanggit at nawa sa susunod ay i-apply na ang lahat ng natutunan mo sa pagpapasuso sa iyong chikiting. Happy Breastfeeding! ? Written by: Van Mallorca Breastfeeding Mommy Blogger SOURCE: Breastfeeding Pinays ARTICLE LINK: https://mommybloggervan.wordpress.com/2019/02/23/paano-mapaparami-ang-breastmilk/?fbclid=IwAR05Sr3Kb4g5RqiwIU3Cu_Xfvy4eS01CuWvVFQTHVpai8P0vNNyXcZccDYE Photo credits: https://babiesfirstlactation.wordpress.com/tag/size-of-babys-stomach/

Đọc thêm
Sharing is caring
 profile icon
Viết phản hồi

1st time

Hello po mga momshies meet my baby Naithan via CS ..dati pag nagbabasa aq dito inggit n ingit na aq sa mga nanganak na kc alam mo yun feeling na malapit ka na kc nanganak na yun mga kasabayan tas ikaw di pa di nanganganak.. Dumaan ang 36 ,37,38,39, tas dipa din cia nagpapakita ng sign na lalabas na cia tas yyn hangang nag 39 and 4days nag pacheck up n ulit aq ini IE aq ng Ob ko tas sabi nya paopen n daw cervix ko tinulungan n nya aq i open yun binigyan nya ako ng evebprimrose tas sinunod ko din yun mga nababasa ko dito na walking ,,squats pineaple pinaglalabhan ko din mga damit nmin kahit hirap n hirap aq para lng matagtag aq yun awa ng dios 1cm nman.tas may lumabas na din mucus plug brownish color ..so tuwang tuwa n ako sabi ko sa asawa ko malapit na aq manganak pero nka 3 days na aq may dugo pero di nman sumasakit tyan at blakang ko.. So ayun nag worry na asawa ko dinala na aq ospital nun ini IE ulit aq 1cm p lng ulit ay mag 40weeks na cia kinabukasan.. which is duedate ko na talaga..so tinawagan nila yun ob ko ang advise sa akin pag daw di pa din sumakit tyan ko induce na aq kinabukasan kaya ayun nagpa admit na aq sa ospital binigyan nila aq ng pampalambot daw ng cervix .. Then tinurukan n din ng pampahilab kaso wala talaga di cia umepekto kaya nagdecide na kmi na CS na aq good decisions kc kung di pa aq na cs malamang nawala ang baby ko kc cord coil pala at yun tubig nya is iga na ..kaya ayaw nya bumaba ..Kaya sabi ni dra mabuti daw at makulit aq sa knya . So mga mommies na malapit na duecdate better observe po sa nararamdaman natin

Đọc thêm
1st time
 profile icon
Viết phản hồi