39 weeks 0 Days

DOB: Nov 13, 2022 EDD: Nov 20,2022 My Baby girl is out exactly 39 weeks! 3kg Via Normal Delivery Share ko lang experience ko kase sobrang unexpected yung paglabas ni Baby. Schedule CS na ako for Nov. 14 dahil ang laki narin ng timbang ko and possible preeclampsia daw ako dahil narin sa pagtaas ng BP. And then Nov 13 naghihintay na ako ng result for rtpcr test para ma admit na ako for tomorrow Sched CS tas nung nasa ER kami nag wa-wait ng result narin ng antigen ng partner ko bigla ako nakaramdam ng paghilab na patindi ng patindi yung pag sakit hanggang sa hindi ko na kaya yung continues na sakit kaya napahiga na ako sa kama at napasigaw sa ER hanggang sa pumutok na panubigan ko. Wala muna nag asikaso saakin sa ER kase nga Scheduled CS ako even though may contraction na ako at pumutok na ang panubigan ko hanggang sa di ko na talaga kaya ang sakit tsaka nila ako dinala sa OR(operating room) instead sa Delivery room kase naghahantay pa sila ng order sa doctor ko na CS ako dahil otw palang non Doctor ko. Pero to make the story short sa last IE ko ng araw na yon, pa 2cm palang yung cervix ko hanggang after 3 hrs nag fully dilated na ako at sabi ko sa mga nurse ramdam ko na yung ulo ni baby dahil parang gusto pa nila pigilan ko pa paglabas ni baby which is mas masakit pa so napasigaw na ako na "Ano bang ginagawa nyo! Gusto ng lumabas ng baby ko." sabi pa nung in house doctor mag relax lang ako which is nakapag pa trigger pa lalo sa labor na nangyayari sakin. So ayun pinakita ko mismo sakanila yung pwerta ko na nakasilip na yung ulo ng baby ko and nag decide sila na ma normal delivery na ako. And ayun lahat sila nagulat kasi nakadalawang ire lang ako lumabas agad yung baby ko ni hindi na ako nalagyan ng anesthesia for pain labor dahil gustong gusto na talaga lumabas ni baby, na feel rin siguro ni baby yung stress at kaba ko nung nalaman ko sa last check up na may possible ma CS ako at umiyak ako non kaya di na ako pinahirapan ni baby sa panganganak sa kanya. 🥰Perfect timing talaga and sobrang thankful ako kay God sa plano nya saakin sa madaling panganganak ko. So ayun Goodluck po sa lahat ng mommy na malapit narin manganak, kaya nyo po yan at makakaraos din po kayo.😊##firsttimemom

39 weeks 0 Days
57 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sanaol mi haays 2nd baby q na kc tong akin at nka sched din aqng cs kc maliit sipit sipitan q 7 yrs gap nila ng panganay q wish q lang sana mailabas q din ng normal at safe kmi khit emergency gaya sayo hahaha bukod sa malaki matitipid gusto q din tlga ma exp ang vaginal delivery at hoping na ndi rin pahirapan sa pag labor.

Đọc thêm

sana all mommy ganyan hehe..congrats po!!!🥰napakasarap sa pakiramdam nakaraos ka na at di man lang gaano nahirapan...hindi rin po sana ako pahirapan ni baby at normal delivery sana...🙏mag 31 weeks pa lang naman ako...pero excited na po ako gusto ko na rin makaraos ilang weeks na lang...

congrats mommy 🥰 sana po normal delivery din po ako kagaya ninyo. sabi kc ng ob ko possible CS kasi may gestational diabetes ako. 36W na po si baby ngayon. pinagdarasal ko talaga na wala maging complications at tulungan ako ni baby makaraos kami nang safe 🙏

2y trước

Amen🙏 Salamat po sa pagpapalakas ng loob 😇😇😇

Thành viên VIP

Congrats! Ibig sabihin kahit may possible condition eh pwedeng maging normal. Medyo na sad lang ako sa part na parang wala silang kusang iassist ka porke scheduled cs ka. Public po ba ito o private hospital?

2y trước

😢

nakakatuwa naman 💕 sana ako din nung nanganak pero ang importante nailabas sya ng healthy congrats mommy di ka pinahirapan ni baby lablab ♥️ To all moms out there God Bless sten lahat 💕♥️❤️

base sa nabasa ko may mga hospital talaga na pera pera lang talaga hinayaan ka lang nila at pinag rerelax kapa para lang ma CS ka pero nag kamali sila akala nila papabor ang mga Plano nila sayo hahaha

sana gnyan din ako tulungan ako ni baby ..ayoko Ma CS 3.5 daw si baby sa Estimated fetal weight ng latest ultrasound .totoo kaya yung weight nya na yun?.. 37 weeks and 9days ako edd ko sa dec. 16

2y trước

Depende po mi, kase nung last BPS ultrasound ko po nung 37 weeks ako nasa 3.092 kilos daw si baby pero nung nailabas ko na sya nasa 3.030 kilo lang po sya. Pray lang po tayo mi, may awa po ang panginoon. 🤗

Nakaka tuwa yung story mo mommy! Napaka bait ni Lort at ni Baby mo 😊Hindi ka pinahirapan. Sana lahat ganyan nalang para wala ng ma cs. Masakit na. Masakit pa sa bulsa. 😅

Congrats mommy. Waiting din ako kay baby. Due ko sa 19 kaso may dugo palang na nalabas ala oang contractions at sarado pa raw cervix ko. Sana makaraos na din kami ni baby 😇

Naka kaiyak naman po ang kwento nyo 🥺❤️ d kana pinahirapan ni baby love na love ka nya mommy ❤️

2y trước

sana manganak na din ako sis .mag40weeks na ako ang bagal magdilate ng cervix ko😔😔