21weeks here sana mapansin po👋
NORMAL LANG PO BA NA YUNG GALAW OR NARARAMDAMAN KO SI BABY IS NASA BANDANG PUSON KO PO SIYA? THANK YOU SA SASAGOT SANA MAPANSIN
ako din po 17weeks pero na paparanoid kasi kada gabie sya parang kumikirot yung tagiliran ko tsaka lilipat sa kabilang side naman yung puson ko din naninigas. Normal lang po talaga yun mommies? 1st time po ako eh haha
Yes po, regardless kung cephalic or breech mararamdaman parin po talaga sa puson. Kapag masakit yung galaw sa may bandang puson, ulo na po ni baby ang nauna based sa experieced ko nung buntis ako at Cephalic si baby.
ako din nararamdaman ko si baby sa may puson..diko nga alam si baby ba ang sumisipa or natatae lang ako basta ang alam ko may gumagalaw sa puson ko.. first time ko kasi😂
5 months sa puson pa galaw nya nun breech sha sa ultz. ngayon 6 months sa ibabaw na ng pusod mga galaw2 nya ewan ko kung naka cephalic na to ngayon. sana nga
Dipende po yun ako 21 weeks and 1 day minsan sa puson minsan sa gilid ng pusod pero sa ultrasound ko naka cephalic sya
21 weeks na din ako. mas ok na malikot si baby kesa hindi mo siya nararamdaman. sakin nanggigising na mga sipa niya.
breech pa yan pag ganyan suhi pa. pero pag sa taas na yung madalas na galaw nya at malakas. cephalic na yonnkapwestona
yes po normal po yan sis na laging parang may pumipitik pitik sa loob ng puson mo.. hehe c baby na po un
opo ganyan din ako nung 2nd tri ko masakit minsan tapos para kang naiihi na ewan😅😅
ganyan din po ako momshie,kakaultrasound ko lang po kahapon🙂...
Momsy of 2 energetic little heart throb