Picture ni sister in law

Normal lang po ba na magsend yung kapatid ng asawa ko ng pictures niya araw araw. Basta may selfie sya matic send sa asawa ko, like mga outfit nya araw araw. Hiwalay nga po pala sa asawa yung sil ko at may isang anak. Though nagsisend rin sya ng pictures ng anak nya sa mr. ko. Btw, ldr po kami. One time inopen ko account ni mr. At yun nga nakita ko mga pinag sisend ng kapatid nya. Kahit pag naghihilamos pero mukha lang pinapakita. Alam ko close sila, Pero di ko lang nagustuhan mga mii is yung pagsisend nya na kuha ang legs, normal po ba yun sa isang kapatid na babae magsend sa kapatid nya? May relate po ba na scenario dito mga mii? Tama po ba yung ganon? Or masyado lang akong nag over react sa mga pinagsisend ng sil ko? Kahit may kuya ako, di ko ginagawa yung ganon.. Naiinis tuloy ako sa sil ko. Preggy pa man din ako😥.

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

They are brothers and sisters by blood and i think thay the years they love each other is longer than the years between you and your husband. Pero may boundaries ung love nila and they respect that boundaries kasi kung hnd, hiwalay na sna kayo ni husband mo at mgkakasama na sila sa iisang bahay ngayun. Hiwalay din si SIL mo kaya posibleng binabaling nlng atensyon nya sa kuya mo which is the safest to do to protect herself kesa sa ibang lalaki sya mghanap ng atensyon at mkagawa sya ng pagkakamali na pgsisisihan habang buhay tapos masasaktan pa sya. Buti kung sa kapatid nya hnd sya masasaktan dahil may boundaries. Ask mo muna husband mo kung ganun na sila dati pa, kung kht nung dalaga binata na sila mgkatabi pa din matulog, sobrang close pa din, wla naman problem jan kung wala malisya.

Đọc thêm

Thank you mga momsh na-appreciate ko po mga honest answers nyo. And nabasa ko rin mga sagot na gusto ko makita. Somehow, it made me feels better. Kakausapin ko na rin si mr. about dito for me to get peace of mind nalang din regarding sa sil ko. Again po, di ko po pinaghihinalaan na may hidden relationships sila, thats the least and worst thing na pwede ko maisip dahil ramdam ko at nakita ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko even my own family. Btw, first gf po ako ni hubby bago kami nag asawa ☺️.

Đọc thêm

Sa tingin ko mommy nagpapapansin lang siya sa mister mo. Wala naman mali dun. Kung bata palang po sila e sobrang close na nila. Kaso nakalakihan na nga po at may asawa na. Hindi na dapat ganun.. May boundaries na dapat. At alam na dapat ng sister in law yung lugar niya na di na sila bata. Bihira lang yung mga ganito mommy. Kasi mostly ng mga kuya ngayon snobera sa kapatid nilang babae. At hindi close sa kapatid. So apaka swerte mo sa tingin ko maalaga sa babae yung naka partner mo..

Đọc thêm

hehe nasa abroad din po brother ko and close kami. nung marami pa ako time eh lagi ako nagsesend ng pics pero usually pics ng dog ko hahaha. minsan kapag funny selfie ko or kapag may activity kami sa bahay ng isa pa naming sister. ask mo na lang husband mo. ung pagsesend ng pics eh okay lang ata basta hindi naman araw araw na pictures nya jusko. ako pics ng dog ko eh. may gf un and happily married ako. close lang talaga kaming magkakapatid mula pagkabata.

Đọc thêm

sobrang weird haha 4 kuya ko at mga ka close ko, pero never ko ginawa yan. super close ko nga sa isa kong kuya ang tawagan namin bessy or lods haha mga lambing ba ng mga bagets at gen-z ngayon pero never ako nag send ng legs or mga ginagawa. ang sinesend ko lang ay mga new stuff or yung mga luto kong pagkain. kaloka yan sil mo momsh 😅

Đọc thêm

Medyo relate ako sis may something off na feeling din ako sa sister ng partner ko dalawa sister niya pero don ko lang nararamdaman sa isa niyang kapatid hindi maalis alis sa pakiramdam ko pero hindi pa naman dumating sa ganyang point pero nakakabother 😔

la ang weird naman ng ganun mi, may mga kapatid din akong lalaki pero never ako nag send ng ganyan sa kanila. di sa pinag ooverthink kita mi ha pero parang may hidden relationship sila. Ano ba napapansin mo kapag magkakasama kayo ng asawa mo at sil mo?

2y trước

Kaya nga po nagulat nako dun sa part na legs na sinesend pero nakikita ko naman di pinapansin or hinaheart ni mr. mga pictures nya. Iniisip ko rin na sobrang attached sya sa asawa ko na di man nya naisip kung tama pa ba mga pinagsisend nya, hayy kakabuysit. Feel ko nga pinagsiselosan ako ng kapatid nya e, dahil mag isa lang sya na babae sa kanilang 3 magkapatid. Panay din ang parinig na wala na sya pera, pero andami panluho sa katawan. Wala naman ako kakaiba napapansin sis at di ko iniisip na may hidden relationship sila.

smell fishyy.. better to confront your sister in law. kasi sis hindi talaga yan maganda . bakit siya mag sesend ng pictures araw araw sa asawa mo ? para saan . asawa ba sya ? kahit pa close sila. hindi nya dapat gawin yun. kung ako yan baka inaway kopa ! haha 😆

Panong kuha ng legs? Sis mag kadugo po yan.. baka sobrang close lang nila magkapatid lalo hiwalay sya asawa nya baka kailangan nya ng makakausap which is un brother nya. Ano po ba mga reply ng asawa niyo kapag nag sesend ng ganon un kapatid nya?

kung lalaki sa lalaki medyo unbothered pa e, pero babae? medyo off lang. tsaka, ano reason nung sil mo? and kausapin mo partner mo, if magreact sya eh alam na. dapat mas unawain ka nya since pregnant ka at moody tayo

2y trước

ung kuya nagagalit pag naka Short's ako 😅send pa kaya ng pc baka mabatukan pa ako😂