Almost 33 weeks, laging masama pakiramdam
Normal lang po ba na halos araw-araw/whole day masama pakiramdam? Yung pagod ka agad, hinihingal agad? Pakiramdam ko may sakit or pagod ako lagi. Nahihirapan akong huminga, hirap din maghanap ng pwesto sa paghiga. 3 days na kong halos puro tulog buong araw kase feeling ko masama pakiramdam ko, monitor ko naman heartrate, oxygen level, temp, bp, sugar level ko, normal naman lahat. Nababasa ko naman na normal lang shortness of breath pag malapit na manganak. Pero hanggang saan mo po masasabi na normal lang ang lahat or kailan yung hindi na?


