Soon to be single mom ?

Ngayon lang inopen ko ung FB ng Asawa ko, don’t get me wrong. Sobrang bihira ko to gawin nasa malayo sya ngayon since lock down di sya makauwi. Chineck ko din ung messenger nya. Sad to see kchat nya ung ex nya. Alam nya Na sobrang pinagseselosan ko un. Sya ung unang nagchat. Hindi ko na binasa ung buong conversation nila kasi nung nakita ko ung tawagan nila Na ayun pa rin tawag sknya nung babae nahammer n ung puso ko. Hinihiwalayan ko n ung Asawa ko. Kasi feeling ko mahal pa talaga nya un at gusto ko sya maging masaya. Every night kinukutuban ako ng di maganda pero lage kong cnasabi sa sarili na impossible, Hndi naman cguro gagawa ng di maganda ung mister ko. Pero mali ako. Sobrang sakit Wala akong makwentuhan. Wala akong mapagsabihan. Ayuko lumaki ung anak ko na lage nya ko nakikitang umiiyak at makikita nyang May pain akong dala. Sana tama ung desisyon ko. Hndi pa sya nagrereply. Hndi ko alam Kung anong irereply nya. Sasabihin nnaman nya sakin nagddrama ako :( Salamat sa app na to nabubuhos ko ung lungkot ko. Open Po ko sa comment and suggestions nyo. Salamat sainyong lahat. Sana mapansin nyo to kailangan n kailangan ko ng kausap

66 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

i've been there before.. nakipag communicate din yung ex ng mister ko sa kanya.. since alam ng babae na pinagseselosan ko sya, panay yung pang aasar nya kaya lagi nya tinitext mister ko at minsan tinatawagan pa.. yung mister ko umiiwas naman sya at pinaalam nya na rin sa babae na masaya na buhay nya and so on.. kaya akala ko after nun wala na.. one time nabasa ko na lang sa cp nya may nagtxt at naka phonebook pa na "I DON'T KNOW".. pgka open ko nung message alam ko na agad kung sino.. kaya nangyari, tinanong ko sya kung bakit nakkpagcommunicate pa sya sa babaeng yun.. sabi lang nya, yung babae lng dw ang panay text ng text sa kanya.. sabi ko naman bakit naka save pa number nya sa phone mo kung wla kang interes na makipagcommunicate sa kanya.. sabi naman nya wala lang dw.. dahil sa galit ko, binato ko yung selfon nya na remembrance nya sana dahil yun yung unang bagay na binili nya pra sa sarili nya from his own hardwork.. nag away tlga kami nun.. pero after nun hindi na sya umulit pa.. the girl is still trying to reach him pero dinededma nya na.. thankful lng din ako kasi so far, nakikita ko naman na pinipigilan nya sarili nya pra gumawa ng bagay na alam nyang ayaw ko.. kahit nga okay kami ngayon hindi ko nga isinasantabi ang possibility na baka pumatol sya sa iba.. kahit saan tayo magpunta maraming sulutera, nasa tao lang talaga kung marunong syang makuntento o hindi.. mahirap pigilan ang taong ayaw mgpapigil, kaya dpat e ready na rin natin yung sarili natin kung sakaling mangyari man yun.. para atleast hindi na masyadong masakit.. kaya cheer up lng momsh.. kayanin mo lahat para sa baby mo.. mas kelangan ka nya 🙂

Đọc thêm

hi momsh😊ang hirap ng situation mo pero sana makatulong itong ipapayo ko. sa una walang madali, walang magaan puro pain ang mararamdaman mo, pero kasi kailangan mong irespeto ang sarili mo bago ka irespeto ng iba. at sa desisyon mo hinahangaan kita mas pinili mong kumawala sa tanikala na alam mong mahirap dahil may anak kayo samantalang ang iba ay laging isinasangkalan ang mga anak para hindi lumayo at para hindi maghiwalay. once na nag cheat ang lalaki broken na ang family. broken ang respeto, tiwala kahit andun pa ang pagmamahal. hayaan mong ang Panginoon ang iyong lapitan at kapitan sa oras na pinanghihinaan ka ng loob at parang walang makakapitan.always remember God is always there for us no matter what happened . just learn to let go and move on with your life kasama ang anak mo. mahirap diba??? hindi namn agd agd let go tapos move on!! marami ka pang iiiyak 😭😭😭marami pang sakit na mararamdaman😭 pero sana sa paglipas ng mga araw., you'll learn to value your self,learn to love your self ,learn to accept na hindi lahat ng relasyon ay patungo sa magandang wakas. .the fact na nahuli mo at nalaman mo ginagawa ng partner mo ng mas maagap diba? nailigtas ka sa mas maraming sakit at pagdurusa. sa paglayo mo think 10 times. magbibigay kaba ng 2nd chance o tama na.? ? you are the only one na makakasagot nyan momsh. always lift your problems to God. He is always their to listen.😊 i hope nakatulong kahit papaano itong answer ko sayo.😘 be strong! have faith love yourself love your child/children.

Đọc thêm
4y trước

Thank you momsh. I'm happy that in my little way of giving advice, nakakalift ng spirit .. Continue to move on. Just hold on. Sending hugs and prayers for you momsh😊🙏🙏🙏

same question for my self. ofw ako ngdecide umuwi last 2019 pra bumuo ng family ldr kc kmi ng asawa ko akala ko ok kmi un pla my babae sya nlaman ko kc nwrong send ung message nya i comfronted him nung una dineny eventually umamin dn pro he never said sorry he just said tinapos n nya then nabuntis ako akala ko babalik n ung dati nmin samahan pro hindi he's so distant and aloof akala mo sya ang nglilihi tpos umaalis n ndi ngpapaalam gabi or madaling araw n umuwi lagi ako umiiyak the whole pregnancy thank God wlang msamang ngyari ky baby then nanganak ako akala ko mgbabago n pkikitungo nya s akin kc i gave birth to a baby boy pro ndi cold and distant p rn sya khit na cs ako my times n ndi sya umuuwi ndi sya mtawagan. then nka recv ako ng message from the kabit ndi kita mga faces nla pro kuha s motel ung pix n ngyayakapan/halikan pra akong nabuhusan ng malamig n tubig knausap ko sya syempre dineny nya i'd try to talk to him waiting for explanation pro wla akong mapiga s knya ndi ko mahawakan ang cp nya bsta ang sabi lng nya mtagal ng tapos cla nung girl nanggugulo lng dw ung babae pano p ako maniniwala s knya eh wla nman sya bnibgay n assurance n ako p rn ang mahal nya cold nd distant p dn ang pkikitungo nya s akin kya sabi ko mghiwalay n lng kmi sad lng kc 4 mos old p lng baby nmin. nkatira kmi s byenan ko pro kampi sya s akin at ayaw kmi paalisin ni baby. Gusto ko nman ng buo ang family pro paano nman kng ndi nman asawa ang trato s u prang housemate n lng.

Đọc thêm
3y trước

Di mo mababago ang taong ayaw magbago. Tumayo ka para sa sarili mo at sa anak mo. Respetuhin mo sarili mo at anak mo, lalo ang family mo - ayaw nila na ganyan mangyari sayo, inaalagaan at pinalaki ka nila. Umalis ka sa lugar na hindi ikakabuti ng buhay mo at ng anak mo..

ayoko Rin naranasan ko Yan first baby ko week palang ako nanganak tumatawag siya sa cp NG asawa ko åt nasaktuhan ko KayA ako nakasagot nakatikim Yung girl sa akin nå masakit Na salita åt may asawa nå rin siya åt pinipilit niya sirain Yung relasyon namin mg asawa ko Keaton daw Mahal pa daw niya asawa ko ehh may tatlong anak na siya tumigil Yung babae Kasi Wala siya napala sa asawa ko....nanganak Naman ako sa pangalawa ko may kaibigan Kami nå kaibigan din NG ex NG asawa ko Sabi niya na again daw niya asawa ko kahit may anak na daw paano íniwan na pla siya. ng asawa Kasi malandi daw ndi makatiis sa asawa lang..at talagang chinachat niya asawa ko panatag ako na ndi pinapansin ng asawa ko Yung ex niya Kasi binigay niya fb acc. niya sa akin pero sa sobrang inis ko dun sa ex GF NG asawa ko ginamit ko FB acc. ng asawa ko chinat ko Yung girl nagpanggap na sinabi ko dun sa babae tumigil kana masaya nå ako sa pamilya ko kaya wag mo na kaming sirain Kasi ndi mangyayari yung binabalak mo Mahal na Mahal ko pamilya ko asawa ko at mga anak ko KayA tumigil kana sana ndi ko na kasalanan Kung íniwan ka mg asawa mo kagaya nung pag iwan mo sa akin noon....at ndi ako tanga na makikipagbalikan para buhayin Ang ndi ko Naman anak....KayA ayun natauhan Yung girl ngayon Wala na gumugulo sa Amin happy family na kami....

Đọc thêm
3y trước

Sana all. Sana lahat masaya Ang pamilya

Thành viên VIP

hello mommy, haaayy .. kahit kanino naman no msakit yan .. ung para kang bglang manginginig na manlalamig na parang gusto mong umiyak kaso walang luhang lalabas bgla. pero mommy, mgkalayo po kayo ni mister mo. suggest ko lng nman po nging magasawa kayo ng harap harapan kaya dapat po sana kung ang desisyon mo e hiwlayan na sya yung harapan din kayo mommy .. syempre po ang mgging reaction mo tlaga agad e magalit. pero try mo po muna palamigin ulo mo at pagusapan nyo ng maayos. lalo po yung tungkol sa bata. and 1 more thing mommy, nakakuha ako ng hint sa asawa ko. sabi nya, malakas daw tlaga loob gawin ng mga lalaki ang magloko pag buntis na ang asawa nila. kc di raw natin sila kaya hiwalayan. dahil para sa bata. though totoo dba mommy? pero kc sa pnahon ngayon uso na SINGLE MOM dba?? 😉 di naman sa pinapaburan kta agad sa desisyon mo pero baka lang nman may mkapagpabago pa ng isip mo diba? ang baby nyo 😊 and by the way mommy, wag ka msyado mgpaka stress jan ke mister mo huh? remember c baby naiistress dn yan .. relax ka lang jan. sayo may anak ang mister mo hindi kay ex nya. hehe. just saying 😉

Đọc thêm

Same feeling mommy. Nung buntis ako sa panganay namin palagi syang wala sa tabi ko uuwi lasing tapos nakuha pang mambabae tapos nung nanganak ako CS palagi din wala sa tabi ko wala pa akong 1 month nakakapanganak ako na agad nakilos sa bahay, alaga kay baby, bangon sa sa madaling araw, laba as in lahaaaaat! Tapos ngayon dito sa bunso ganyan din ginawa nya nahuli ko din sya na may babae nanaman at mas madalas pang kasmaa ang barkada na nag-iinom kesa kamustahin ang anak kaya nagdesisyon ako na tapusin na talaga. Nakakaawa man ang mga bata mas inisip ko yung future nila kasi kung magsstay sa ganyang tao mas magiging mas mahirap lang. Di baleng kami na lang mag-iina ang magkakasama alam ko naman kayang kong tumayong tatay at nanay sa mga anak ko kaya alam ko na kaya mo din yan mommy 😊 kaya ginagawa ko nagpapaganda ako kahit buntis para makahanap ng responsableng lalaki sa tamang panahon na tayanggap sa mga anak ko at para makita ng ex ko yung sinayang nya. Hahaha keri natin yan noh girl power!

Đọc thêm

Ganyan din nangyari sakin nung 4months na kong buntis. Naopen ko yung lumang fb ng partner ko and nakita kong consistent pa rin ang chat nila ng ex niya, super sweet pa rin nila, and nagrereminisce ng past nila. May mga nabasa pa ko dun na parang nagsisisi silang dalawa, mga ganern. Tas di niya man lang nabanggit sa ex niya na buntis ako. Kaya kinausap ko siya, pinapili ko siya. Sabi ko sa kanya bibigyan ko siya ng time para mag-isip, kung gusto niya bang balikan ex niya or kung gusto niyang ituloy yung samin kasi kaya ko kako ng ako lang mag-isa para sa bata. Ayun, tinigil niya na kasi sabi niya ayaw niya ng broken family and ako daw mahal niya. Yung mga nasabi niya sa ex niya, parang wala lang daw yun. Lagi ko na siyang pinagdududahan pero nakikita ko na rin namang nagtatry siyang iassure ako na wala na. Lagi kong sinasabi sa kanya na nawalan na ko ng tiwala, pero sinusubukan naman niyang i-gain ulit yun. Mahirap pero kakayanin.

Đọc thêm
4y trước

same Tayo mamsh 4months din ako nun makita ko na nakikipag chat pa ung partner ko sa ex Niya, kaya Hindi lang siya ung kinausap ko pati ung ex Niya kinausap ko din na tumigil na dahil magkakaanak na kami 🙄

been there nung nalaman ko na buntis ako sabay ko din nalaman na may iba sya gf sobrang sakit lahat ata ng sakit mararamdaman mo pag ganun..nalaman both side ng family naminna buntis ako..pumunta family nila sa bahay para pag usapan ang kasal..dun ko sinabi na ayoko di ako magpapakasal na naghiwalay na kame..para sakin di rason na porke may anak ka eh hahayaan mo na lang lahat ng sakit titiisin lahat para sa anak..tama na ang isang iyak kesa magdusa ng habang buhay and happy ako sa naging desisyon ko ayun ang loko 4 ang panganay pero eldest ang daughter ko...thank god di ako pinabayaan ng dyos sa lahat ng naging desisyon ko...tatagan nyo lang loob nyo malalampasan nyo yan lahat walang binibigay ang dyos na pagsubok na di malalampasan baka ipinakita na nya sayo lahat ng kamalian ng asawa mo sa umpisa pa lang para makapagdesisyon ka ng sa tingin mo ay tama at makakampante ka ingat po kayo at godbless

Đọc thêm
Thành viên VIP

Me po nung buntis pa lang ako sa baby boy namin 6-7months na nung kinausap nya yung nakafling nya bago ako dumating sa buhay nya, sa instagram ko sila nahuli kakatapos lang namin magpacheck up non then paguwi, I open his instagram then I saw yung convo nila. Nagalit ako naiyak agad habang binabasa lahat na which is yung asawa ko pa mismo nag chat sa girl, kinausap ko at tinadtad ng chat asawa ko sya kase nqndun sya sa kanila , galit at kung ano na pumasok sa isip ko non hanggang sa kumalma ako dami kong tinanong sakanya kung bakit ganto ganyan... then I felt his sincere sorry, nagmakaawa sya ayaw nya masira kame lalo na nung nalaman nya na safe si baby at ako nung buntis pa ko, to make the long story short, Nagbago sya😊😇 Naging maalaga sya sobrang iniingatan nya na kame ng anak namin from being a bad boy to good man for us he change.😊😇

Đọc thêm
3y trước

sana marunong ka din gumamit ng past and or present tense ✌🏻

Same here, before maging kami ng partner ko ngayon meron siyang gf 7years na sila, at first diko tlga alam wala akong idea na bukod sakin may mas nauna pala, kase okay nman kami sa family niya dnadala niya ko sa bahay nila so akala ko walang sabit, until nabuntis niya ko sa first baby namen, nalaman ko yung about kay girl nung mga panahong buntis ako kaya sobra sobra akong nastress non, silang 2 sinisisi ko sa pagkawala ng baby ko, walang araw na hindi ako umiiyak non! Ngayon ipinagbubuntis ko nman yung pangalawa na sana naming baby mag 6months preggy nako, Hopefully maging okay na ang lahat samin para nlang din sana sa baby namen, kase feeling ko until now sila pa din e,

Đọc thêm
4y trước

Ay bat nasundan pa