Soon to be single mom ?

Ngayon lang inopen ko ung FB ng Asawa ko, don’t get me wrong. Sobrang bihira ko to gawin nasa malayo sya ngayon since lock down di sya makauwi. Chineck ko din ung messenger nya. Sad to see kchat nya ung ex nya. Alam nya Na sobrang pinagseselosan ko un. Sya ung unang nagchat. Hindi ko na binasa ung buong conversation nila kasi nung nakita ko ung tawagan nila Na ayun pa rin tawag sknya nung babae nahammer n ung puso ko. Hinihiwalayan ko n ung Asawa ko. Kasi feeling ko mahal pa talaga nya un at gusto ko sya maging masaya. Every night kinukutuban ako ng di maganda pero lage kong cnasabi sa sarili na impossible, Hndi naman cguro gagawa ng di maganda ung mister ko. Pero mali ako. Sobrang sakit Wala akong makwentuhan. Wala akong mapagsabihan. Ayuko lumaki ung anak ko na lage nya ko nakikitang umiiyak at makikita nyang May pain akong dala. Sana tama ung desisyon ko. Hndi pa sya nagrereply. Hndi ko alam Kung anong irereply nya. Sasabihin nnaman nya sakin nagddrama ako :( Salamat sa app na to nabubuhos ko ung lungkot ko. Open Po ko sa comment and suggestions nyo. Salamat sainyong lahat. Sana mapansin nyo to kailangan n kailangan ko ng kausap

66 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas okey na yan mommy palayain mo sarili mo sa sakit mhirap mag kulong sa taong hindi pinaphalgahan un feeling mo. Minsan tlga dmu maintindihan ang mga tao bat kailngan nla manakit pra lang mkuha nla kasiyhan nila. Aq lagi ko sinsabi sa partner ko kng magloloko ka bagu mo gwin yan hiwalayan mo nlang aq or sabihin mo skin un totoo ksi mhirap mamuhay sa mundong puno ng kalokohan mging totoo sya sa sarili nya pra wla ng msasaktan pa ng hustu gnyan ksi ako minsan may mga kaba sa dibdib pero wla ako nkikita sinsabi k nlang or ping dadasal k sa sarili ko na kng may gngwa man sya mali sya na un mag kusa magsabi d na un sa iba kopa malalamn

Đọc thêm
3y trước

Sinabi ko din Po yun sknya. Kahit sya sinabi nya sakin n kung May makikita syang iba sasabihin nya sakin. Naniniwala ako Na kapag totoong mahal mo ung tao Hndi mo magagawang saktan sya. Na kahit ganu pa Kadami ung flaws nya feeling mo perfect sya.

Thành viên VIP

Cheater is always a cheater. Di na naten mababago yan. Unless sila magbago para sa sarili nila. Its ok po kung yan desisyon niyo lalo na kung paulit ulit na lang ganyan. Tao din kase tayo nasasaktan. Wag na tayo magpaka martir sa panahon ngayon. Kasiyahan naman ng pansarili naten ang isipin. Pero mamsh, tandaan mo may disadvantage yang ginawa mo. Broken family po mangyayare sa inyo. Yun lang po. 😊 We respect naman po namen yung decision mong yan e. Dahil di naman na po talaga maganda yung nangyayare. Magpray na lang po kayo ng magpray para sa inyo ar sa desisyon niyo po. 😊Godbless po and staysafe mamsh. ❤️

Đọc thêm
3y trước

You know what kami parin. Pinili kong durugin ung sarili ko for the sake sa anak namin. Gusto ko pag nakaharap kami sa anak namin masayang masaya kami. But eventually every night I Am crying. Daily routine ko n Ang umiyak sa banyo sa gabi. Pero napansin ko kakampi ko tlaga ang Dyos . Kapag pnagdadasal ko sya Hndi maganda ung nangyayare sknya.

For me sis, if married kayo by law and by God. Always keep this verse in your heart 1 Corinthians 13:4-5: “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs." Pero siyempre sis nirerespeto namin magiging desisyon mo. Hindi madali ung na sa relasyon ka na one sided mahabang pasensiya ang kailangan. Kakainin ka kasi ng buhay sa lungkot. Maaapektuhan rin ang bata. Lagi mo lang ipray na i guide ka ni God sa bawat desisyon na gagawin mo. Virtual Hug!

Đọc thêm

Hi mga Mommy. Thank you sa mga comments nyo. Sobrang na appreciate ko. Hindi kami nag hiwalay ni Mister. Until now di pa rin kami nagkikita dahil mahirap bumayahe from Zambales to Maynila. Ngyare ung panahon na yan ilang araw din kaming hndi nagusap. Then nagmessage sya at gusto na daw nya Mawala kung mawawala lang din kami ni Baby sa buhay nya. Gusto daw nya tumalon sa dagat. Hndi ko alam Kung totoo un. Pero nagpaliwanag sya. Sa ngayon pnatawad ko sya pero gusto ko parin magusap kami ng personal dahil hanggang ngayon iniisip ko un.

Đọc thêm
4y trước

Hug kita ng mahigpit mamshie maging matatag ka .Wag niya hayaan na masira kayo dahil lang sa ex niya ,.

Ganyan din ako buntis ako nahuli ko asawa ko may kachat na babae at kung sino sino pinag ha heart react na emoji. Sinabi ko lng sknya na tumigil sya kasi babae anak nya, unfortunately hindi nag bago mas naging worst. Ginawa ko ginantihan ko sya nanlalaki ako at nag pahuli HAHAHAHAHA ayun okay na kami ngayon. Buntis na ko sa pangalawa and it's a boy na. Hehe, minsan kasi kelangan natin ipaintindi sknla kung ano ung pakiramdam ng gngawa nila satin para maintindihan nila at magbago sila.

Đọc thêm
4y trước

hahahhaha mommy binabalak ko'to kapag kapanganak ko😂 revenge is real😂😁

Mas masarap kumawala sa relasyong alam mong wala na yong tinatawag na TIWALA at ikaw lang ang NAG-MAMAHAL at LUMALABAN ! kase hindi rin magiging worth, ang relasyon nyo kung ikaw lang ang nag mamahal! Una sa lahat kung mahal ka nyan di yan magloloko sad to say but true 😔 Wag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan Lilipas din lahat ng sakit na nararamdaman mo kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para di kana masaktan! Move-On, isipin mo nalang ang magiging future ng baby mo. Be strong Po

Đọc thêm
Thành viên VIP

Be strong sis kaya mo yan ha. Masakit oo pero do what you need to do para makapag heal ka. Hindi fair para sayo ang ginawa ng husband mo at pinakita niya na wala siyang respeto para sayo at sa samahan niyo. Si ex din ang kapal ng face sarap sipain sa totoo lang. Sadly may mga ganyan talagang mga babae mga walang respeto sa marriage ng iba na akala mo di pinalaki ng magulang. Basta ikaw sis wala ka ginagawang masama sila ang talo dito, sila ang gumawa ng masama. Be strong!

Đọc thêm

Sa partner ko mamsh. May rules. Walang dahilan para mag karoon ka pa ng connection sa mga ex- na yan. Landian ang meron jan. Throwback of feelings. Makakagulo lang sa present relationship. Ikaw na rin nag sabi na ang tawag saknya nunv ex- nya is yung tawagan pa nila nung sila pa.. ex- is ex- na. Sabhin mo sa partner mo. Dapat ang focus na nya sainyu pamilya nya. Kung talagang mahal ka nya. Hihinto sya sa mga ganyan bagay dahil mahal ka nya..

Đọc thêm

hayssss sakit s puso para basahin Kasi my pag ka relate sa mother ko,, mhal Nia pa c papa pero pinakawalan nalang Kasi babaero.. pero Yun sau kc ex Ng ex asawa mo Yun ky papa iba IBA babae.. Kaya mo Yan,, mhrap mkpg move on Lalo n minahal mo Yun Tao Ng sobra na inaakala mo Hindi gagawa Ng pagtataksil.. it takes time to heal the wounds Kaya mo Yan!! anjan Ang God , Ang anak mo at pamilya mo.. wag susuko sa buhay!!

Đọc thêm

Hindi lang naman ikaw sis🙂.same here!mas masakit isipin na antagal niyo pero di mo alam saan lugar mo sa puso niya.to the fact na nabuntis ka pa tapos gusto pa pala niya yung ex niya.mas masakit isipin na ginamit lang tayo.o hindi tayo ginamit kinailangan tayo dahil tayo yung nandyan?ako??hindi ko nalang iniisip kasi nadudurog ako.I'm a single mom too.malapit na lumabas baby ko.nagpapakatatag 💪💪💪

Đọc thêm