UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Các câu trả lời

Hi mommy, i know mahirap yung pregnancy stage mo ngayon dahil hindi mo maramdaman ang support ng partner at ng pamilya nya plus yung burden of responsibility mo pa sa pamilya mo ngayon pero I hope maintindihan mo na hindi ibinibigay ang blessing na ito sa lahat. Choose wisely kung anong responsibility mo yung pipiliin mo. Baby or family? Pag si family pinili mo and you decided to undergo abortion 100% di ka na pwede bumawi kay baby. If si baby ang pinili mo you may feel guilty for a while pero habang pinapalaki mo magisa si baby makikita yan ng family mo. Be assertive lang na magiging priority mo si baby magegets nila yun. Maiintindihan din ng family mo na kailangan na din nila to take a stand and hindi forever aasa sila sayo. You can still provide for both tiwala lang. Kaya mo yan! Now kay partner baka naman ito na yung way ng heaven para hindi talaga kayo magkatuluyan dahil hindi kayo para sa isat isa pero remember lng na di mo pwede isisi lahat kay daddy kasi kayong dalawa yung nageffort to conceive the baby. Change the way you look at things. Change perspective. Malay natin mas maraming dumating na blessings pagdating ni baby. You can never go wrong with kindness. Be kind kay baby. Im praying na sana malagpasan mo ito. Godbless!

Mali na nga sis yung pinasukan mong relasyon, mali pa yung paraan na gagawin mo para lang takasan ang problema mo. Alam kong mahirap, nakakatakot, madami kang uncertainties sa pwedeng mangyari. Pero sis, dont be selfish. Hindi ka ilalagay ni Lord s sitwasyon na yan kung hndi mo kakayanin. Magtiwala ka kay Lord. Hindi ka niya pababayaan. Meron at meron siya ipapadala pra i-save ka sa sitwasyon mo kaya kahit anong mangyari, kahit mahirapan ka, physically, emotionally, kayanin mo. After all, ginusto mo yan eh. So live with it. Ipakita mo sa lalaking yan at sa pamilya nya kung gano ka katatag at katinong babae. killing the baby would only mean one thing- na tama sila ng pagkakakilala syo. and besides, mas kahihiyan sa pamilya mo yang gagawin mo. Hindi ba mas marangal at mas nakaka proud n iahon mo ung sarili mo sa mga husga ng mga tao khit mag isa ka kesa sa magpakamatay ka or patayin ung batang wala nmang kasalanan? Sis, be strong. live it all up to God. kumapit k s pamilya mo. may maririnig kang mga salita oo, pero palampasin mo. ang mga pagsubok n yan ang magpapatatag sayo. for all you know, ung batang dinadala mo ang magtatanggol at sasama syo hanggang s pagtanda mo. so please, magpakatatag k. pagsubok lang yan, malalampasan mo dn yan.

I keep m po c baby kung s tingin mttakasan m mga prob. Pg nwala xa jan k ngkakamali dhil aq s totoo lng naisip q dn yan b4 nung nabuntis aq ng bf nd p q ready kng anu ano gnwa q pra mwla xa pero hbng gngwa q un ramdm q at alam q sarili q auq dn mwala anak q lagi q p xa knakausap hbng nsa tummy q xa n kng matutuloy maabort xa dhil s pinagagagawa q sna pg nbuntis aq ulit xa prin ibigay skn pero nd fighter xa sis kya ang gnwa q ngdecide aq n ikeep xa dhil alm q dn ayw nya q iwanan n kht ayw ng bf q nun sknya bhala n bsta skn xa inalagaan q xa s vit.gatas checkup lht ng nririnig q s pamilya n masasakit dedma nlng bsta nka focus n q s anak q at to think n my mga ininom aq pra mlaglag anak q sv q sknya nun n kht my diperensya man xa pglabas ttanggapin q xa kc ksalanan q nmn tlg pero god is good tlg kc hind normal ang baby q pglbas nya and she's turning 6yrs old this year bibong bata at matalino kya ngyon plang sna maisip m n blessing yang baby m wg k paapekto sknila kc kht c baby lumalaban yan kya sna wg m n tngkain p n sktan xa mgbase k nlng s exp. Q at kht pano proud aq n ikeep ang anak q kht p aq lng sna malinawan k maawa k sknya sis hiwlayan m n bf m or kng my mrinig k man s fmily m dedma nlng dn at c baby nlng pgtuunan m ng pancn

Unang una, wag na wag mong ipapalaglag yung Baby kasi alam mo sa sarili mo na kasalanan kay Lord. Hindi ka ba nakokonsensya na papatayin mo yung sarili mong anak? Kahit pa sabihin mo na kasabayan mong magbuntis yung ibang babae. Pangalawa, makipag hiwalay ka sa lalaki na hindi mo dinadamay yung Baby. Kung pagod ka na, ilet go mo sya. Sya lang at wag na wag mong isasama yung Baby nyo. Pangatlo, sabihin mo sa Pamilya mo na buntis ka. Oo, sa una, magagalit sila pero matatanggap din nila agad yan lalo na't sasabihin mo na wala ka na ibang karamay. Wag mo muna isipin yung mga sasabihin nila sayo. Kasi habang nagpapaapekto ka, naapektuhan din yung Baby mo. Kalaunan, bibigay din sayo ng Pamilya yung suportang hinahanap mo. At huling huli, mag dasal ka sa Panginoon. Ngayon mo Sya mas kailangan. Humingi ka ng tawad, magpasalamat ka sa Baby mo. Kasi isang Blessing yan despite na sobrang dami mong problema ngayon. Sya yung magiging dahilan mo para mabuhay. At wala syang kinalaman sa mga ginawa ng Tatay nya. Manghingi ka rin ng gabay at lakas kay Lord para makayanan mo ang lahat. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Naririnig ka ni Lord. Kayang kaya mo yan. Pag kailangan mo kausap, pwede mo akong kausapin. Wag na wag kang susuko.

VIP Member

mamsh alam mo may ikukwento ako sayo baka sakaling ma enlighten ka alam mo ba 20 years old palang ako and now I am 30weeks pregnant. yung daddy ng baby ko may anak sa una dalawa pa ah hindi niya kami ginagastusan kasi sinusustentuhan niya dalawang anak nia and hindi din tanggap ng pamilya ng guy na buntis ako. kelan lang kasi nung sinabi namin sa family niya kasi natakot din kami almost 7months na hindi alam ng family ng guy na kapag di siya umuuwi sa kanila sa amin siya ng pinagbubuntis ko umuuwi . kinailangan niya kami itago pero nung nalaman ng family niya lahat ng masasakit na salita sinabi na nila sakin lalo na ung sister niya dumating pa sa point sa sinabi ng kapatid niya na napakalaking KASALANAN ng baby ko at hindi daw kapatid niya papa ng baby ko pero lahat un tiniis ko. oo inisip ko na din na wag na ituloy at isuko na pero nanalig ako sa TAAS pinagdasal ko na maging okay na and now with the help of the almighty father tanggap na nila kami lalo ng sister niya at mas naging close kami ng sister niya than before just trust papa G. hindi ka niya bibigyan ng pagsubok na di mo kakayanin laban lang momsh ituloy mo yan 😘 binigyan ka ni god ng napakaprecious na blessing kasi alam niya na kaya mo 😊😊

Hello mommy. I hope you are doing fine. Kung tatanungin mo po ano pinakamagandang gawin, yun po ay ang BUHAYIN MO ANG BATA. Alam ko po may free will ka to do your own thing pero alam ko din na hindi mo kayang ipalaglag ang bata kaya nanghihingi ka ng advice. Mommy, una po, umalis ka na sa relationship na yan kung yan ang nagdudulot ng stress sa'yo. Kung ipapalaglag mo si baby para makalaya sa kanya, sa tingin mo po ba na di ka mas masasaktan kapag narealize mong ang baby mo pala ang lakas mo? Mahirap ang bumuhay ng bata lalo kapag mag isa ka lang pero mas mahirap magsisi sa huli. Sabi mo po, may work ka naman tho breadwinner ka, sabi mo din na ayaw ng pamilya niya yung bata at pati family mo, may nasasabi na. Hindi ba yan ang mga dahilan na dapat magbigay ng linaw at lakas sa'yo para ipagpatuloy ang pagbuhay sa bata? Kawawa naman po kase siya. Lahat ayaw sa kanya, pati ba naman ikaw susukuan mo siya? Mommy, kayang kaya mo yan. Magpray ka kay Lord at gagabayan ka Niya😊 Alam kong mabigat na ang nararamdaman mo dahil sa sitwasyon mo pero magpakatatag ka mommy. Kapag nalampasan mo yan, napanganak mo ang anak mo, mapapangiti ka ng wagas😊❤️ I will include you sa prayers mommy. 🙏

I know some of you will get mad, pero may iba iba tayong opinion pag dating sa mga ganyan. May mga tinatawag tayong pro life, at di ko alam kung anong tawag sa umaayon sa abortion at contraception whatever. Nasasabi natin na, "wag niyo ipalaglag, wag ganito wag ganyan" pero naisip niyo ba kung ano yung magiging mental state ng soon to be mommy na ito? What if di pala supportive ang parents niya sa pagbubuntis niya? Sa pagkakaroon ng child out of wedlock?. Minsan kailangan natin ilagay ang sarili natin sa paa ng ibang tao. Kasi napakadaling sabihin na blessing yan, pero yung struggle ni soon to be mommy na everytime na makikita niya si baby eh maaalala niya yung kalokohan ng asawa nya saknya. May iba iba po kasi tayong level of acceptance. May kanya kanyang level kung papaano mag handle ng problema. Kung may dumidisagree sakin, please wag niyo po sana akong ibash o ano, hahaha. Sharing my thoughts lang naman. Kasi baka sa mga oras na to, pressured na si mommy. Baka mamaya mag comment dto na "ay siguro nag palaglag or whatsover" Hahahahahaha. Di po, pinag aaralan ko lang po at binabasa ng mabuti yung pros and cons ng RH bill, legalizing abortion in the ph eme. Hahaha peace out po tayo mga mommies

VIP Member

Hiwalayan mo na yan sis halos same tyo ng situation ngyon ako yung pagdedescribe mo sa tatay ng baby mo ganon dn tatay ng anak ko mabisyo mabarkada at babaero pero ilang beses ko sya pinatawad pero nung nalaman kong may dinala sya na babae sa bahay nila at nakita pa ng anak namin at pinatulog pa nya sobrang sakit sakin non kasi pati magulang nya parang pabor lng sa gngwa nya. Nabuntis yon pero hnd ko parin alam kung sno ung totoong ama kasi may kinakasama dn pala ung babae maliban dun sa tatay ng anak ko. Sa sobrang depress ko pati sa pamilya ko, nagwa ko syang mapatawad kasi sobramg kmuka tlga nya ung daddy nya. Inisip ko nlng ayokong magkaron ng broken family. Masaya anak ko kapag magkakasama kami. Kaya inapakan ko yung pride ko kinalimutan ko pahat ng pasakit eto ngyon magdadalawa na anak namin. Pero hnd parin ako masaya dala ng mga ginawa nya sakin noon ng pault ult. Sobrang hirap magtiwala ulit sis. Kaya advice ko sayo hanggat maaga pa putulin mo na relasyon mo sknya. Masakit kapag hnd ka tanggap sa side nya at tska may anak sya sa iba at sknya tlga yon. Tanggapin mo nlng at wag mo iaabort baby mo. Think positive lng sis kaya mo yan. Yung baby mo nlng forever mo. Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina.

Im not in the same situation peru nung first pregnancy ko pinalayas ako ng parents ko at hnd din kami nagsama ng bf ko dhil wla kmi prehong trabaho. kung kniknino ako nkituloy n mga kamag anak. gusto ng mama ko ipalag2 ko dahil mag 3 months p lng nman nung nlaman nmin, hnd nila tanggap bf ko at gusto nila ako mag abroad. never kong inisip ang mag pa abort kaht n lugmok n lugmok ung situation ko, bkit? una dahil may takot ako s Diyos at alam kong kasalanan gawin un. pangalawa, hnd ko kayang patayin ang sarili kong anak. 7 years mula non, 7 years old n ngaun ang panganay ko at mahal na mahal sya ng mga magulang ko, sobrang spoiled p. ntanggap at nagsama din kmi ng bf ko after 6 months kong manganak nun at nkapag pakasal kmi last yir lng. wla akong pinagsisihan sa mga naging desisyon ko kahit nahirapan ako. for me God have plans and reasons bakit nangyayari sa tin ang mga bagay2. isa din yan sa mga pag subok peru whatever happened maaayos at maayos din yan in God's time. I hope sis you will decide ng ta dahil mahirap magsisi sa huli. Pinaka importante mag pray ka. Ipagpray mo lahat lahat at ibigay at isuko mo kay Lord lahat ng yan hayaan mong sya ang gumawa ng way at praan. Malalampasan mo yan sis. God bless you. 😊

Tuloy mo yan sis kahit anung mangyari si baby ang mas mahalaga sa kahit n sino man yung kasalanan ng tatay nya wag sya ang magbayad kung meron man sa inyo ang dapat na namomroblema yung babae at yung lip mo yun hindi ikaw.ikaw nandyan ka sa poder nila sa mata ng tao ikaw ang legal pag labas ng anak mo sa mata ng tao sya ang legal na anak kahit hindi kayo kasal as long as sya ang nasa poder ng lip mo sya ang magiging legal kayo ang magiging legal nasa anak mo lahat ng karapatan pagdating sa tatay nya wag mong isipin yung sasabihin ng pamilya nya pag nakalabas na si baby pwede mo ng iwan sa family mo tsaka mo na isipin ang iwan yang tatay ng anak mo unahin mo laging isipin yung baby mo lalo na ngayon na hindi mo kayang mag isa para sa baby pray ka lang sis pakatatag ka isipin mo lalabas yung anak mo na buo ang pamilya parang ginawa lang ng babae na sabihing buntis sya para maawa ka iwan mo yung lip mo tapos sya ang nandyan kaso buntis ka din advantage mo yun😊positive lang isipin mo lagi pray pakatatag ka basta isipin mo lagi hindi ikaw ang gumawa ng problema at hindi mo problema kung mahirapan man si lip mo kasalanan nya yan hayaan mo yung family ni lip pag labas ng baby mo aalagaan nila yan dahil apo nila yan😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan