Water Broke Or Labor
Hello nga mommies ano nauna sa inyo? Labor or pumutok na panubigan nyo? Ako kasi nauna na pumutok panubigan ko pero 1-2 cm prin ako. Wala pa hilab nasakit lng puson huhu. Pls. Share you experience thanks
LONG POST AHEAD. 8months palang ako that time, uso ang gangnam na music, nakisayaw ako Dun sa christmas party ng HOA. pag uwi ko ng bahay, habang naghahapunan kmi ng asawa ko, all of the sudden, naramdaman kong biglang basa ang salawal ko eh hindi namn ako umihi. hindi ko namn naisip na panubigan ko na pala yun kasi wala ako nararamdamang sakit At wala namn akong spotting ng dugo. naghugas lang ako at at nagpalit.. and i remember, that night, "nag KEMEROT" pa kami ng asawa ko😅😅😅 kinaumagahan, 5am. after ko mag almusal, naglakwatsa pa ako para maghanap ng panibagong aalmusalin. pag uwi ko, umihi ako. Dun ko na na pansin na may malit na spot ng dugo sa panty ko. as in spot lng siya.. hindi ko pa rin na isip na manganganak nko kasi wala parin akong nararamdaman. nangapit bahay pa ako sa asawang pinsan ko para magtanong kung ano ang signs ng real labor. ang sabi, pagputok ng panubigan, dinudugo ka na, at masakit na pakiramdam mo. Uwi ako ng bahay, ginising ko asawa ko at nagsabi na may spot ako pero wala akong nararamdaman at isa pa 8months plang ako. siya pa ang nag panic😂😂😂 naki ramdam pa ako. that time 7am na. then unti unti akong nakaramdam ng ngalay sa bewang, tapos natuloy sa parang dinidysmenorrhea na feeling, hanggang sa umintense ng umintense ang sakit. parang binabali na bewang ko na parang magiging manananggal nko😂 Sabi ko pa dati di ako iiyak kasi parang kaartehan lang yun ng ibang mga babae. hanggang sa di ko mapigil, tulo na luha ko. nag pipilit na asawa ko na pumunta na kami sa lying in kung saan ako mnganganak. muka ng aswang itsura ko sa kakainda ng sakit😂 pinagtatawanan na din ako ng sister ko at asawa ko. sabi ko huwag muna kasi baka false alarm lang. Hanggang sa nagdecide na ako na alis na kami kasi pakiramdam ko lalabas na. ang mgaling kong asawa, angsabi maglakad lang kami para daw hindi ako mahirapan manganak.. mga 200meters yung layo ng lying in samin. 3 beses kmi huminto sa paglalakad kasi pinipigilan kong huwag lamabas. sabi pa ng asawa ko huwag daw ako huminto sa paglalakad. I swear, hindi ako palamura, pero that time namura ko talga asawa ko😅 "G@go, G*go, G#go ka, sandali lang!!! ang sakit!!!" sabi ko sa asawa ko ng pabulong na nanggigigil.. ang nakakatawa pa, General clinic din kasi yung lying in na panganganakan ko. tapos that day "Libreng check" pa. Dami ng tao, lahat may number na. 8:50am na ng dumating kami ng lying in at 10am pa magsisimula ang clinic. Sabi ko sa asawa ko hindi ko na mahihintay ang 10am. Nagkandaluhod nko sa sahig habang hawak ang puson ko. Lalabas na talga. Nang makita ako ng staff na ganun na sitwasyon ko, pinapasok agad ako sa delivery room at nagtawag na ng midwife. pagpasok sa delivery room, wala ng hiya hiya, hubad agad ko ng pang ibaba. dami ng blood sa panty ko. takenote.. naka terno ako ng maluwag basketball jersey😂😂😂 pag higa ko, IE agad sakin. saktong 10cm nko at ready to deliver na.. Grabe, dahil sa subrang sakit ng pakiramdam, konte na lang ang nadagdag ng hiwaan ako, sabay sabi ng midwife ng "ere sa pinakamasakit" unang ere, wala pangalawang ere, lumabas na ang ulo ni baby pangatlong ere, labas na buong katawan niya.. SUCCESS!🤗🤗🤗 8:55am. limang minuto lng. 2.4k lng siya kaya medyo maliit. paglabas niya eh pinatong siya sa tyan ko. nkatalikod siya sakin. balot siya ng kulay puti at medyo balbon siya.. Akala ko tuloy Oranggutan(unggoy) ang anak ko😅 Nung linisan na siya, teary eyes nako, isa cute na prinsesa😍😍😍 after ako linisan, sabi nlng sakin ng assistant na naglinis sakin, "sige maam, lipat ka na sa kabilang kwarto" as if na hindi ako nanganak. ako eto namn masunurin, baba ako ng bed at lakad papunta sa kabilang kwarto.. first time kong madiaper😂😂😂 then paglipat ko, higa lang ako katabi ng baby ko. nakatulog ako sa subrang pagod. feeling ko nagduty ako ng isang cut off ng walang out out.. tapos by 11am gising nako at naglalakad na uli..😅😅😅 by 5pm lakad na kmi pauwi ng bahay.. marami nagsasabi, Swerte raw ang baby ko at nabuhay. bihira lang daw ang eight months na nabubuhay. dec20 ako nanganak pero ang due ko sa jan 20 pa based sa regla at ultrasound ko. thankful ako sa baby ko, kulang kulang 2hours lang labor ko. Ngayon, 5months preggy uli ako sa second baby ko.. nag iisip ako kung ano namang music ang sasayawin ko😅para hindi ako mahirapang manganak.. but hopefully huwag sana mging premature. any suggestion?🤗
Đọc thêmSa akin tubig noong may 5 around 10 am something pro wla akong nararamdamn na sakit kaya tumwag ako sa lying in bka maubusan pro sabi nya d pa nmn dw maubos agad2 kaya pinaghintay nya ako ng 2hrs pag may mararamdamn ako na sakit diretso na dw ako don kso after 2 hrs wlang pain parin akong nararamdamn kaya 2pm nag message ako na kung pdi mag pa i.e nlng ako pro dla kona lahat gmit ko bka kung sakali pag dating nmin don 1 cm pa but still no pain after that waitng nanamn ako ng 3hrs for another kung wla parin progress marerefer nya ako sa private hospital for induce naku nganga ang mahal kaya ang sabi ko oobserbahan kulang ito kasi ang mahal talaga sobra mga around 4 pm may narmdamn ako na sakit pro prang kirot lang sumapit ng gabi d nalng kami umuwi bka just incase wla kami maskyan i.e nya ulit ako my god stuck parin sa 1 cm ererefer na talaga nya ako kaya naging arisgada na ako na wag muna naniniwla kasi ako na lalabas ito without induce kaya d nya ako pinilit inoobserbaran ko parin hanggang madaling araw umiba ng sakit pro kaya pa nmn hangga ng nag umaga na 6am something parang iba ng sakit kaya i.e nya ako ulit thanks 4cm na pro nagtuloy2 na ang sakit na prang gusto ko ng ilabas yon pala tuloy2 na ang sakit na sobrang sakit kaya tinawag ko na ang mid wife na gusto ku nng ilabas thanks god 7:15 am lumabas na
Đọc thêmButi ok lang ang baby mo kasi sa akin 3:30am pumutok ang panubigan ko tapos 10:30pm siya lumabas. Nag antibiotic yong baby ko for 7 days kasi sabi ng pedia baka magka infection sa tagal nang pumutok ang panubigan ko. Baka kasi daw napasok ng bacteria. Hindi ako overdue at hindi pa siya naka tae sa loob.
panubigan din po saakin grabi mkapanic pala sa 1sttime mom ..ung duedate ko march 31 pero nanganak ako march 27 ng madaling araw CS po. ..nkaramdam ako ng hilab sa tiyan pero mayat maya mawawala naman. kaya march 26 ng umaga nka ramdam ako ng pagod tyaka prng kinakabag kaya humingi ako sa husband ko ng yakult kaya hindi pa natuyo ung buhok ko dahil sa bagong ligo nkatulog ako paggising ko wla na akong nararamdamang hilab .pero ung baby ko galaw ng galaw super hyper po. hanggang 10pm po ..nung natulog na kmi kinausap ko baby ko na matutulog na kmi buti naman huminto na xia sa kakagalaw nia pero bandang 11pm na po .nag change position po ako nung gumalaw na ako may biglang lumabas na basa saakin ..kaya tumayo agad ako sa pag tayo ko nakita ko maraming tubig na po lumalabas kaya nag go agad kmi sa ospital ....nakarating na kmi ina IE agad ako 2cm plng daw ..makapal pa cervix ko .kaya nag deside husband ko na admit muna ako. nirecitahan ako ng doctor ng pampahilab .sa 2½hrs na hintay namin wlang reaction talaga pero nagpanic na kmi nung may dugo na po ung diaper ko hindi ksi ako masyadong gumagalaw kasi ang lakas ng daloy subra .after 2½ hrs nag deside na po ung doctor na Cs nlng po. .un march 27 4:40am nkaraos po kmi ng baby boy ko 3.7kg po xia😊😊
Đọc thêmPumutok na yung panubigan ko 6 am per 10 am 1 cm pa rin kaya from lying in center tinawag na ang ambulance derecho emergency room ng ospital linabas si baby via CS, kasi 6days na rin akong overdue d pa ako maglabor,walarin akong nararamdaman na sakit o yung sinasabi na hilab paglabas ni baby ang haba na ng ulo nya at yung mukha at balat nya dami ng rashes.1 week din cya under medication ng anti biotics para iwas impeksyon.
Đọc thêmSakin last july.. Nauna ung panubigan 4am tapos walang pain. 3cm .. Pinauwi ako ng ob q.. Tapos balik na lang daw aq pag may sakit na kaso wala .. Nag tanghali na wala ka ring masakit.. Nung hapon pinabili na ako ng gamot tapos pinasok sa pwert ko kc ung panubigan ko naubos na.. Nag dry labor ako sobrang sakit kc tuyong tuyo n hirap ilabas ung baby.. Peo nakaya aman 5pm lumabas na ung baby boy ko..
Đọc thêmSa 2nd, panubigan. Stock rin ako sa 2cm ng ilang weeks hanggang sa pumutok na nga panubigan ko. Nung nasa lying in nako, wala parin hilab. Kaya nauwi ako sa induce. Paubos na panubigan ko pero stock parin ako sa 4cm, nakailang turok rin ng pangpahilab. Muntik ma-CS. Mabuti pinush ko talaga para bumilis pagbukas ng cervix ko.
Đọc thêmAqu first brown discharge meaning open n ung cervix qu then nung naubos n cguro ung brown sumunod n is blood dinala n qu nun s lying in tas un kasunod is panubigan n nabroke n panubigan qu peru as in na istak aqu s 7cm dna gumalaw hnggang s tinurukan n qu pmpahilab then un uk na c baby n ksunod
Ganyan na ganyan din experience ko nun pero walang binigay sakin na gamot. After 5hrs humihilab na hanggang pasakit na ng pasakit, papalakarin ka ng bongga.. 22hrs after pumutok panubigan ko nailabas ko si baby ng normal delivery at walang anesthesia.
Ako po pumutok panubigan ko 2cm dinala na ko sa hospital doon na ko naglabor. Mas maskit po mag labor pag rapture na ang panubigan need imonitor kasi anytime pwde mawaln ng heartbeat si baby
Ako po 2days na May spot ng dugo .labor na po ba un.. nakastay lang sa 1cm. 2days na po ako pabalik balik sa MD ko. Dpo tumataas.. nu po kaya maganda gawin ?
sakin pinapainom ako ng evening primrose oil para daw bumilis pag open ng cervix ko
Mum of 1 troublemaking junior